Kabanata 39

244 21 5
                                    

Kabanata 39

100 days

Nasa seaside ako nang tuluyan kong maramdaman ang pagkasuka. Lumabas ako mula nang magsimulang umikot ang tiyan at ulo ko. I want to breathe fresh air. Sobrang suffocating sa loob.

"Shit." I cursed after I wiped the side of my mouth. Para akong masusuka na naman nang makita ang sinuka ko. Tinalikuran ko ito.

Nagulat ako nang pagharap ko sa likuran ay may nakita akong paa ng taong nakatayo sa harapan ko. Nakashorts ito at kita ang mabuhok nitong hita. A man. Nakataas ang kilay ko nang mag-angat ng tingin.

"Drink this." Inaabot niya sa akin ang isang baso na may lamang walang kulay na likido sa loob. Lalong nagtaas ang kilay ko.

"What's that?" Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Tubig lang 'yan. Inumin mo para umayos kahit papaano ang pakiramdam mo." Tinitigan ko muna ang seryoso niyang mukha at binalik ang tingin sa baso. It takes a few more seconds bago ko kinuha ang nilalahad niya.

"Thanks." Wala sa sarili ko itong ininom at tinalikuran siya pagkatapos. Dinama ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. It's not that cold for me. Sa tatlong taon ko sa ibang bansa, nasanay na ako sa lamig.

Naramdaman ko ang kaluskos sa gilid ko. I want to look at it but I realized it's Niccolo when I smelled his familiar perfume. It's still the same.

"Can we talk?" Umikot ang mga mata ko habang nakaharap sa payapang dagat at maliwanag na buwan sa itaas.

"We're already talking." Sarkastiko kong sabi. Hindi pa ba pag-uusap ito para sa kanya?

At anong dahilan kung bakit kailangan niya pang itanong iyon? Para namang hindi ako nakikipag-usap sa kanya.

"Right... we're already talking." Nahimigan ko rin ang pagkasarkastiko sa boses niya. I faced him. I was taken a back when I saw him facing me.

Muli ko ring naayos ang ekspresyon ko at nagtaas ng kilay. He's annoying me. His damn stares are annoying me.

"Sabihin mo na, Niccs. Aalis na rin ako maya-maya." Nag-iwas ako ng tingin. Muli kong hinarap ang maliwanag na kalangitan at dagat dahil sa malaking bilog ng buwan. The cold breeze of the air makes the night more serene.

I have a self-definition of calm and peaceful. For me, the coldness makes me at peace. It makes me numb. And I want this for I don't want to feel anything right now.

Narinig ko ang marahas niyang buntong hininga.

"I missed you. I really do missing you..." Malakas na hangin ang biglang humampas sa akin. Nagtaasan ang balahibo ko.

"Uh...." I can't find words. Anong sasabihin ko? Okay? Is that it? I missed him too? But do I really missed him? Do I still care? Nagpakawala rin ako ng buntong hininga.

"Niccs-"

"You don't need to answer anything, Claire. I just want you to know that I missed you. That even you're miles away for three years, I still care for you..."

Liar. I want to shout it on his face. But I remain calm. This is not the time for his shits. It's his birthday.

"-And I'm still in love with you. Ikaw pa rin, Claire. Ikaw pa rin ang nandito sa puso ko." Marahas kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. I want to stay calm. Pinipilit ko lang. But saying those words, it's like triggering me to burst.

Humugot ako ng hininga bago siya hinarap.

"Really?" Taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Mukha siyang nagulat sa naging reaksyon ko.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon