3

4.5K 184 12
                                    

He knows;

"Red,kanina mo pa ako di kinakausap pre,may problema ba?"tanong ko sa kanya ng papunta na kami ng canteen.

"Shai,mauna ka na sa canteen kausapin ko lang si pareng JR."pagdidiin nito sa palayaw ko.kinabahan ako dahil ngayon lang siya naging ganyan.

Nauna na nga si shai at pinagmasdan pa namin siya makalayo.

"Sundan mo ako."utos niya sa akin na sinunod ko naman hanggang sa mapadpad kami sa likod ng mens cr.

"Bakit anu ba yong importanteng sasabihin mo?"tanong ko sa kanya ng tumigil na siya sa paglalakad.

"Layuan mo na kami ni shai."

Layuan mo na kami ni shai...

Layuan mo na kami ni shai.

Nagpaulit-ulit sa utak ko yong sinabi niya bago ko tuluyang mapagtanto ang sinabi niya.

"Huh?b-bakit red?"takang tanong ko.

"Wag mo akong tawaging red,dahil jarred ang pangalan ko.hindi kita kaibigan dahil wala akong kaibigan na katulad mo.!"bulyaw nito sa akin.

"Teka,anu ba ang nangyayari sayo?"tanong ko muli.

"Wala akong kaibigan na katulad mo,sinungaling.!sagot niya.

"Hindi kita maintindihan."turan ko.

"pinaikot mo lang pala kami ni shai...kaya layuan mo kami dahil wala kaming kaibigan na bakla!"doon ay napatahimik ako...saka naman siya nagpatuloy sa pagsasalita."nakakadiri ka,kung anu ano pa sinabi mo kagabi,akala mo siguro tulog ako,at nagawa mo pa talaga akong halikan....nakakasuka ka!"bulyaw nito saka ako inindahan ng suntok.na tumama sa aking panga.

"Jarred!"sigaw na galing sa likuran namin.si shai pala.para lang akong tanga na di tumatayo sa pagkakabagsak dahil sa pagsuntok niya sa akin."gen."inalalayan ako ni shai makatayo.

"Wag mong lapitan ang baklang yan shai,nakadiri siya."awat ni red kay shai.

"Hindi,dahil kaibigan ko siya."pagpiglas naman ni shai sa hawak ni red.

"What,alam mo bang bakla ang pu**ang yan."gigil na turan ni red.

"Oo matagal ko ng alam jarred.at wala akong pakialam dahil mas totoo siyang tao kaysa sa iba diyan."sagot ni shai kay red.naluluha na ako.dahil kahit papanu ay may nagtatanggol sa akin.pero at the same time ay sobrang sakit dahil kagabi ko lang hiniling na sana ay matanggap niya ako kung sakaling malaman niya ang sekreto ko pero wala,as in wala dahil kinasusuklaman pala niya ang mga kagaya ko.

"Hindi siya nababagay maging kaibigan natin shai...at kapag di lumayo sa kanya ngayon ay mapipilitan akong sabihin sa magulang niya toh."pananakot nito kay shai.

"E di gawin mo."matapang na turan naman ni shai..

Tumalikod na si jarred ang taong matagal kong minahal ng palihim.para naman akong isang kandila na unti-unting nauupos.

"Beh,tayo ka na diyan.wag mong iyakan ang kagaya niya.alam kong nasaktan ka pero andito naman ako."pag alo sa akin ni shai.yumakap ako sa kanya.at doon ay humagulgol.

Nagpatuloy ang araw ko ng tahimik,tahimik dahil nawala na sa tabi namin ni shai ang madaldal sa aming grupo na si red.ng magbell na hudyat na uwian na ay nag stay muna kami ni shai sa palagi naming tambayan noon nila red.

"Beh,bakit ganun?akala ko sa tagalng pinagsamahan natin ay matatanggao din niya ako pag nalaman niya.ganun ba talaga?pag bakla,kadiri na?pag bakla malas na?."malungkot na turan ko.

"Beh tama na yan.gaya nga ng sabi ko sayo nandito lang ako at hindi kita iiwan."sagot naman ni shai.

"Ang unfair kasi beh,masakit dito eh."turo ko sa dibdib ko.

"Beh naman,tama na yan,sige ka papangit ka niyan,tapos mas maganda na ako sayo."pagbibiro niya na kahit papano ay nakakapagpalubag ng loob ko.

"Tara na nga."aya ko.

"Sige tara na,at sana bukas ay smile na ang makita ko diyan sa maganda mong mukha."turan niya ng nakangiti kaya napangiti na rin ako.

Ng makarating kami sa labas ng gate ay hinihintay ko na ang sundo ko.at maya maya ay nakita ko na ng si manong ben..
"Beh sasabay ka ba?"tanong ko kay shai.

"Naku wag na behparating na raw si kuya e.susunduin ako"sagot niya.

"Sige mauna na ako.ingat ka sa pag uwi."paalam ko.

"Okay.ingat ka rin."sagot niya at tinungo ko na ang sasakyan.

Ng makarating kami sa bahay ay may kakaiba akong nararamdaman,kinakabahan ako na ewan.pero iwinaglit ko yun sa utak ko at tuluyan ng pumasok.

Pagpasok ko ay nakita ko si ate na umiiyak.kaya patakbo akong nilapitan siya.

"Ate whats wrong?"tanong ko sa kanya at niyakap naman niya ako nv mahigpit at umiyak pa lalo.

"Sa wakas at dumating ka rin."malakas na turan ni papa kaya napatingin ako rito.katabi niya si mama at nakatingin lang sila sa akin ng para silang galit.nakita ko si kuya na nagtitimpi rin ng galit na nasa likuran lang nila mama at papa,katabi nito si jarred...teka si jarred?...bakit siya nandito?...tinotoo ba niya yung banta niya kanina kay shai?.lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari.

"Ngayong magpaliwanag ka,totoo ba ang sinasabi sa amin ni jarred!?"bulyaw sa akin ni papa."sumagot ka!"

Tumayo ako at nasa likuran ko si ate,kaya siguro siya umiiyak,dahil pinagtatanggol niya ako.

"Sagutin mo ang papa mo genric."singit ni mama.di ako makasagot at yumuko na lang

"Kung ganun ay totoo nga....tarantado ka!"gigil na turan ni kuya at dinig ko na lang ang mabibilis na yapak nito patungo sa akin.

Sinuntok ako ni kuya,kaya napahiga ako dahil ang laki niyang tao kumpara sa akin.sinipa niya pa ako ng hindi siya makuntento.

"Tama na yan!"sigaw ni ate pero kita ko na hawak siya ni papa.

"Tarantado ka,kaya pala gustong gusto mong sumama sa akin sa gym dahil maraming lalaki,kakasuka kang gago ka,wala akong kapatid na kagaya mo!"mahigpit akong hinawakan nito sa kwelyo at itinaas saka pabalibag na ihinagis muli sa pader.nauntog ang ulo ko,ang sakit pero di ako umiiyak...ginusto ko naman ito eh,kaya dapat di nila ako makakitaan ng panghihinayang sa kung anu man ang pinili ko.

Nakatingin lang si mama sa akin at kita ko rin sa mata niya ang pagkasuklam sa akin.tanging si ate lang ang humahagulgol sa pagiyak dahil sa nangyayari sa akin.

Lumapit si mama sa akin.

"Sabihin mo lang sa amin na babaguhin mo ang sarili mo at babalik tayo sa dati anak."turan ni hawak ako sa pisngi.

"Sorry ma,pero eto na talaga ako e."sagot ko,at isang malakas na sampal ang tumama sa kaliwa kong pisngi.

Lumapit muli si kuya sa akin.kaya sumigaw muli si ate.

"Kuya tama na yan...maawa ka kay genric...kuya,papa...ma awatin mo si kuya."hagulgol ni ate

Pilit akong bumangon at di sinasadyang napatingin ako kay jarred.kita ko sa mukha niya ang satisfaction sa nangyayari sa akin.nakangisi pa siya.

"Tama na!"sigaw muli ni ate at doon ko lang napansin ang paparating na sipa ni kuya na tumama sa ulo ko kaya para akong isang tsenelas na ibinato sa dingding.nanlalabo na ang aking paningin.

Nakawala si ate sa kamay ni papa at nagmamadaling nanakbo sa kinahihigaan ko.niyakap niya ako ng mahigpit at pilit inilalayo kay kuya.naramdaman ko ang mainit na likido na umagos sa mukha ko mula sa aking ulo.doon ay muli kong tinignan ang taong naging dahilan ng lahat ng ito.si jarred.ang kaninang nakangisi ay napalitan ng pagkalito at awa,pero sapat na sa akin ang ginawa niya upang matutunan ko siyang kamuhian.darating din ang araw na ako rin ang ngingisi sa kanilang harapan.bugbog sarado man ako at duguan pero ni isang patak ng luha ay wala silang makikita...ngumiti ako kay jarred saka ako tuluyang nawalan ng malay.

#devastated

BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon