Kabanata 49

334 21 1
                                    

Kabanata 49

Chase

Aside from my kuya Patrick's lovestory, Jazz and Rhein's are the ones I'm wishing to have. The kind of love that will endure all the pains and heartaches. The kind of love that is willing to sacrifice. A kind of love that will surely last for a lifetime...

A long time ago, I fell inlove with a guy. Akala ko noo'y isang mababaw na uri ng pagmamahal lang iyon. I'm a highschool girl back then. A girl who makes crushes and got easily fall for simple sweet actions a guy can do. Rhein's been my crush for so many years that made me believe I already loved him.

And I being the only girl and youngest of the siblings, I used to get anything... everything I wanted. I tried to win his heart but life's been unfair 'cause he's inlove with my bestfriend... long time ago. Even before I met him... and her.

Nakatutuwa dahil nagalit pa ako sa kanila noon dahil nalaman kong sila na. Hindi ko sila pinansin na akala mo'y mga musmos kaming nagkatampuhan sa isang larong pambata na sa katotohanan ay malalaki na kami at may sari-sariling pag-iisip. Ngunit siguro'y bata pa talaga ako noon. Dahil hindi ko naisip na ibang pagmamahal pala ang naramdaman ko noon. Hindi iyon tulad ng pagmamahal na naiisip ko. Sa dami ba naman kasi ng kahulugan ng pag-ibig, hindi ko na alam alin ang dapat maramdaman sa isang tao.

Pero nakakatuwa.

Ang pagiging sawi ko pala noon ang magtutulak sa akin para makita ang taong matagal na pala akong hinihintay. Ang taong matagal nang umiibig sa akin at matiyagang naghihintay na mapansin siya. It was Niccolo. My childhood bestfriend who happens to be my boyfriend. But shit got it's way and made sure he ruined everything. We broke. I split with him. I'm the one who did it. So I have no reason to just go infront of him and say 'I still love you. Let's just pretend that nothing happened.', and kiss him.

Gah! I'm missing that punk.

"Earth to Clara!" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Lhieanne sa aking harapan. Nang tuluyan na akong bumalik sa kasalukuyan ay 'tsaka ko lang napagtantong nasa kusina na kaming tatlo nina Jazz at nililigpit ang naging kalat sa sala kanina. We're done planning for the wedding. In few weeks, Rhein and Jazz will finally said their wedding vows.

"I'm sorry." Napasampal ako sa sarili ko. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa basong aking hawak.

"Nabanggit lang ang pangalan ni Niccolo, nagkaganyan ka na." Awtomatikong nagtaas ang aking kilay pagkarinig sa sinabi ni Jazz. A crooked smile is on her beautiful face. Bumagay sa kanya ang kanyang pagbubuntis.

"Kung hindi ka lang buntis, matagal na kitang sinabunutan kada manunuya ka!" Binato ko sa kanya ang bimpong pinamumunas ko.

"Mag-asawa ka na kasi! Ang tanda mo na, Claire. Dapat sa ganitong edad natin, nagpaplano ka na para sa kinabukasan." Umikot ang mata ko. May leksyon na naman ako sa magpinsang ito.

"Boyfriend nga wala, asawa pa kaya? Ayos ka lang ba?" Padarag kong nilapit sa akin ang upuan. Pumangalumbaba ako nang makita ang paghimas ni Jazz sa kanyang tiyan.

"Ayaw mo kasing i-entertain. O baka naghihintay ka para sa isang tao? Bakit hindi mo subukang ikaw ang maghabol? Wala nang masama. Matanda ka na. Dapat ka na talagang maghabol."

"Shut up, Lhie. Hindi porque maayos ang lovelife niyo, ganyan na kayo sa akin. Hays! Ayoko na. Uuwi na ako." Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at maingay na nilisan ang kusina nina Jazz. Pagpasok ko sa sala ay dinig ko ang ingay na ginagawa ng mga lalaki sa likod ng bahay. Mabilis akong naglakad palabas. Ayokong magkita na naman kami ni Niccolo. Hindi ko na kayang makita ang parehong mga mata niya noon.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon