Kabanata 43

275 17 1
                                    

Kabanata 43

Roadtrip

Saturday night came. Nagulat ako nang makita ang sasakyan ni Niccolo sa harap ng bahay namin. From there, my friends waved their hands and smiled at me. Minadali nila akong makasakay dahil malayo raw ang magiging biyahe namin ngayong gabi.

Tahimik ako habang nasa biyahe habang ang mga kaibigan ko naman ay panay ang kwentuhan. Minsan ay nakikisali ako kapag nagtatanong sila pero madalas ay tahimik ako. Kumpleto kami na nasa loob. Ako, Si Mikie, Sasha, Lexa, Tristan, Gellie and Niccolo. Si Niccolo ang nagdadrive at si Tristan ang nasa tabi niya. Kaming lima ang nasa likod.

Nang tumigil ang sasakyan sa kahabaan ng edsa ay tsaka ko lamang pinansin kung saan kami tutungo. I thought we're going to Taguig but then I realized, bakit pa nila ako sinundo sa Manila gayong galing naman na sila doon. Dapat ay pinagbyahe na lang nila ako papunta sa kanila. Not the other way around.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Taas ang kilay na tanong ko. Nakita kong nag-angat ng tingin si Niccolo sa akin gamit ang salamin sa harapan.

"Roadtrip. Sinadya talaga naming daanan ka na lang sa inyo tsaka tayo tatahak pa-south." Excited na sabi ni Lexa. I can hear the giddiness on her voice.

"It's actually a waste of gas and time but si Niccolo naman ito kaya ayos lang." Nagkibit balikat si Tristan nang sabihin iyon. Tinignan ko siya pabalik galing sa rear view mirror at kita ang mapanuyang ngiti sa kanyang labi.

"Anything for you is not a waste, Claire. Para saan pa't magkakaibigan tayo, hindi ba?" Mapanuya ring tumingin sa akin si Mikie. Seriously?

"Pero saan nga talaga tayo?" Humalukipkip na ako. Kita ko ang paninitig sa akin ni Sasha sa aking tabi. Konti na lang ay masisira na ang mood ko.

"Baka sa Nuvali? Hindi ko alam kung bukas pa iyon pagdating natin but might as well use our lucks. Kung hindi naman—"

"We can go to EK na lang! Tutal Laguna na rin naman..." Putol ni Sasha sa sinasabi ni Lexa.

"Magco-close na rin iyon. Kailangan natin ng iba pang pwedeng puntahan." Nag-angat ng tingin si Gellie mula sa pagkakatungo niya sa kanyang cellphone.

"Tagaytay!" Masiglang sabi ni Tristan. Nagtinginan ang lahat sa kanya.

"No! Hindi ka pa ba nagsasawa doon?" Halos sabay-sabay nilang sabi. Kami lang ata ni Niccolo kasama si Tristan na nagsuggest ang hindi nagsalita. Sunod na tumingin saming dalawa ang apat na tumutol.

"Ayos lang sa akin sa Tagaytay." Kalmadong sabi ni Niccolo habang nagdadrive. Sunod na tumingin sa akin ang iba.

"Ayos lang rin. Apat na taon na noong huling punta ko roon. You know... three years akong sa ibang bansa." Kibit balikat na sabi ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Lexa sa likod.

"Fine. Kung sarado man ang parks doon, sa Starbucks na lang tayo."

"Ayos na rin..." Sa huli ay iyon ang napagdesisyunan. Plan B lang naman iyon kung wala kaming mapuntahan sa Laguna. I hope Nuvali's close so we can go straight to Tagaytay. Medyo malabo na sa akin ang lugar dahil sa tagal na hindi ko pagbisita doon.

Bagsak ang mga balikat nila nang malamang sarado na ang Nuvali sa oras na nakarating kami. Palihim na umangat ang gilid ng aking labi dahil doon.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon