Kabanata 16

340 29 7
                                    

Kabanata 16

Sorry

Katulad ng sinabi ni Niccolo, ginawa ko nga ang lahat para lang magsawa na si Troy sa mga ginagawa niya.

Nang magweek end ay nag-aya ako kay kuya Patrick na magshopping. Syempre ay gastos niya. Binilin ko na rin na isama niya si ate Chi.

Ayoko lang talagang makasama pa ulit si Troy. Hindi sa nandidiri na ako sa kanya o ayaw ko talaga siya. Gusto ko lang talagang matigil na ito. Nahihirapan lang siya. Maging ako.

Ako:

I'm so sorry, Troy but I can't make it today. May biglang lakad kami ni kuya. I'M SORRY 😞

After I send my message, umalis na kami ni kuya para masundo si ate Chi sa kanyang apartment. Matapos no'n ay dumiretso kami sa mall.

"Anong meron at bigla kang nag-aya, Clara?" Nakangiting tanong ni ate Chi habang hinihintay namin si kuya Patrick na umorder ng pagkain namin.

Nagkibit balikat ako. "Naramdaman ko lang na maggala."

"Yun talaga ang dahilan?" Nakangising tanong niya.

"Okay fine. Ayaw kasi akong tantanan ni Troy. Nag-aaya ngayon so kailangan ko ng excuse para hindi ako makasama sa kanya."

"Paano bukas? Wala ding pasok diba? Paano ka makakatakas?" Pinagsalikop niya ang kanyang palad at doon pinatong ang kanyang baba.

"I don't know. Mag-iisip pa ulit ako ng bago."

Dumating na ang order namin pagkarating ni kuya. Sa korean restaurant namin naisipang kumain dahil pare-pareho naman kaming fan no'n. We also talk about our idols! How I miss this kind of chitchat.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko nang hilahin ako ni Niccolo papalayo sa covered court na kasalukuyang pinaglalaruan ng mga kaklase namin. It's our PE time but since I'm already part of the swimming team, I have an excuse to not join their sport. Bukas kasi ay may training pa ako. Ayokong mabanat nang mabanat ang katawan ko.

"You'll both talk." Sabi niya nang hindi ako nililingon

"Sino? Uy san ba talaga tayo pupunta?" Napasigaw na talaga ako nang pumasok kami sa loob ng CR ng boys. He locked the door. Nagulat ako sa ginawa niya.

"What are we doing here?" Nanlalaki ang mata ko. Ano bang kalokohan ito?

Maya-maya lang ay may narinig akong ingay mula sa cubicle. Marami rin pala ang cubicle dito sa CR ng boys. Akala ko'y sa girl's CR lang meron. Pero dahil siguro'y gymnassium ito kaya gano'n.

"Ano 'yun?" Takang tanong ko.

It's something familiar! Parang narinig ko na rin ito noong... wait.

OMG! SA CR SA SWIMMING POOL! Si... si Rhein... OMG!

Napatakip ako sa bibig ko. Nakita kong matawa-tawa si Niccolo sa ekspresyon ko.

"Masanay ka na." Nakangising sabi niya.

"Dude, itigil niyo na 'yan. May babaeng nakaririnig sa inyo." Halos ibato ko sa kanya ang pamapaypay na hawak ko. Hindi ko naman malalaman ito kung 'di mo ko dinala!

Saglit na natigil ang ingay ng babae at maya-maya'y lumabas si Rhein. Bahagyang gusot ang kanyang polo at buhok. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Wala man lang ekspresyon.

Hindi man lang ba siya nagulat na may nakakakita sa kanya ngayon? Lalo ako? We're friends... at babae ako.

"Fuck you, Niccs. Bakit mo dinala si Clara dito?" Nakita kong nagkibit balikat si Niccolo.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon