Kabanata 44

275 19 1
                                    

Kabanata 44

Sorry

"Hypertrophic cardiomyopathy. 'Yun ang sakit ni Jazz." Umalingawngaw sa isipan ko ang sinabing iyon ni Adrian nang malaman kong sinugod na naman si Jazz sa ospital.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nasa bahay ako nina Lhieanne nang bigla siyang magmadaling umalis at iniwan ako. Naguguluhan ako kaya agad kong tinanong ang kasambahay nila at sinabi nitong sinugod daw si Jazz sa ospital. Kinabahan na ako. Ito ang sinasabi ni Adrian sakin noong nakausap ko siya.

"Nadiagnose si Jazz noong fourth year highschool. No one knows about her condition. Nagpacheck lang siya sa doctor dahil napansin niya ang iregular na bilis ng tibok ng puso niya. Remember when she collapsed at the field while playing? Iyon ang symptoms."

Mabilis kong sinikop ang gamit ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Natataranta akong nagdrive habang pilit na tinatawagan si Rhein. Ayaw niyang sumagot. Fuck! Napahampas ako sa manibela dahilan para bumusina ito.

"Iyong gamot na laging pinapaalala ni Lhieanne sa kanya noon. Mga physical activities na bihira niyang salihan noon. Alam niya na ang sakit niya pero hindi siya nagsabi dahil ayaw niyang mabago ang tingin sa kanya. Ayaw niyang kaawaan siya. Ayaw niyang matuon sa kanya ang lahat ng atensyon natin para maingatan siya. Nilihim niya iyon. Hanggang sa lumala para pilitin na siya ng daddy niya na mangibang bansa para magpagamot..."

Iniba ko ang tinatahak na daan dahil ayaw sagutin ni Rhein ang tawag. Kay Rhein ako tutungo ngayon. I need to tell him what I know.

"Hindi naging successful ang unang operation kaya nagstay siya sa Canada for three years. Nang sabihin ng doctor na maayos na siya, 'tsaka lamang niya naisipang bumalik dito. Pero alam mo ang naging pakikitungo sa kanya ni Rhein. It triggers for her heart to beat abnormally. Bawal siyang ma-stress. Pero dahil iniiwasan siya ni Rhein at nagdidirect pa siya sa MV's namin, ayon..."

Napasabunot ako sa buhok ko habang hinihintay ang go signal.

"There's always a possibility na mamatay si Jazz. Kahit na ilang beses siyang operahan at uminom ng maraming gamot, hindi mawawala ang posibilidad na iwan niya tayo. Mahina ang puso niya. Mahinang-mahina..."

Nanakbo na ako mula parking lot hanggang sa elevator ng tinutuluyang condo unit ni Rhein. Naiiyak na ako. There's always a possibility. Natatakot ako.

Halos isang buwan na rin nang malaman ko ang tungkol dito. Nabahala ako sa nalaman ko pero binalewala ko iyon. Napatawad ko naman na si Jazz. Naiintindihan ko naman ang ginawa niya. Hindi ko lang siya magawang kausapin dahil natatakot ako. Naiinis ako sa sarili ko. Hinayaan ko kasing kainin ako ng galit na nararamdaman ko bago ko pinakinggan ang maaaring dahilan niya. O kahit intindihin siya kung ayaw niyang sabihin kung bakit. Naiinis ako dahil hinayaan kong masaktan siya gayong matagal na pala niyang dinadala ang sakit na iyon. Lalo ko lang siyang pinahihirapan. Naiinis ako.

Pinahid ko ang luha sa aking mata at pilit na kinalma ang sarili ko.

Kailangan kong sabihin kay Rhein ang lahat ng alam ko. Kailangan niyang malaman ang lahat. Tama na ang pagpasan ni Jazz sa lahat ng sakit na ito. Dapat noong umpisa pa lang tinapos na ito. Para hindi na kami nagkakasakitan. Sobrang tagal na ng pangyayaring iyon at kailangan nang tuldukan.

Jazz doesn't deserve this kind of treatment. Ayaw niyang makaabala sa iba kaya siya naglihim sa amin. Sana noon ko pa naintindihan...

Pinindot ko ang mga numero sa security lock ni Rhein bago ako tuluyang nakapasok. Wala siya sa sala maging sa kusina. He's probably asleep. Anong oras naman na kasi.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon