4

4.3K 178 24
                                    

Slave;

Nagising ako dahil sa mga naririnig ko na paghikbi at ramdam ko rin ang pagdampi ng mahapding bagay sa aking ulo.ng imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si ate na umiiyak.

"A-ate....bakit ka umiiyak?"tanong ko sa kanya.

"Gising ka na pala.may masakit pa ba sayo?inumin mo tong gamot,nagdala na rin ako ng pagkain para sayo."sagot ni ate at nagpahid ng luha.

Inikot ko ang paningin ko at napagtanto ko na wala ako sa aking silid

"Nasaan ako ate?"tanong ko sa kanya.

"Nandito tayo sa kwarto ni manang amy,inilipat na nina mama ang mga gamit mo dito."sagot ni ate.

"Ganun ba,talaga bang itinakwil na nila ako?"tanong ko muli di na siya sumagot at muli ay tumulo ang mga luha niya."hoy ate,wag ka ngang umiyak diyan.ako nga na maraming galos di umiiyak ikaw pa."pag alo ko sa kanya.

"Nagagawa mo pang ngumiti sa kabila ng lahat?kaya naman bilib na bilib ako sayo eh."nakangiti ng turan niya.saka ko pinahid ang natitirang luha sa pisngi niya.

"Ate maari mo ba akong samahan sa dati kong silid may kukunin lang ako?"tanong ko sa kanya.nagaalangan pa siya nung una pero kalaunan ay napikit ko rin siya.

Ng makalabas kami ng maids quarter ay nakasalubong namin si kuya.

"Genniam,umakyat ka na sa silid mo,at ikaw bakla,tulungan mo si yaya amy sa kusina at maghahain na ng kakainin."utos niya sa akin.

"Sige kuya,may kukunin lang...."di na ako nito pinatapos.

"Wag mo akong tawaging kuya,dahil simula sa araw na ito ay kami lang ni genniam ang magkapatid"turan niya saka tumalikod

Inalalayan ako ni ate hanggang sa makaakyat ako sa dati kong silid,nadatnan namin doon si manang amy na inaayos ang kumbre kama..

"Ah maam genniam kayo pala.inaayos ko lang po itong dating silid ni sir...am jr. Kasi may bago ng uukupa dito."wika nito sa amin.

"Po?sino naman po."tanong ni ate

"Si sir jarred po...kinuha siyang schoolar ng papa at mama niyo ,at inalok din po siya na dito na manirahan dahil malapit lang daw po sa school."sagot ni manang na ikinabigla ko.mas pinaburan nila ang gagong yun kaysa sa sarili nilang anak.

Magsasalita pa sana si ate ng may pumasok sa pinto.it was papa at kasama niya si jarred

"Oh yam bat andito ka?at bakit kasama mo ang baklang KATULONG NATIN"pagdidiin ni papa sa huling tinuran.

"Pa,bakit naman po.."wika ni ate pero pinutol na ni papa ang iba pa niyang sasabihin.

"Bumaba na kayo doon,at simula ngayon ay dito na titira si jarred..kaya ikaw."turo niya sa akin."matuto kang tawaging sir at maam ang lahat ng tao dito pati narin si jarred."utos ni papa sa akin.

Napayuko ako at muling tumingin kay papa.wala na rin naman akong magagawa.papa is a walking rule book.na lahat ng sinasabi niya ay dapat matupad.

"Opo pa."sagot ko

"And one more thing...dont call me papa...coz your not my son anymore."ngayon pagbigyan niyo ako...pagbigyan niyo akong lumuha kahit ngayon lang.

"I cant believe you."galit na turan ni ate bago niya ako igiya palabas ng dati kong silid..

"Oh andiyan na pala kayo,"sita sa amin ni mama ng makarating kami ng kusina.

"Ma.."tawag pansin ni ate dito.pero sa akin lang tumingin si mama at umiling.

"Maupo ka na diyan."utos nito natuwa ako dahil kakampi ko parin pala si mama....yun ang akala ko.dahil nung uupo na kami ni ate sa mga pwesto namin ay muling nagsalita si mama.

"Ang ANAK kong si genniam ang sinabihan ko at hindi ikaw"pag kumpirma ni mama.

"Ma pati ba naman ikaw."maktol ni ate.

"Wag kang makisabat dito yam...at ikaw tawagin mo na ang asawa ko at ang sir genmer mo,pakitawag na rin si sir jarred mo."utos nito sa akin.

"Ma hindi utusan si genric dito."pagtutol ni ate.

"at sino ang may sabi?bahay ko ito kaya ako ang masusunod."sagot ni mama.hinawakan ko ang kamay ni ate tanda na okay lang ako.tinignan lang niya ako saying sorry.tumalikod na ako at kahit nanghihina ay umakyat ako sa silid ni papa at kumatok.ng marinig kong pinapa pasok na ako ay saka ko pinihit ang pinto.

"S-sir...pinapatawag na po kayo ni maam,kakain na raw po kayo."wika ko.lumapit sa akin si papa saka nagsalita.

"Im dissapointed.sayang ka."turan niya.ipinikit ko na lang ng madiin ang mga mata ko dahil ayokong lumuha.tumalikod na ako sunod kong kinatok ang silid ni kuya.at sinabing kakain na.huli kong pinuntahan ang dati kong silid at kumatok.

"Pasok!"dinig kong sagot ni jarred mula sa loob kaya binuksan ko na at pumasok

"Oh ikaw pala,anu ang kailangan mo?"tanong nito sa aking habang papalapit siya.

"Ah kasi....kasi po pinapatawag na kayo sa baba kakain na raw." turan ko.saka ko inikot ang paningin ko sa kabuan ng dati kong silid.wala na roon ang mga pictures ko.

"Ang ganda ng silid ko noh."turan ni jarred saka ako tinulak palabas."sige na alis na,susunod na ako."turan niya.kaya tumalikod na ako.

Bumalik ako sa kusina at tumabi kay manang amy,inutusan ako ni mama na ipagsalin ang mga baso nila ng tubig.

"Siya nga pala,simula ngayon ay magtatrabaho ka na dito sa pamamahay ko.sasahuran ka naman namin,pampaaral mo sa sarili mo.baka isipin mo wala kaming puso."saad ni papa.

"Opo,salamat po."yun lang sagot ko.

"Sige na doon ka na sa silid niyo ni manang amy,ipapatawag ka nalang pag maghuhugas ka na ng pinagkainan.di kami makakain dahil sayo"utos ni papa.tatayo sana si ate pero agad siyang sinita ni mama.

Nagtungo ako sa maidsquarter at doon tahimik na umiyak.

Lord patnubayan po ninyo ako...wag niyo pong hayaang lamunin ako ng galit sa sarili kong pamilya.mahal ko sila at kakayanin ko lahat.

#I'minpained

BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon