a/n

365 20 6
                                    

Hi, Chasers!

Naging magulo ang utak ko nitong mga nakaraang araw. Naisip kong tigilan na ang pagsusulat dahil sa hindi ko rin alam na dahilan. Bigla na lang sinabi ng isip ko na hindi na ako susulat kahit na alam ko sa sarili ko na ito ang gusto kong gawin. Ito ang passion ko. Hindi ko alam bakit kailangang madamay itong pagsusulat ko sa gulo ng pag-iisip ko. Hanggang sa naguluhan na ako kung paano ko mabilis na matatapos itong CHASED dahil nga ayoko na. Kaya mabilis akong nag-isip ng ending. At dahil magulo ang isip ko, wala akong maisip. Sumuko ako.

Bakit ko nga ba sinasabi ito ngayon? Wala lang. Gusto ko lang.

Ilang araw akong parang tangang tulala at hindi alam ang gagawin sa buhay. Sumuko na talaga ako. Tapos nagulat na lang ako nang may nagreply sa tweet ko na ayoko nang magsulat, something like that. Sabi niya, bakit ganyan-ganyan hanggang sa sinabi niyang ako raw ang paboritong author niya. And it touched my heart. Parang biglang gumaan ang dibdib ko no'n at naisip na bakit ko nga ba idadamay ang pagsusulat ko? Pangarap kong makapagpublish ng sarili kong libro. Pangarap kong makagawa ng maraming kwento. Kwentong makapag-iinspire at makapagbibigay-aral sa mambabasa. Pangarap kong maging tulad ng paborito kong propesor na malungkot mang tanggapin, patay na. Gusto kong makapagbukas ng isipan ng bawat tao—na alam kong hindi ko pa nagagawa.

While writing this, naisip kong bakit hindi ko ipagpatuloy pa ang pagsusulat? Alam kong marami pa akong pwedeng matutuhan habang nagsusulat at nagbabasa ako. Marami akong natututuhan in the process of writing kahit walang nagtuturo sa akin. Totoong experience is the best teacher. Habang nagsusulat ako, natututuhan ko kung anong mga naging mali ko at kung anong kulang sa mga sinusulat ko.

Thank you, Hailey for cheering me! Thank you for appreciating my works and I being a writer. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa mga gawa ko at patuloy mong binabasa. :D Alam kong maraming magagaling na writer at magagandang stories ka nang nakilala at nabasa at alam kong hindi ako kasing galing nila, pero thank you kasi nagustuhan mo 'yung gawa ko. Alam kong minsan kang na-obssesed (sorry sa word lol) kay Patrick Abanero na hindi ko alam kung bakit seriously. At dahil sa mga gaya mong nadala ng mga pinagsusulat ko, mas ninanais ko pang magsulat ng marami kahit minsan napapaisip ako sa purpose kung bakit ko nga ba sinusulat iyon.

Sa lahat ng readers ng stories ko (GTBH, TMH, JOD at CHASED), maraming maraming salamat sa pagbabasa! Lalo na doon sa mga nagvovote every chapter ❤ hindi niyo alam kung ilang beses akong napapangiti kada maaalala kong may loyal na nagbabasa sa mga gawa ko. Lalo na kapag alam kong nakita ko na siya noon na nagvote sa isang story tapos pati sa isa pa. Hahaha! Kahit hindi niyo ko kinakausap dahil bihira talaga ang may kumausap sakin na reader like Hailey, Nathan at Jasel(?). Hahaha. Naappreciate ko kayo lalo kapag alam kong nadadagdagan ang reads ng bawat story ko. 😻

Maraming salamat! Pang-apat na story na itong natapos ko. At thankful talaga ako kasi may mga nagi-stay! 😭 Ang emotional ko grabe. Basta salamat at sana hindi kayo magsawa. 🐣

Sa mga inspiring writers diyan, sige lang at magsulat tayong lahat! Walang mawawala kung i-publish niyo at hayaang mabasa ng ilan ang mga gawa natin. Huwag kayong mahiya na baka mapangitan sila sa gawa natin ang unang purpose kung bakit tayo nagsusulat ay dahil iyon ang gusto nating gawin at ginagawa natin ito para sa ating sarili at hindi para sa iba. Kaya tayo nagsusulat ay para magawa natin ang hilig at kagustuhan natin. At hindi para sa iba. Kaya lang naman kailangan nating ipublish ay para mafulfill ang dahilan kung bakit tayo nagsulat. Kapag nagsulat ka, kailangan mong ipabasa. Gano'n dapat iyon. Sinasabi ko sa inyo, guys, may kulang talaga kapag walang nakabasa sa gawa niyo. Get out of your comfort zone and let them read your work—your baby.

Huwag kayong matakot sa kung anong maaaring sabihin nila dahil gawa mo yan at wala silang pakialam. Kung pangit man sa umpisa, don't worry, matututo ka rin in the process. Gaganda rin 'yan habang patuloy mong ginagawa. Maniwala kayo sa akin. Lahat ng sinasabi ko naranasan ko na. 😄

So yun, thank you for reading this rant. Hahaha. Nabunutan na ako ng tinik sa dibdib. Makapagsusulat na ulit ako. Ng mas maganda at mas may kabuluhan. (AJA!)

To my favorite professor and writer, thank you for inspiring me, sir! Alam kong ang mga gawa ko ngayon ay iyong mga malalapot na pag-iibigan na ayaw na ayaw niyo, pero nangangako po ako na makapagsusulat din ako ng gaya ng mga sinusulat niyo. Para sa bayan! Para sa pagmamahal sa ating sariling wika at bayan. 😍 Thank you, sir Rogelio Ordonez. Maraming maraming maraming salamat po.

-chinieanne 😍❤

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon