Glams pov;
I need to unwind,masyado na akong nag iisip sa mga pangyayari lalo na ang palagiang pagtitig sa akin ni jarred.
"Where are you goin?"tanong sa akin ni win ng paglabas ko sa silid ko.
"Need some fresh air."sagot ko.
"You want me to accompany you.?"tanong nito sa akin.
"No need baby,I'm okay,I just want to be alone."sagot ko rito ng nakangiti upang di na ito mag alala pa.
Nagpaalam na ako sa kanya at sinabihan ko siya na magpahinga na muna dahil bukas na ang auction ng mga paintings ko.at siguradong maraming press ang darating.
Paglabas ko ng building ay sakto namang nakasalubong ko si jarred na papasok.
"Ah ms. Glam samahan ko na po kayo."magalang na turan nito.
"No need,kaya ko ang sarili ko.gusto kong mapag isa ngayong araw."sagot ko rito.
"Pero maam,delikado po ang mag isa.baka may makakilala po sa inyo."pagpipilit nito.
"I said,kaya ko ang sarili ko,naiintindihan mo ba?"pagsusungit ko.
"Sorry po.sige po pasok na po ako baka hinihintay na po ako ni sir winston.dala kp na kasi yung mga pinabili...."
"Go,wag ka ng magpaliwanag pa."pagputol ko rito saka tuluyang naglakad.
"Sungit di lang kita ma.."
"May sinasabi ka ba?"inis na tanong ko dahil may nalalaman pa itong pabulong bulong.
Nagtaxi na lang ako hanggang sa makarating ako sa paborito kong lugar.ang baywalk.
Naglalakad ako habang nakatingin sa payapang dagat ng may makabanggaan akong babae.
"Opsss...sorry."paghingi ko ng dispensa dito at tinulungan ko na siyang pulutin ang mga dala niya na nalaglag.ng mapatingin ako sa phone niya na naka-on ang screen,ito yung phone na gamit ko noong nasa highschool pa lang ako.at napakunot noo ako ng makita ang theme sa screen nito.it was my picture at inedit ito kasama ng picture ni jarred.
"Ahm,miss are you okay?"tanong sa akin ng babae kaya ngumiti ako.inabot ko sa kanya ang phone niya at tuluyan kong natitigan ang kanyang mukha na ikinalaki ng mata ko.
"Excuse me....are you okay...hello,miss."ginalaw galaw nito ang balikat ko dahilan upang mabalik ako sa katinuan.
"Ah...so--sorry,and yes I'm okay...is this your phone?"tanong ko rito sabay abot nung phone.
"Oh yes,sa kaibigan ko ito."sagot niya.di ba niya ako nakikilala?sabagay lahat naman sila di ako nakikilala.
"Ang cute naman ng screentheme niya."turan ko.
"Ah ito ba,oo cute siya,siya si genric,his my bestfriend."turan nito at biglang nalungkot.
"Sorry,may nasabi ba akong masama?"tanong ko sa kanya.
"Wala naman...its just that,I miss him."sagot niya.
"Gusto mo magkwento,ahm....di tayo magkakilala but,dama ko ang lungkot mo....want to share,I'm a good listener."paunlak ko sa kanya.
"Hindi ba ako nakakaistorbo sayo?"tanong niya....di pa rin siya nagbabago,siya pa rin si shai,ang babaeng bestfriend ko.
"Ofcourse not.halika maupo tayo."aya ko.naupo kami sa may parang sementong upuan at doon siya nagsimulang magkwento.
"Bestfriend ko since elementary kami."umpisa niya habang nakatingin sa phone ko dati."pinalayas siya ng mga magulang niya na ipinagpasalamat ko,dahil kahit papanu ay malaya na siya sa pang aapi ng mga ito.,pero taon na ang nakaraan at wala na akong balita pa sa kanya.miss ko na siya...."pagpapatuloy niya na maluha luha na,kaya hinawakan ko ang kamay niya."tinakot ako ng mga magulang niya na kapag tinulungan ko siya ay idadamay nila ang kabuhayan ng pamilya namin....pakiramdam ko ay ang sama kong kaibigan dahil di ko man lang siya natulungan,natakot ako noon na siyang pinagsisisihan ko ngayon.."doon ay tuluyan na itong umiyak.