Glams pov;
"tara na sa baba,kain ka na,naghanda ako ng masarap na almusal."aya sa akin ni red.nakatulala lang kasi ako sa batang ngayon ay nakatingin lang din sa akin.
"opo...kain na po tayo.sabay na po kayo sa amin ni daddy."ilang taon na ba ang batang to?bakit napakatatas nitong magsalita.di maipagkakaila na anak nga ni red to.parehas sila ng mata.
"ah ok,am...by the way what is your name cutie?and how old are you?"tanong ko rito.
"I am Redgin po,mag three na po ako."magalang na sagot nito sa tanong ko.
"ang cute mo naman...where is your mom?"tanong ko rito.
"daddy told me that mom left us when...."magsasalita pa sana ito ng sawayin siya ni red.
"Gin....lets go.lalamig na ang pagkain."pagkasabi noon ay tumalima na ang bata sa utos ng ama
Tla natakot ito sa biglaang pagsimangot ng ama."ahm...sorry if natanong ko ang tungkol.."ako naman ang di niya pinatuloy sa pagsasalita.
"its okay,but please be more sensitive,ayokong hanapin pa niya ang kanyang ina."turan niya at kita ko roon ang galit at lungkot.
"okay."pagsuko ko dahil sa mga nakalipas na taon ay wala naman na akong balita sa kanya,at wala akong karapatang magtanong at manghimasok sa kanya.
Tumayo na ako at nauna na siyang bumaba.inayos ko ang pinaghigaan ko dahil nasanay na akong di inaasa sa mga katulong namin simula noong l...ah basta yun na yun.
"hi bunso...kumusta ang tulog mo?"masiglang bati sa akin ni ate.
"ok naman ate.nakatulog naman ako ng maayos."nakangiting sagot ko rito.
"mabuti naman.tara na at sumabay ka na sa amin."singit naman ni kuya.
Ng makaupo ako ay lumipat ang anak ni red sa tabi ko at masayang nagpatuloy sa pagkain.
"ang cute mo talaga...eat ka pa ng marami para lumaki ka agad ha.you like bacon?"tanong ko rito.
"opo...thanks po pala kasi ang bait po ninyo sa akin."masayang turan nito sa akin.gayon pa man pakiramdam ko eh malungkot ang batang to.siguro nimimiss lang nito ang kanyang ina.
"naku,ang cute mo kasi.you can call me tito."nakangiting sagot ko rito saka ko siya kinurot sa pisngi.
"talaga po....but you dont look like a tito...coz you look like a lady...instead can I call you tita?"medyo napatigil ako sa kadaldalan nito.
"gin!stop it."suway muli ni red sa anak kaya pinukulan ko ito ng masamang tingin.
"no red,you stop....pati ba naman bata eh...gin look at tita...ok lang sa akin kahit anu gusto mong itawag sa akin."pagkunpirma ko sa gusto ng bata.
"talaga po...yehey...did you hear that daddy."masayang turan naman nito sa ama.
Nagtuloy tuloy na kami sa pagkain at paminsan naman ay sinusubuan ko si gin na gustong gusto nito.ng matapos kami kumain ng almusal ng sabay sabay ay nagsi alisan na sila ate kuya at si red.ibinilin na lang niya si gin sa katulong.wala na kasi si nanay na matagal ko ng namimiss.nagresign kasi siya noong umalis ako dito sa bahay noon.
"wala ka bang pasok sa opisina papa?"tanong ko kay papa habang nakahiga si gin sa kandungan ko.
"well,meron pero,....ok I'll be straight to the point gen.I want you to take care of the company,may tiwala ako sayo na kaya mong bawiin lahat ng nawala sa atin noong may sakit pa ang mama mo....mahal ko ang companyang iyon at nais kong ipagkatiwala ito sa taong alam kong may kakayahan na palaguin ito at magbibigay simpatya sa mga tao roon.at alam kong ikaw yun anak."mahabang turan nito.