Kabanata 9

399 30 10
                                    

Kabanata 9

His feelings

Inayos ko ang sarili ko matapos kong pag-isipan ang mga bagay na matagal nang gumugulo sa isip ko.

Naiwan na ako. Nagmukha na akong tanga. Ayokong pati ang natatanging kaibigan ko ay layuan ako dahil sa katangahan ko.

Alam ko. Nararamdaman ko kung ano ako para sa kanya. Hindi ako tanga para hindi maramdaman iyon. Kilala ko siya. Sabay kaming lumaki. Bawat tingin at galaw niya ay kabisado ko na. Imposibleng hindi ko alam. Sadyang hindi ko lang pinaniwalaan ang katotohanan.

Nakakatakot. Nakakatakot na malaman na gano'n ang tingin niya para sa akin samantalang wala akong nararamdamang higit sa isang kaibigan para sa kanya.

He's just my brother. My bestfriend. Kaya ayokong pansinin.

Pero ngayong harap-harapan niya nang pinamumukha sa akin ang nararamdaman niya, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Masakit ang mahalin ang isang taong may mahal nang iba. Alam ko iyon. Parehas kaming dalawa.

"Nandiyan ka lang pala, Clara. Hinahanap ka na ng kuya mo." Nilingkis ni Lhieanne ang kanyang kamay sa aking braso. Nagpatianod ako sa kanya. Para akong biglang nawalan ng lakas.

"Where have you been, Claire?" Matalim akong tiningnan ni kuya. Lumapit lang ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi. I don't want to talk. I don't want to explain anything. I'm tired physically and emotionally.

Nagkuwentuhan kami habang hinihintay na dumating si ate Chi. Wala namang importanteng okasyon ngayon pero may mahalaga daw na sasabihin si kuya kay ate.

Habang nag-uusap-usap ay unti-unti namang nagbabago ang mood ko. Umupo na rin si Niccolo sa gilid ko. He smells liqour. Napansin ko rin ang dugo sa kanyang kamay.

Nang dumating sina Jazz at Adrian ay dumating na rin si ate Chi. She's wearing the dress, kuya gave her. Ako pa nga ang sinama ni kuya para sa pagpili no'n. She looks beautiful in just a plain black dress. Naka-bun ang kanyang buhok at dark red lipstick ang suot. Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit patay na patay ang kuya ko sa kanya.

Nagbatian lang kami at konting kwentuhan. Marami pa kaming dapat pag-usapan ni ate Chi pero nilayo na siya sa amin ni kuya Patrick.

Nagpaplano na rin kaming umuwi nang makita kong nagtungo si Niccolo sa gawing restroom habang inda-inda niya ang dumudugong kamay. Tahimik ko siyang sinundan at matiyagang naghintay sa paglabas niya.

Hindi niya ata ako nakita kaya nagulat siya nang hablutin ko ang kanyang kamay at binuhos ang alcohol na dala ko. Nakita ko ang kanyang pagngiwi. Mahapdi iyon.

I don't know if I'll laugh with what I just saw or what. Pero nakakatawa talaga ang reaksyon niya doon!

Naramdaman ko ang paninitig niya kaya tiningala ko siya. Magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"What's funny?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

Ha! Napahiya ito sa nakita kong reaksyon niya! Hindi ko na napigilang pakawalan ang ngisi ko.

"You're welcome!" Ngiting-ngiting sabi ko. Hindi na lang magpasalamat.

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Nagbago man ay lalo lamang sumama. Naguguluhan sa mga sinabi ko.

"What are you saying, Clara? You're crazy." Umiling siya bago niya ako tinalikuran. Dire-diretso ang naging lakad niya pabalik sa mesa namin kanina pero wala siyang natagpuan. Kanina pa sila nauna. He faced me with a blank expression.

"Nasaan?" Muli ko siyang nginitian.

"Nauna na. Sabi ko kasi sayo na ako sasabay e. Diba sabay naman tayong pumunta dito?" Pinagtaas-baba ko pa ang kilay ko para kahit papano'y mabago ang ekspresyon niya pero wala.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon