Kabanata 46

277 19 0
                                    

Kabanata 46

Chance

Mahihirap na pagsubok ang nakapagpapatatag sa isang tao. Natututuhan nating maging matibay para kayanin ang susunod pang mangyayari sa magulo nating buhay. Nagiging malakas tayo para kahit ilang beses tayong subukin ng mga problema at sakit, kaya na nating tiisin... lahat.

Hindi kailanman sumagi sa isip ko mararanasan ko ang lahat ng pagsubok na iyon. Akala ko magiging normal ng estudyante lang ako na papasok sa paaralan dahil kailangan. Mag-aaral kapag malapit na ang exam, magcu-cutting kapag naburyong sa nakadudugong math class, kakain sa canteen kahit hindi naman break time at uuwi kapag wala nang magawa. Akala ko papasukin ko ang mundo ng kolehiyo na magpapadala na lang sa kung saan ako makakapasok. Magiging masaya dahil kasama ko ang mga kaibigan ko sa iisang unibersidad at sabay-sabay kaming gagraduate at magkakaroon ng sari-sariling buhay pagkatapos. Pero akala ko lang lahat iyon dahil dumating ang pagsubok na hindi ko agad nasolusyunan dahilan para umabot sa ganito ang buhay ko.

My bestfriend left me. That's the biggest heartache I ever felt in my entire life.

Masaya ang buhay ko noon. Kompleto ang pamilya namin. Hindi kami naghihirap. May mga kaibigan ako. Mayroon akong suportive na magulang at mga kapatid. Mayroon pa akong maalagang boyfriend. Wala na akong hinihiling pa noon at masayang-masaya na ako pero bigla na lang akong iniwan ng isa sa bestfriends ko.

Ang sakit.

Noong mga panahon na iyon, wala akong ibang inisip kung hindi ang malaman kung nasaan siya at anong dahilan niya kung bakit kailangang bigla na lang siyang mawawala. Naniwala at umasa akong babalik din siya matapos ang bakasyon. Pero nalaman kong walang kasiguraduhan ang kanyang pagbalik. Gaya ng biglaang pag-alis niya. Basta basta na lang. Walang kasiguraduhan kung kailan.

Akala ko malilimutan ko ang ginawa niya. Akala ko malilimutan kong naging bestfriend ko siya. Akala ko... magiging maayos din ang lahat.

Niccolo always tries to cheer me up. Hindi naman siya nabibigo. Dahil sa kanya, naalala kong hindi lang si Jazz ang bestfriend ko. Hindi lang si Lhieanne at Jazz ang tanging kaibigan ko. I have Niccolo. And he's my bestfriend since childhood. Siya ang nauna. At hindi kailanman niya ako iniwan.

Pero akala ko lang pala ulit iyon.

Katulad ni Jazz. Sasaktan niya rin ako...

"Are you okay, Clara?" Napabaling ako kay Lhie. Doon ko lang napansin na kanina pa pala akong wala sa kasalukuyan.

"I'm sorry. I spaced out." Pilit akong ngumiti. Bakas ang pag-aalala ngayon sa mukha niya.

"Pwede kang magkwento sa amin, Claire. Really..."

I heard Jazz's footsteps nearing us. Maya-maya'y naramdaman kong gumalaw ang kamang pinag-uupuan namin ni Lhie dahil sa pagkakaupo niya. Pinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

Nasa iisang kama kaming tatlo ngayon. Sa kama ni Jazz. Dahil hindi kami gaanong nakapag-usap na tatlo sa baba kanina, naisipan naming magtabi-tabi na lang sa pagtulog. Matagal na rin noong huling ginawa namin ito.

"Sorry sa lahat ng nagawa ko, Claire. I know it's hard for you to trusts us again." Nagulat ako sa sinabi ni Jazz. Nilingon ko siya na nasa aking balikat. Nag-angat siya ng tingin sa akin 'tsaka malungkot na ngumiti.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" Alanganin akong tumawa. Tinanggal niya ang pagkakapahinga ng kanyang ulo sa aking balikat at hinarap ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"I just know. Kahit hindi mo sabihin, Clara, alam kong nahihirapan ka. Nasaktan ka. Nasaktan kita..." Bumaba ang tingin niya sa aming mga kamay at marahan niyang pinisil-pisil ito. I bit my lower lip.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon