Kabanata 10

400 28 14
                                    

Kabanata 10

Fall for

Wala sa sarili akong pumasok sa loob ng bahay. The lights are still on. Wala pa rin siguro pati si kuya Patrick.

Paakyat na sana ako patungo sa aking kwarto nang marinig ko ang boses ni kuya Mike mula sa kusina. Hawak niya ang kanyang phone at mukhang may kausap sa kabilang linya. Hinintay ko siyang matapos bago siya tuluyang hinarap.

"Ngayon lang kayo? Where's your kuya Patrick?" Ang laki ng eyebags ni kuya. Kulang na kulang siguro siya sa tulog dahil sa kaniyang trabaho. Being a soldier is not easy. Nakasalalay sa kanilang mga kamay ang buhay ng tao at kapayapaan ng bayan. Bukod pa ron ay siya rin ang nag-aasikaso ng business nila ng asawa niya. 'Yung bar na pinanggalingan namin kanina.

"I don't know. Kasama niya kanina si ate Chi bago kami umalis sa bar mo." Tumango lang siya pagkatapos ay inakbayan ako. Dinala niya ako sa sala at doon ko lang napansin ang isang bungkos ng bulaklak at maliit na puting sobre. Nangunot ang noo ko.

From Niccolo? Magkasama lang kami kanina a?

"May nagpadala kanina. Gabi na rin nang ideliver 'yan dito. I don't know where it from pero mukhang alam mo. Ang sabi lang ng delivery boy ay para sa'yo raw." He handed me the flowers and letter.

May nakasulat sa likod ng puting sobre na typewritten. TM ang initials.

"Thanks, kuya." I kissed his cheek at gano'n din ang ginawa niya sa akin. He also patted my head and whispered good night.

Pagkapasok ko ng kwarto ay nilapag ko sa ibabaw ng kama ang bulaklak at binuksan ang sobre. Sa loob nito ay isang typewritten din na sulat. Maiksi lang kaya binasa ko.

Clara,

Gusto ko sanang makasama ka ngayong gabi pero sabi mo nga'y may lakad ka na. Pinadalhan na lang kita ng bulaklak.

I hope to see you tomorrow. Same time. I'll fetch you. And I hope you liked the flowers I bought. :)

PS. I miss you ♥

-Troy

Tiniklop ko ang papel at binalik sa sobre nito.

Si Troy ang nagbigay. Natural! Imposibleng si Niccolo iyon dahil walang karoma-romansa iyon sa katawan. 'Tsaka magkasama kami kanina. Imposibleng mag-aksaya pa siya ng pera at panahon na magpadala ng ganito.

Napairap ako.

I opened my phone and noticed the three missed calls and ten messages from Troy. Nakalimutan kong katext ko nga pala siya kanina!

From: Troy

Okay then.. let's just meet tomorrow. :)

Paulit-ulit niya 'yung sinend at ang iba'y nasa letter nang nabasa ko kanina. I ignored them all when I see Niccolo's name on my screen! He messaged me.

Niccolo: As you wish, Claireyyy.

He also send the blushing emoticon. Nag-init ang pisngi ko.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina!

Muli siyang nag-type ng message. I thought he's offline cause that's what the facebook's showing. Pero kitang nagta-type siya ngayon.

Niccolo: Binasa mo ang message ko. Can you please reply?

Nagulat ako sa nabasa ko. Is this for real? O ako lang itong nag-iisip ng iba sa mensahe niya?

Pero 'yung sinabi niya kanina...

Nangangatog na pinindot ko ang mga letra sa screen ng phone ko. Saglit kong binitawan ito at hinampas sa hangin para mawala ang pangangatog. Ano ba naman ito?

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon