Kabanata 7

474 30 10
                                    

Kabanata 7

Second Thoughts

Ako na ang humingi ng despensa para sa ginawa ni Niccolo kay Troy. Nagkablack eye siya sa kaliwang mata dahil sa pagkakatama ng bola sa kanya. Halatang malakas ang pagkakatama noon. Kaya di ako naniwalang hindi sinasadya ni Niccolo iyon.

"Ayos lang talaga ako, Clara. 'Tsaka di naman ikaw ang may kasalanan." Nakangiti niyang sabi sa akin. Dalawang araw na ang nakalipas pero bakas pa rin ang ginawa ni Niccolo kay Troy. Mabuti na lang at palaging may suot na eyeglasses si Troy kaya medyo natatakpan ang pasa niya. At mabuti na lang rin na saktong hindi niya suot ang kanyang salamin nang tamaan siya ng bola. Kung nagkataon, di lang 'yan ang inabot niya.

"Pero sorry talaga. Tanga talaga minsan si Niccolo e..." Napairap ako sa kawalan dahil nagawa ko pang pagtakpan ang kalokohan ng lalaking iyon. Ayoko lang talaga ng gulo. Mabuti na lang at di mahilig makipagbasag ulo itong si Troy.

"Ayos lang talaga. Pero kung gusto mo, sumama ka na lang sa akin bukas. Para hindi mo na isipin ang nangyari noong nakaraang araw." Halos abot tenga na ang ngiti niya ngayon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kundi ang mapangiti na rin. I know this kind of move. And I'm loving it...

"Sure. Saan ba?" Napakapit ako ng mahigpit sa aking sling bag habang nakaharap ngayon sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at pinasok ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Susunduin na lang kita sa inyo. 6pm. Ako na ang bahala.."

Nauna akong pumasok sa klase at nagpaalam na sa kanya. Saktong pag-upo ko sa pwesto ko ay ang pagsalubong ng tingin naming dalawa ni Niccolo. Nakakunot ang kanyang noo at matalim na nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at hindi na pinansin. Siraulo.

"Clara, ano itong usb na nasa bag mo? Lalabhan ko na sana..." Pinakita sa akin ni Yaya ang itim na usb na hawak niya. Sandali kong inalala kung saan galing 'yon at pinagkibit ng balikat nang di ko maalala. Kinuha ko iyon kay Yaya at sinaksak sa laptop para makita ang laman.

Walang ibang laman kundi isang music file. Agad ko itong pinindot at nagplay ang isang hindi pamilyar na kanta.

♪Baby, you're the one that I love
All that I've dreaming to have
It's a mistake if this love won't last
Baby, please be there by my side.♪

Halos kilabutan ako nang marinig ang malamig na boses. Ngayon ko lang talaga narinig ito pero hindi ako pwedeng magkamali. I know his voice. Pero di ko akalaing ganito kaganda ang boses niya kapag kumanta.

♪This love is so real
I promise to love you unconditionally
If I hurt you... no, this can't be
Please accept me wholeheartedly...♪

Napailing ako sa mga salitang kanyang binibitiwan. Hindi ko alam kung tatawanan ko iyon o siseryosohin. I never imagined him doing this kind of stuff. And I never knew that he can sing. I closed my eyes and feel the message of the song.

♪I'm your perfect match
The one whom you're waiting to have
I know all your flaws but still accepts it
Baby, my love for you is real♪

I heard the knock from the door. Minulat ko ang aking mata at mariing kinuskos ito. Napadako ang tingin ko sa orasan at nakitang tanghali na pala. Wala namang klase ngayon pero hindi ko alam kung bakit kailangan nila akong katukin.

"Clara! May bisita ka sa baba!" Narinig kong sigaw ni kuya mula sa likod ng aking pinto. Hindi ko alam na nandito pala siya. Hindi ko siya naabutan kagabi na dumating.

"Saglit lang!" Dumiretso ako sa banto para makapaghilamos. Wala akong inaasahan na bisita sa ganitong oras kaya baka mga kaibigan ko lang 'yan sa kabilang bahay o kaya nama'y biglang bisita nina Lhieanne. Nagsipilyo lang ako at naghilamos at di na nag-atubiling suklayin ang aking buhok at magpalit ng matinong pambahay. I'm still wearing my pajamas.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon