45

2.4K 91 1
                                    

Genric's pov;

"pa magkape ka na muna."inabot ko kay papa ang tinimpla kong kape,kanina pa kasi kami gising ni jarred at nagkakape na kami ng bumungad si papa sa kusina,kasabay niya si ate yam.

"pa,tinawagan ako ni kuya gem,may kliyente na daw kami,pero sinabi kong may kinakaharap akong problema ngayon kaya di ko muna tinanggap."paliwanag ni jarred kay papa.di ko pweding iwanan dito mag isa sila genric."dugtong pa nito.

"anu ka ba,sinabi ko naman na sayo nakaya ko naman sarili ko,lalaki parin naman ako."reklamo ko.

"I know,pero di pa rin ako mapapanatag."sagot nito sa akin.

"wag na kayong mag alala,tumawag na sa akin si atty. At sinabi niya sa aking inurong na daw ni almerna ang reklamo nito.pinaki usapan ko kasi siya na ayusin yun,pero ang di ko nasisiguro kung anu ang umaandar sa utak ng babaeng yun ngayon."paliwanag ni papa na ikiluwag ng dibdib ko.

"pero pa,yung lalaking nanggugulo sa amin,hanggang ngayon ay wala pang balita sa akin yung inupahan ko upang alamin kung sino ang nasa likod ng lahat ng pananakot na to."turan ni jarred

"I think we should be more careful,kilala kayo ng taong yun kaya nagagawa niyang maitagong mabuti ang pagkatao niya,samantalang wala tayo ni isang clue kung sino at anu ang pagkatao niya."

Tango na lang ang naisagot namin.

"Ah babe,lalabas lang ako mamaya upang kitain si kuya gem,may pag uusapan lang kami with regards sa project na tinanggihan ko."bigla ay nasabi ni jarred.

"Ah maari ba akong sumama,may bibilhin na rin kasi ako."turan ko.

"Mas okay yun para masamahan kita sa labas."sagot ni jarred.

"Di naman ako mawawala sa paningin ng babe ko."paglalambing ko rito,pero sa pag abot ko sa kamay nito ay nasagi ko ang tasa kaya bumagsak iyon sa sahig at nabasag.kinabahan rin ako bigla pero di ko na lang pinahalata,wala lang naman siguro to.

"Sige na at ako na lang maglilinis niyan,ako na rin ang bahala kay gin tutal wala akong pasok ngayon."singit ni ate yam.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa isang mall na lang ang sinabi ni jarred na meeting place nila ni kuya upang deretso na kami ng pamimili pagkatapos nilang mag usap.

pumasok kami sa coffee shop at doon namin hinintay si kuya,after several minutes ay dumating na rin ito.

"Sorry medyo mahirap ang byahe papunta rito."agad nitong bungad pagkaupo sa mesang kinaroroonan namin.

"Its okay kuya,himala nakalabas ka ng di kasama asawa mo."pagbibiro ko rito.

"Actually kasabay ko sana siya,kaso biglang may tumawag sa kanya,importante so isa na rin yun kung bat natagalan ako."paliwanag nito.

Naguusap na sila ni kuya habang patuloy lang ako sa pagkalikot ng phone ko,may message bigla kaya agad ko ring binuksan.

Ready for a show?

Message na narecieve ko from unknown number,may kutob akong ito yung taong nananakot sa amin.

Sino ka ba talaga?"reply ko

Your future.reply lang nito.ng tatawagan ko na siya ay out of reach.

"Babe are you okay?"may pag aalalang tanong ni jarred.

"Ah,yes....si shai kasi eh,alam mo na."pagsisinungaling ko.

"Siya nga pala,nasabi na sa akin ni papa ang mga nangyayari,are you guys okay?sabihin niyo pag may maitutulong ako."pag aalok ni kuya.

"Were good kuya,wala lang magawa ang taong yun."sagot ko.

Matapos nilang mag usap ay nagpa alam na sa amin si kuya.

BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon