Jarred's pov;
"Kuya,kumusta si tita?"tanong ko kay kuya gem ng nakapasok ako sa room ni tita dito sa ospital.
"She's okay now red,pero habang tumatagal ay lalo siyang nanghihina....di ko na alam ang gagawin ko red...pati si papa ay di na nakakakain ng maayos,at paubos na rin ang ipon ng pamilya dahil sa laki ng bayarin natin dito sa ospital.
Iniabot ko sa kanya ang sinahod ko ngayon sa pagiging bodyguard ko kay genric.
"Salamat dito tol,malaking tulong din ito,pasensiya ka na kung pati ikaw ay nadadamay sa kamalasan ng pamilya namin."malungkot na abot nito sa pera.
"Anu ka ba naman kuya pamilya tayo di ba?malaki ang utang ko sa mga magulang mo kuya at tinuturing ko na rin silang mga magulang,kaya wag ka ng madrama diyan."pagbibiro ko.
"Tss,ikaw talaga,sa halip na naibibigay mo to sa mga magulang at kapatid mo eh,nakikisali pa kami."
"Sabi ko naman kuya okay lang yan."sagot ko.
"Alam mo,siguro kung andito si jr, okay sana ang lahat no,di siguro magkakasakit si mama...alam ko naman na mahal ni mama si jr,kaya niya tiniis ang karamdaman niya,"yumuko siya saka nilabas ang kanyang celphone,pinakita niya sa akin ang nakangiting litrato ni genric."kahawig ni jr si mama red...at kung hinayaan namin siya kung anu talaga siya baka magkasing ganda na sila mama ngayon."pagpapatukoy niya at doon ay napahagulgol.
"Hoy kuya tama na yan,baka magising pa si mama at makita kang ganyan.dapat ay matapang tayo para sa kanya."pag alo ko rito.
"Di koya red na mawala si mama sa amin...natatakot ako...ayoko pa,di pa ako handa....di pa sila nagkikita ni jr eh."umiiyak na turan niya.ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganyan si kuya...gusto ko na sanang sabihin na nakita ko na si genric pero,ayokong pangunahan muli si glam doon.
"Darating din ang panahon kuya."
Glams pov
Dalawang araw na ang nakakalipas at kailangan ng matapos lahat ng kailangan kong gawin dito dahil nais ko na ring bumalik ng italy.gusto ko ng ibaon lahat sa limot.gusto ko ng magsimula muli ng panibago kasama ang boyfriend ko...oo boyfriend ko na si win...sinagot ko siya noong gabing halikan ko siya.di ko alam pero siguro nga ay pagmamahal na rin ang nararamdaman ko sa kanya.lagi oasing siya ang nariyan upang pangitiin ako...sinabi rin naman niya sa akin na sakali mang di mag work out kung anu man ang meron kami ngayon ay tatangapin niya ng buo ang magiging disisyon ko.ang bait niya talaga.sa kabila ng kabila ng ginagawa kong kasamaan sa mga pamilya ko ay di parin ako pinapabayaan ni god at binigyan niya ako ng anghel na magbabantay sa akin.
About sa concert ay pinacancel na namin...binayaran namin lahat ng naging danyos,buti na lang ay hindi pa nabibibinta ang mga tickets.kung hindi ay wala na kaming pera ni win pabalik ng italy.malaki laki rin ang kinita namin sa mga napagbintahan sa mga paintings kaya matatapos din ang project.nakakahiya naman kung pati yun ay di matutuloy.
"Baby,lets go."aya sa akin ni win.pupunta kami ngayon sa site.gaya ng dati ay nagaabang lang sa labas sina jarred at ang isa pang bodyguard.
Di ko tinitignan ang mukha ni jarred,nakakabanas lang.
"Goodnoon everyone."bati ni win sa lahat.
Naglulunch na kasi lahat kasabay lahat ng inhinyero.
"Guys,sorry for disturbing your lunch,but I would like to invite you all in a resort tomorrow,lets all take a break only for two days before we continue here."masayang paanyaya ni win sa lahat.nakangiti lang naman akong nakamasid.napagusapan na kasi namin ito kagabi,since nacancel yong concert kaya ito na lang.