Kabanta 5

738 39 7
                                    

Kabanata 5

Chase

Hindi ko alam kay Jazz kung bakit inis na inis siya kay Rhein. Wala naman akong maisip na dahilan kung anong ikinagagalit niya. Kahit naman nakilala na si Rhein bilang playboy ay hindi naman siya masamang makitungo sa ibang tao lalo na sa akin. Palagi na lang pinagbubuntunan ni Jazz si Rhein sa mga kung ano-anong bagay. And the irony of that was they're always partner or they're at the same group when it comes to school activity.

Matagal na ring member ng drama club si Jazz dahil sa madalas na pagbida niya sa class play noong second year kaya naisali siya sa drama club. Ang alam ko'y iyon talaga ang forte niya at hindi photography na una niyang sinalihan. Sa pag-arte talaga siya nag-eexcel. Mabuti na lang at nabigyan siya ng pagkakataon doon.

Si Rhein naman ay member ng basketball pero nagulat ako nang malaman kong kaisa na rin pala siya sa drama club. I don't know if he can act pero sapat na sigurong batayan na siya ang ginawang leading man sa paparating na play ng school kung saan kapareha niya si Jazz.

"How was your training?" Tanong sa akin ng panganay naming kuya nang minsan siyang bumisita sa bahay. Nasa kwarto ako at nagkukulong dahil pagod na pagod ako sa training na ginawa namin sa swimming. Nalalapit na rin kasi ang competition.

"Fine." Sagot ko kahit nakaub-ob ang mukha ko sa unan. Tamad na tamad talaga akong tumihaya para kausapin siya. Maiintindihan at maririnig niya naman siguro ang sinasabi ko.

"You look exhausted." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. Um-oo na lang ako.

"Where's your kuya Patrick?"

"I don't know. Why don't you ask mom about kuya..." Dahan-dahan kong inikot ang sarili ko para makatihaya. My legs and arms are aching! Medyo 'di ko rin mapihit ng ayos ang aking leeg. Three days of consecutive training... ugh!

Nakita ko ang nakasalamin na si kuya Mike na malalim na nakatingin sa akin. Just like kuya Patrick's eyes, mapungay ang kanyang mata. Chinito na may pagkabilugan na mata. I can't explain. May pagkakaiba naman kasi sa kay kuya Patrick.

"Mom's busy..."

"How about dad?" Nagtaas ako ng kilay. Sa pagkakaalam ko'y kakauwi lang ni daddy galing Tokyo kung saan siya nadestino. Dad is a soldier. That's why we seldom see him.

"Nagagalit nga. Hinahanap din sa akin si Patrick."

Kuya Mike is three years older than kuya Patrick. While kuya Patrick is ten years older than me. Malaki ang age gap naming tatlo kaya kahit close kami sa isa't isa, mayroon pa ring gap dahil nga sa edad. Plus the fact that I'm the only girl... or maybe not.

Katulad ni daddy, soldier din si kuya Mike. Na-aasign din siya sa iba't ibang lugar pero hindi gaya ni daddy na sa ibang bansa. Bihira lang din namin siya makita pero ayos lang. May bukod na pamilya na rin kasi siya.

Si kuya Patrick naman ay may fiance na. Her name's Chi. She's Lhieanne's half sister kaya mabilis akong naging ayos sa kanya. They're sweetheart since college kaya bilib na bilib ako sa kanilang dalawa. Marami silang pinagdaanang circumstances like kuya's unknown identity and ate Chi having a chinese blood. Kung mayroon man akong hahangaang love story, sa kanila 'yun. That's why I don't believe in highschool sweethearts. May possibility kasing magkahiwalay pa kayo pagdating sa college. Iyong mga college couples pa ay maari dahil mas mature na ang pag-iisip nila at mas malaki ang possibility na kayo na hanggang sa huli. I just wish kuya to have his own happy family. Stable naman na ang job niya at may business na rin sila.

"Bakit pa hinahanap si kuya? Alam naman niyang busy 'yun." Matabang kong sabi. Minsan ay naiinis din ako kay daddy sa pakikitungo niya kay kuya Patrick. Kaya ayaw ni kuya na nag-istay dito e.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon