Kabanata 17

353 24 9
                                    

Kabanata 17

Locked

Kagagaling ko lang sa training nang may nagbalita sa akin na maraming umaaway sa kaibigan ko.

Nagmadali akong nagtungo sa classroom to check on her pero wala ng tao roon. Sa club naman nila ay may mga tao pa ngunit wala naman siya! Even Rhein!

I dialled Jazz's number pero walang sumasagot. Papadilim na rin. Nag-aalala tuloy ako sa kalagayan niya. Naisip ko si Lhieanne. Nasaan na siya? Kasama niya ba ang pinsan niya?

Tinawagan ko si Lhieanne at agad itong sumagot. Tinanong ko siya tungkol kay Jazz pero wala siyang alam. Nasa library daw siya ngayon at nag-aaral. Binalita ko sa kaniya kung anong nabalitaan ko at agad kaming nagtungo kina Jazz.

"Kuya, we're here to check on Jazz. Kumusta po siya? Nandiyan po ba?" Tanong ko kay kuya Josh nang pagbuksan niya kami ng pinto. Pinatuloy niya kami sa loob. Hindi ako mapakali! Hindi ko alam kung ayos lang ba ang bestfriend ko!

"Kanina pa siya nandito. Hinatid nga ni Rhein at mukhang wala siyang alam sa nangyayari sa kanya. I don't mention it, either. Hindi ko lang alam kung alam niya na ngayon. Hindi pa siya bumababa mula kanina." Nagkatinginan kami ni Lhieanne.

Hindi rin namin alam kung ano ba talagang nangyari kay Jazz. Pero base sa sinabi ni kuya Josh, alam niya kung anong problema ng kapatid niya.

"Ano bang nangyari, kuya?" Tanong ni Lhieanne sa pinsan niya. Instead of answering Lhieanne's question, inabot niya rito ang tablet niya.

"It's Jazz's profile..." Bulong ko.

In-iscroll ni Lhieanne ito at tumambad ang hate posts sa kanyang wall. It's from different students in our school. Pamilyar pa nga sa akin ang iba.

"Malandi. Pinagsasabay mo ang dalawang lalaki? Magbestfriend pa? Ibang klase..." Malakas na binasa iyon ni Lhieanne. Nagkatinginan kami.

"Si Adrian at Rhein ba ang tinutukoy nila?" Tanong ko.

"Siguro..." Marahang tumango si Lhieanne.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko. Sobrang daming posts. 'Yung iba'y magcomment pa sa mga picture ni Jazz!

"Alam niyo kung anong tinutukoy nila?" Nag-angat ako ng tingin sa kuya ni Jazz.

Hindi ko alam kung tatango ako o hindi. Baka magtanong siya kung bakit.

Nasa malaking gulo si Jazz ngayon. Ayokong magulo pati ang relasyon niya sa kuya niya. Baka hindi rin alam ni kuya Josh ang tungkol sa kanila ni Rhein.

Saglit kaming nagtinginan ni Lhieanne at sabay na tumango.

"Anim kasi kaming magkakaibigan, kuya. Tatlong babae at tatlong babae. Close si Jazz kay Adrian. 'Yun siguro ang dahilan kung bakit nila sinabihan si Jazz ng gano'n." Paliwanag ni Lhieanne. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang sanabi niya. Iba ba ang alam ni kuya Josh?

Naalala ko na...

Ang alam ni kuya ay boyfriend niya si Rhein. 'Yun ang kwento niya.

Nakita ko ang pagkamot ni kuya Josh sa kanyang ilong. He look stressed.

"Kailangang magawan ng paraan ito. I'll tell dad about this. Ire-report ko na rin sa principal." Tumayo siya at iniwan kami ni Lhieanne.

Hindi ko alam na aabot sa ganito ang kabaliwan ni Rhein.

"Puntahan natin si Jazz." Hinila ako ni Lhieanne paakyat. Kinatok namin ang kwarto ni Jazz pero walang sumasagot. Nakalock din ito.

"Jazz... kami ito ni Lhieanne." Ilang beses na akong kumatok pero wala talaga. Gusto sana naming hingin ang susi ng kwarto niya pero naisip din naming baka kailangan niyang makapagpahinga. Hinayaan na lang namin siya.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon