2

5.2K 186 3
                                    

Lagot ako:

"Gen,sa inyo na lang kami matulog ni red,doon na natin tapusin yung project."pangungulit sa akin ni shai,magkakagrupo kasi kami sa isang project namin sa home economics.

"Kaya nga pre,tapos pag katapos natin maglalaro tayo.si shai ang nanay at ako ang tatay,ikaw ang anak namin.hahaha"pang aasar ni red.

"Ewww...kadiri ka talaga jarred velasco."pag iinarte ni shai.dapat ako na lang ang nanay.kainis naman eh.

"Tss,sige na nga.ang kukulit niyo.basta bawal maingay,alam niyo naman si papa.strikto."sagot ko.

"Oo alam ko,kaya nga ganyan ka eh."biglang naibulalas ni shai kaya nakurot ko siya ng palihim.

"Huh?"takang turan ni red.

"Puro pag aaral ang alam."sagot ni shai.kaya buti naman at nalusutan niya.naku sasabunutan ko talaga siya ng bonggang bongga pag nagkataon.

At home.

"Ma,pa!."sigaw ko.

"Oh bat kakarating mo lang eh,nagngangangawa ka na diyan?"sita sa akin ni ate.

"Ate,ipapaalam ko sana kila mama at papa na dito matutulog sina shai at jarred,may tatapusin kasi kaming project."pagpapaliwanag ko kay ate.

"Si mama pa lang ang andiyan.si papa mamaya pa yun."sagot ni ate.

Tinungo namin ang kusina kung saan naamoy namin ang masarap na amoy pagkain.

"Oh bunso andito ka na pala."bati ni mama sa akin.

"Ma,si jarred po at shai mga kaklase ko,mag sleepover po sila dito kasi may tatapusin kaming project."paalam ko may mama.

"Okay lang yan jr...but...after niyo gawin ang project niyo,dun matutulog si shai sa kwarto ng ate yam mo."bilin ni mama.

"Okay po ma,"ibig sabihin masosolo ko si red sa kwarto ko gosh,cold water please.

Agad naming tinungo ang room ko.

"Wow,ang astig ng kwarto mo pre."natutuwang turan ni red.

"Si papa nagpagawa eh,bakit yong kwarto mo?ganito rin ba?"tanong ko rito.napayuko naman ito bago sumagot.

"Hehe,hindi eh,malaki na nga tong silid mo kaysa sa silid na tinutulugan naming tatlong magkakapatid."sagot niya.hala nasaktan ko ba damdamin niya?di ko naman alam eh.

Hinubad niya ang suot niyang polo kaya sando na lang ang suot niya,firstyear palang kami pero banat na ang katawan niya.ang hot talaga ng baby ko.hehe.

Ng makalahati namin ang ginagawa ay kumatok si mama at dinalhan na kami ng pagkain sa room ko.nakasunod naman sa kanya si papa.

"Jr,kumain na muna kayo,saka pag di niyo kayang tapusin yan,ipagpabukas niyo na"bilin ni mama.

"Opo ma."sagot ko.

"Shai,katok ka na lang sa room ni ate genniam mo mamaya,di ka dapat tumabi sa dalawang barako."bilin din naman ni papa.

"Opo tito"magalang na sagot ni shai.

Ng makalabas sina mama at papa ay kumain na muna kami.

"Ang sarap naman nito."wika ni red.

"Luto ni mama eh."sagot ko.

"Ang yaman niyo noh pre."turan nito muli.

"Ang parents ko ang mayaman dahil sila naman ang may ari ng lahat ng ito."sagot ko.

"Anu ka ba pre,syempre lahat ng pagmamay ari ng magulang mo ay sa iyo na rin."sagot nito muli.

"Oo na para matigil ka na pre."sagot ko.

BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon