Kabanata 34

261 22 2
                                    

Kabanata 34

Bisita

"Sasama ka sa honeymoon ng kuya mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Niccolo sa akin. Nagtaas din ako ng kilay pabalik.

"Oo. Bakit? Aangal ka?" Kinuha ko ang puting unan na nasa gilid niya. Umikot ang mata ko nang idagan niya ang sarili niya doon dahilan para mahirapan ako.

"Sa thursday na iyon 'di ba?"

"Akin na kasi 'yung unan, Niccs!" Kunot noo kong sabi. Wala akong panahon para makipagbiruan sa kanya ngayon.

Seryoso niya akong tiningnan at mukhang binasa ako. Maya-maya'y inabot niya sa akin iyon. Umirap akong muli sa kanya at niyakap ang unan. Masakit talaga ang ulo ko.

"May nakakalimutan ka ata, Clara. Hindi ka pwedeng sumama sa kanila." Hinila niya ang braso ko at pilit na siniksik ang kanyang katawan sa gilid ko.

"Korea iyon, Niccolo. Siyempre sasama ako." Pinikit ko na ang aking mga mata at hinayaang kainin ako ng antok.

Dinig ko pa rin ang reklamo ni Niccolo sa gilid ko pero hinayaan ko lang siya. Hindi ko rin naman maproseso ng maayos ang mga sinasabi niya dahil masakit ang ulo ko.

Nang magising ako ay umaga na. Una kong tiningnan ang aking cellphone at nakita ang text message galing kay Rhein. Nasa Korea na raw siya. Wala sa sarili ko siyang nireply-an ng "sige" at dumiretso na ako sa aking banyo.

Habang nasa harapan ng salamin at nagsisipilyo ay tsaka ko pa lamang napagtanto ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong niluwa ang bula sa aking bibig at mabilisang nagmumog at naghilamos. Sabi niya ay dito raw siya didiretso!

Saktong pagbukas ko ng pinto ng banyo ay narinig ko ang doorbell na tumunog. Ano ba naman kasi, Clara! Bakit kailangan mong kalimutan ang importanteng araw na ito?

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Rhein Gabriel. Agad ko siyang sinalubong ng yakap.

"I missed you, Rhein!"

"Pakawalan mo nga ako, Clara. Hindi ako makahinga." Kinalas ko ang yakap at tinitigan siya ng masama. Ni hindi man lang niya ako yinakap pabalik! Hindi ba ako nakakamiss?

"Yah! Waegurae?" I stomped my feet. Nakakainis!

"Don't talk to me with your Korean language. Anyway, you're alone here?" Hinawi niya ako at dire-diretso siyang pumasok sa loob ng apartment ko. Nilapag niya ang malaki niyang bagpack sa sofa at sinalampak niya rin ang sarili doon.

Pumwesto ako sa kanyang harapan at nagpameywang.

"Bakit?" Takang tanong niya. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Ano itong nabalitaan ko kay Lhieanne na pumunta ka raw sa kanila ng lasing at nagwawalang hinanap si Jazz?" Nagkunot siya ng noo. Nanatili ang matalim kong mga matang nakatingin sa kanya. Maya-maya'y nag-iwas siya ng tingin.

"Hindi ba't sabi ko sa'yo, magmove on ka na? Duh, Rhein! It's been almost two years, for God's sake! You haven't moved on?" Muli niya akong hinarap at siya naman itong nagtaas ng kilay sa akin.

"Okay. Sabihin nating mahaba na ang two years para makamove on. Pero paano kung siya pa rin talaga? Paano kung kahit galit ako, gusto kong sa kanya pa rin ako babagsak?" Tumayo siya. Lumapit siya sa akin at humalukipkip.

"Kung ikaw ang tatanungin ko, tutal pareho naman kayo ni Jazz na nang-iwan 'di ba? Paano mo ba nagawang kalimutan na lang ang lahat? O pwede kayang... minahal mo ba talaga?" Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko mahanap ang tamang salita para sagutin ang tanong niya.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon