50

2.5K 88 1
                                    

Genric's pov;

"Anu nang balita?nahanap na ba ang gagong yun?"tanong agad ni ate kay kuya at jarred na bagong dating.sila kasi ang kausap ng mga police.

"Wala pa daw silang lead kung saan matatagpuan si alfred,pero naghahanap na sila ngmga taong maaring nakakaalam kungbsaan ito maaring magtago."sagot naman ni kuya."saka sa ginagawa niyang pagtatago ay mas lalong tumitibay ang akusa sa kanya na siya nga ang may pakana sa nangyari kay papa."sagot ni kuya

"Pero may isa pang sinabi ang sekretarya ni tito."turan naman ni jarred.

"What is it?"tanong ko.

"Malaking pera ang nawawala sa kumpanya,at may kutob akong si alfred din ang may gawa."sagot niya.

"Napaka hayup niya."galit na turan ko.
.
.
.
.
.
Ilang araw din na nag stay si papa sa ospital at heto't nakauwi na kami sa bahay,bumalik na rin si jarred dito kasama si gin.

"Pa,sorry if ng dahil sa paglilihim ko sa inyo ay napahamak kayo."malungkot kung turan habang narito kami sa silid ni papa.

"Dapat ay kami ang humihingi sayo ng kapatawaran anak,malaki na ang naging paghihirap mo sa pamilyang to simula pa noon."sagot ni papa.

"Pa,pamilya ko kayo,at lahat ay kaya kong gawin sa ikabubuti ng pamilyang to."turan ko.

"Pa,gen,yam,uwi na muna ako,walang kasama ang asawa ko sa bahay,jarred,ikaw na muna ang bahala rito."paalam ni kuya sa amin.

"Sige kuya mag iingat ka sa pag uwi."turan ko.

naghahanda na kami ng hapunan ng iabot ni yaya ang cellphone ko,kanina pa raw kasi ito tumutunog.si shai pala,bakit kaya?

"Hello shai,bakit ka napatawag?"bungad ko pagkasagot ko ng tawag.

"genric,tulungan niyo ako."

"Albert?"tanong ko.

"Oo ako to gen."

"Teka,bakit ba parang tensionado ka,kumalma ka nga,what happen?"tanong ko

"Nawawala si shai,di ko naman siya matawagan dahil naiwan sa akin ang phone niya."

"What?paanong nawawala?"tanong ko ulit.

"kumakain kami kanina sa restaurant ng kaibigan ko,ng may babaeng lumapit sa amin,kakilala mo daw,tapos nais daw niyang makausap si shai,so I let them....amd then I excuse my self to look for janos,my friend since naguusap sila.but when I go back ay wala na sila.and until now ay di nagbabalik si shai."tarantang kwento nito.

"Who's that girl your talking about?"pag uusisa ko.

"Wait,I think lorena?...no...its marina?...uhhh....I forgot,oh wait it's almerna...yes almerna,friend mo daw."halos nabingi ako sa narinig,paanuh nangyaring si almerna,patay na siya eh,binaril siya ni alfred sa harapan ko.hindi kaya."hello gen,are you still there?"paniniguro pa nito sa kabilang linya.

"Yes,I am here,ireport mo na sa phlis ang nangyari....at tutulong din kami sa paghahanap,calmdown okay,walang mangyayari sa bestfriend ko."turan ko saka ko pinutol ang linya.

"Sino yun?bat ka namumutla?"paguusisa ni jarred,naghihintay lang naman si ate sa isasagot ko sa tanong ni jarred.

"Shai is missing,pero nasabi rin ni albert that....paano nangyari yun?"

"Ang alin?teka uminom ka muna ng tubig."agad kong ininom ang tubig na inabot ni jarred sa akin.

"Si almerna daw ang lumapit at nakausap ni shai bago ito mawala...paanong...naguguluhan ako.natatakot ako para sa maaring mangyari sa kaibigan ko."pumatak na ang luha sa pisngi ko dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Dont cry babe,walang mangyayaring masama."pag-alo sa akin ni jarred.

"Di ba sabi mo pinatay ni alfred si almerna sa harapan mo?paanung buhay siya?"singit din ni ate.

"I dont know....naguguluhan ako....for now kailangan nating pumunta kay albert."turan ko.

"Pero gabing gabi na."wika ni ate.

"Kailangan ako ng kaibigan ko ate,at ako ang dahilan kung bat naday siya rito."sagot ko.

"Sige na at sasamahan kita.ate yam,kayo na po muna ang bahala sa anak ko.isara ninyong mabuti ang lahat ng pinto at bintana,at hanggat maari ay wag kayong magpapasok ng kahit na sino."bilin ni jarred kay ate.

"Okay mag iingat kayo."
.
.
.
.
.
.
"albert."tawag ko sa pangalan ni albert pagkarating namin sa bahay nila,buti na lang ay nasabi sa akin ni shai ang lugar ng pinagawa nilang bahay para sa kanilang mag asawa.

"Gen,jarred,thank god your here."lumuluhang paglapit nito sa amin.may mga pulis rin siyang kausap.

"Anu ang balita?"tanong ko

"Wala pang tumatawag,at sabi ngga pulis na within 24 hours na hindi pa nagparamdam si shai ay saka nila idedeclare na nawawala nga si shai at saka lang yata sila kikilos."may inis na sagot nito.

"Shhh,wag kang mabahala,walang mangyayari sa kanya,ngayon antayin natin ang tawag baka sakaling may pinuntahan lang siya....or...basta."turan ko ng nalilito rin.

Alas dos na ng madaling araw at wala paring tawag,o shai na nagpaparamdam.

Bigla namang nagring ang phone ko na agad kong sinagot.

"Hello,"

"Hello gen,tulungan niyo ko."kahit umiiyak ay ang taong nasa kabilang linya ay alam ko kung sino ito.

"Diyos ko,shai nasaan ka ba?pupuntahan ka namin."tanong ko rito.

"Hep hep.,"narinig kong nag iba ang tinig."kumusta ka na mahal kong kaibigan?balita ko pumalpak si alfred sa plano niya sayo."

"Al-almerna?"

"Non other than fag,so di mo man lang ba kukumustahin ang kaibigan mo?"

"Hayup ka!wag na wag mong sasaktan ang kaibigan ko."galit na bulyaw ko.

"Grabe naman siya,di man lang talaga bumati,sige para di mo naman masabing bastos ako,ako na babati sayo....kumusta ka?sana magpakasaya ka na,dahil huli mo na yan!"bigla ay pasigaw ng turan nito.

"Nakikiusap ako sayo,wag ming idamay dito ang kaibigan ko."pagmamakaawa ko.

"Hmmmm,madali naman akong kausap eh,pero sige,pumunta ka lugar na isesend ko sayo,at sisiguraduhin mong wala kang isasama,dahil kong hindi ulo na lang ng kaibigan mo ang daratnan mo."turan nito.

"Sige,sige...gagawin ko lahat ng iuutos mo wag mo lang siyang sasaktan."sagot ko.

"Siguraduhin mo lang."turan pa nito saka naputol ang linya.

"Anung sabi?"tanong agad ni albert.

"Ako ang kailangan niya kapalit ni shai."sagot ko."pupunta ako sa lugar na sasabihin niya.at wag daw akong magsasama kahit na sino,kung hindi ay mapapahamak si shai."paliwanag ko.

"No,hindi pwede ang nais niyang mangyari."singit ni jarred.

"But si..."reklamo ko.

"May paraan pa,at hindi ang pagpapakamatay ang sagot gen.....kung pupunta ka roon ng ikaw lang ay para ka naring nagpakamatay.."maawtoridad na turan niya.

"Tama po ang sinasabi ng kasama niyo,wala rin pong kasiguraduhan na di kayo mapapahamak na dalawa ng kaibigan niyo kung mag isa niyo lang na pupunta."pagsingit ng isa sa mga pulis.

"Napakasama ko namang tao kung hahayaan kita gen,tama ang sabi nila,may ibang paraan."malungkot na turan ni albert.

"Then tell me,anu?!"frustrated kong tanong.

"I will HANDLE THIS,I want you to believe in me....just do what I say."turan ni jarred.

BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon