51

2.8K 99 2
                                    

Genric's pov;

Ng marecieve ko ang text message na galing kay almerna ay agad ko yung pinakita kay jarred.

"Ito yung lugar kung saan nila aki dinala dati."pagkumpirma ko

"Kung ganun ay pinalabas talaga nila na pinatay niya si almerna upang mapasunod ka at makakilos na rin sila ng di natin nalalaman.talagang pinagplanuhan nila ito."sagot naman ni jarred.

"Pupuntahan ko na si shai,baka sa mga oras na ito ay nahihirapan na siya."naluluhang turan ko.

"Okay,but first I want you to listen to me....ikaw ang magmamaneho ng kotse at sasakay ako sa compartment ng kotse.officer,hanggat maari sana ay palihim ang gagawin natin ito,at kung pwede sana ay malayo sa lugar ang mga sasakyan ninyo.papalibutan natin ang kinaroroonan nila ng walang nakakapansin.dahil siguradong napapalibutan ng bantay ang kinaroroonan nila."suhestyon ni jarred.

"Sige po sir."

"Susubukan ko makapasok.at pag nasa kamay na namin si shai saka kayo susugod....tatawagan ko ang phone mo officer at yun ang hudyat ng pagsugod."bilin pa ni jarred.

Gata ng napag usapan ay agad akong tumalima upang tunguhin ang lugar,di ko gaanong binilisan dahil nasa compartment si jarred.
.
.
.
.
.
pagkapark ko ay agad akong bumaba.may mga nakabantay sa gate.

"Kuya narito na ako.papasukin niyo ako at kailangan ko ng bawiin ang kaibigan ko."turan mo sa isa sa mga bantay.

"Iwan niyo na ang sasakyan dito sa labas.sige na pasok."binuksan nito ang gate upang makapasok ako.

"Ilolock ko lang ang kotse ko."paalam ko kunwari upang mabulungan ko si jarred."papasok na ako.may dalawang bantay sa gate,medyo madilim dito kaya hindi ka na nila gaanu mapapansin."binuksan ko ng bahagya ang compartment.

"Mag-iingat ka."bilin lang nito.

"Hoy bilisan mo na diyan.!"sigaw ng isang gwardiya sa akin.agad akong naglakad papasok ng may kaba sa dibdib.lihim na nagdarasal na sana ay di kami mapahamak.
.
.
.
.
.
"Kumusta na ang mahal ko."agad bungad sa akin ni alfred ng mabuksan ko ang pinto.naririnig ko kasi sa loob ang mga boses nila kaya nasiguro kong nandoon sila.

Agad kong inikot ang mata ko sa loob ng silid at nakita ko roon si shai na nakagapos sa isang upuan at mag dugo sa mukha.

"Anong ginawa niyo sa kaibigan ko?"galit na turan ko at akmang lalapit na kay shai ng hawakan ni alfred ang braso ko.

"Opppps,excited ka naman masyado eh."turan pa nito.

"Hayup ka!sinunod ko ang gusto mo pero di ka sumunod sa usapan!"bulyaw ko rito.

"Ang tagal eh."sagot lang nito sa akin.

"Bilisan mo na at ng makaalis na tayo rito."napatigin ako sa nagsalita,si almerna nga ito at buhay na buhay siya.

"Paanong?"bulalas ko.

"Nagulat ba kita bakla?ang dali mo kasing utuin eh,tatanga tanga ka kasi."sagot nito sa akin.saka lumapit kay alfred at naghalikan sila.

"May relasyon kayo?"tanong ko muli ng may pagtataka.

"Oo,matagal na,wala ngang naka alam eh,ang galing namin noh.sorry kung pinaasa kita ha,sayang nga at di ka gaanong bumigay."may pang aasar na sagot ni alfred.

"At salamat sayo dahil sa pananahimik mo,nakakilos ako sa kompanya ng maayos,at alam mo ba?may napatunayan kami?"nakangising turan ni almerna.

"Nakapangalan na nga sayo ang kumpanya ng ama mo."kuNg ganun ay seryuso talaga si papa na ibigay sa akin ang ipinundar nila ni mama.

BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon