Kabanata 23

326 24 1
                                    

Kabanata 23

Future

Nginitian ko si tito Norman pagkakita sa kanya. Napagpasyahan ni tita Carmela na sa condo na lang nila sa Manila kami maghapunan. Alas kuwatro y media nang makarating kami doon kaya may oras pa magluto.

Nang magkita kami kanina ay wala nang introduksyong naganap. Kilala naman nila ako mula pagkabata. Kaibigan nila ang mga magulang ko at gano'n din ang sa akin. Ang tanging pakilala lang no'n ni Niccolo ay girlfriend niya ako. Nginitian lang ako ni tito at pinagmano sa kanya. Iyon lang iyon.

Matapos nga naming makapasok sa loob ng kanilang unit ay nagpakawala ako mg malalim na buntong hininga. Akala ko talaga'y kung ano-ano ang magaganap. I even imagined myself explaining why I answered their son. And how will I look when tito Norman looked at me with his strict face.

Hindi ko inasahang ganito lang iyon. Kinabahan pa ako ng sobra kanina! Hindi naman pala talaga istrikto ang daddy ni Niccolo. Looks can really be deceiving nga.

"Marunong kang magluto, hija?" Tanong sa akin ni tito nang nakangiti. Sinuot niya ang kanyang apron at kinuha ang hinanda ni tita Carmela na rekado para sa aming ulam.

Binalingan ko saglit si Niccolo na nagsasaing sa rice cooker. Marahan akong umiling.

"Gano'n ba?" Tumango-tango si tito. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Bakit ba kasi hindi man lang ako pinahawak ng kahit ano sa kusina? Miski sa baking class namin ay hindi ako magaling.

"Pero gusto ko pong matuto." Halos paduguin ko na ang aking labi nang sabihin ko iyon. Nadadala ako sa sitwasyon! Hindi ko nga alam kung kaya ko.

Muli na namang tumango si tito.

"Hindi rin marunong sa kusina itong si Niccolo. Pagsasaing lang ang alam niyang gawin dahil iyon ang pinakamadali. Sinabukan ko siyang turuan noon pero ayaw niya." Ginaya ko ang ginawang paghiwa ni tito sa labanos na kanyang hawak.

Pinahiram ako ni tita ng kanyang apron. Bale kami ni tito Norman ang mag-aasikaso ng pagkain namin ngayon. Tinutulungan naman ako ni tita kahit papano.

Napabaling ako kay Niccolo. Tamad siyang nakapangalumbaba habang nakatingin sa ginagawa ko. Nagkasalubong ang mga mata namin. Nagsalubong ang kanyang kilay.

"Pangbabae naman kasi ang pagluluto, hon. Bihira ang lalaking magaling sa kusina." Napatingin ako kay tita Carmela nang lumapit ito kay tito Norman at hinawi ang buhok na nakaharang sa gawing mata.

"Thanks." Tito winked at Tita. Napangisi ako roon.

"I want my wife to do the cooking for me. Gusto kong pinagsisilbihan niya ako tuwing uuwi ako galing sa trabaho." Napabaling ako sa sinabi ni Niccolo. Titig na titig siya sa akin.

Ginantihan ko lang siya ng tingin. Wala naman akong sasabihin.

"Iyon pala ang dahilan mo." Narinig ko ang mahinang tawa nina tita. Pinamulhan ako ng pisngi.

Wala siyang sinabi kung sino ang tinutukoy niyang asawa pero naapektuhan ako. His eyes and intimidating looks!

Nagpeke ako ng ubo. Binaling kong muli ang aking tingin sa labanos na hawak ko.

"Ano na po ang sunod, tito?" Inabot niya sa akin ang sibuyas at kamatis. Napatingin ako doon.

"Hiwain mo. Tapos ilagay mo rito." Nag-abot din siya ng platito. Now, how will I slice this?

Nilapag ko sa chopping board ang sibuyas. Tiningnan ko ang ginagawa ni tito pero ibang gulay ang hinihiwa niya. Sinong gagayahin ko?

Nilibot ko ang tingin ko. Abala na si tita sa pagtingin sa pinakukuluang baboy. Si tito ay mukhang abala rin sa kanyang paghihiwa. Tiningnan ko si Niccolo. Nakatingin pa rin siya sa akin pero may nakasilay nang ngiti sa kanyang labi. Napairap ako. Mukhang nilalaglag na ako nito sa harap ng kanyang mga magulang!

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon