Unang kabanata:
"Ang gwapo talaga ng anak ko."yan lagi ang bungad ni papa sa akin tuwing umaga.isang magaling at kilalang lawyer si papa.siya si atty. Genric del mundo.
"Naku,syempre mana sayo yan."sagot naman ni mama sa kanya.isang teacher naman si mama,graduated sa kilalang universidad dito sa maynila,cumlaude ng batch nila.maganda at sopistikada.Professor Merriam del mundo.
"Pa,ma...baka mamaya sa gwapo nitong bunso namin paglaki gwapo din ang gusto...masyado niyong bineybaby."singit naman ni kuya.thirdyear highschool.varsity yan and chickboy.gwapo kasi.yan si kuya Genmer del mundo.ang panganay namin.
"Hehe,di maganda,atleast dalawa na kaming babae,iipitan ko siya ng cute kong mga collection."singit din ni ate Genniam del mundo,sexy,maputi at habulin ng mga guys.
"Yan ang hindi mangyayari dahil wala sa lahi natin ang malambot na lalaki.kaya ikaw jr. Patunayan mo sa akin na iba ka.dahil ikaw ang magpapatuloy ng yapak ko."saad muli ni papa,si kuya kasi ay gustong kumuha ng engineer sa college,si at naman ay gustong maging teacher.kaya ako lawyer na lang daw.hay naku.
"Opo pa."tipid na sagot ko.
Ako po ang inyong lingkod si Genric del mundo jr. Grade 6 na ako ngayon at hindi alam ng pamilya ko ang pagiging bakla ko...oo sa murang edad ay alam ko na kung anu ako,tanggap ko na sa sarili ko na ito talaga ako,pero ito rin ang isang bagay na di ko magawang ipagsigawan sa mundo dahil sa takot ko sa pamilya.di ko alam kung paano o matatanggap ba ako ng pamilya ko.lalo na si papa at si kuya.siguro kay ate okay lang.actually alam kong alam na ito ni ate.di lang niya ako dinideretso.
"Sige na at ihahatid ko na kayo sa school."utos sa amin ni papa matapos namin mag almusal.
Sabay sabay na kaming lumabas ng bahay at nagpaalam kay mama.maya pa kasi ang unang klase niya.
"Sige na princess mauna ka na."wika ni ate ng buksan nito ang pinto ng kotse sa likuran.kaya napalingon sa amin si kuya at papa.
"Yam,wag mong ginaganyan yang kapatid mo.umayos ka ha."yam kasi palayaw ni ate,si kuya naman ay gem,at ako natural ang nakakasukang jr.pwede naman kasing si kuya na lang ang jr eh.mas feel ko yong gem na tawag sa akin.
"Joke lang naman pa."ngiti ni ate kay papa.
Pagdating namin sa school ay agad akong sinalubong ng isa sa mga kaklase kong lalaki.siya si jarred velasco.ang cute niya at siya ang ultimate crush ko.di rin niya alam na sirena ako.galing ko kayang magpanggap.siya lang naman tong malapit sa akin eh.aarte pa ba ako.hehe.
"Hi jarred,ilayo mo sa rambol yang anak ko ha.pero pag kailangan na upakan niyo agad."pagbibiro ni papa kay jarred.kilala naman na kasi nila si jarred.
"Okay po tito.kaya namin yan ni pareng jr."astiging sagot naman ni red kay papa.red tawag ko sa kanya.
"Gen!"sigaw muli ng isang batang babae kaya napalingon kami.wala naman ng ibang tumatawag sa akin ng gen maliban kay shai...kaibigan kong babae.at siya ang maituturing kong bestfriend ko maliban kay red.alam niya kasi lahat ng lihim ko as in LAHAT.
"Aba'y sino naman tong cute na binibining ito?"bungad ni ate kay shai ng makalapit ito sa kinaroroonan namin.
"Hello po,ako po si shai,classmate din po nila jarred at gen."magalang na sagot ni shai.
"Tss...tss..bata pa ang bunso namin pero mukhang habulin na ah."pang aasar ni kuya sa akin.
"Kuya naman,nakakahiya kay red at kay shai."sagot ko.
"Sus,sige na at pasok na kayo.alis na rin kami."sa kabilang school kasi sila ni ate.
Nagmano ako sa kanila at sabay sabay na kaming nanakbo nila red at shai.
"Alam mo pre,ang gwapo mo."biglang wika ni red habang nakaupo kami dito labas ng room namin.masyado pa kasing maaga.
"Pre bakla ka rin ba?"nabibiglang tanong ko.
"Rin?"kunot noong tanong niya."kasi may gusto yata sayo si shai,samantalang ako yung nagpapacute sa kanya."dagdag niya.
"Ay yun ba."sagot ko,ouch ha masakit yun ah.si shai pa ang bet niya.kainis naman kasi."alam mo pre bata pa tayo ni hindi pa nga natin kayang magcommute mag isa di ba.saka na yang love na yan."sagot ko.
"Sabagay....siya nga pala mamaya,laro tayo basketball."aya nito sa akin.
"Alam mo naman na mahina ang puso ko diba?bawal ako mapagod.mamamatay ako pre."ambabata pa namin pero kong maka pare wagas noh.hay kailan ko kaya masasabi sa kanya na bakla ako at gusto ko siya?
"Ay oo nga pala nakalimutan ko.saglit lang ha naiihi ako."paalam niya sa akin.
"Iihi ka,sama na lang ako,naiihi din ako eh."turan ko.hehe landi ko noh.
"Ah ganun ba,sige tara."aya niya.tatalikod na sana kami ng tawagin muli ni shai ang pangalan ko.
"Oh bakit shai?"tanong ko.
"Usap tayo sandali."wika nito.
"Magusap daw kayo...sige at naiihi na ako."agad ng nanakbo si red at naiwan kami ni shai.
"Panira ka talaga."agad kong sisi dito.
"Baliw,kaya ko ginawa yun para hindi ka mabuko...padalos dalos ka kasi minsan gen,paanu pag nabuko kaniya,di lagot kana.alam mo naman na bully yang si jarred."mahabang litantiya niya.
"Oo nga noh.pero alam mo best,mas may utak ka magpayo kahit elementarya pa lang tayo kaysa sa ate ko.hehe."hagikgik ko.
"Naku bakla,umayos ka dahil di ko naman kakayanin na may mangyari sayo na masama,alam mo naman na bestfriends tayo."wika niya muli,kaya nayakap ko siya,natouch ako eh.
"Salamat best."wika ko.
"Hay naku bakla,burger lang masaya na ako."sagot niya.
"Sabi ko na nga ba eh."wika ko.
"Joke lang bakla."tili niya kaya agad kong natakpan ang labi niya.siya pa yata magpapahamak sa akin eh.
"Sinong bakla?"napamulagat ang mata naming dalawa dahil sa batang nagsalita.si jarred.
"Ah red andiyan kana pala."wika ko.
"Ah kasi may grade 5 na dumaan kanina habang wala ka,nagpapacute dito kay gen."pagsisinungaling ni shai.
"Baliw,di ako bakla ah."wika ko naman.
Halos araw-araw ay ganun na lang ang ginagawa ko,ang magtago sa tunay kong anino.hanggang sa nakatapos kaming elementarya nina red at shai ay napagdesisyunan namin na sa iisang school ulit mag aral.
"Bes,ang tibay mo rin ah,walang nakakahalata sayo."bulong sa akin ni shai,first year highschool na kami at magkaklase parin kami.
"Syempre,sino ba naman ang hindi mapapaniwala sa pang artistahin kong acting ."sagot ko.
"Baliw ka talaga."natatawang sagot niya.
Ng magbell na ay inaya ako ni shai na sa canteen na kumain dahil lagi kami nagigipit sa oras pag sa labas pa.si red kasi ay ayon at naghahanap na naman yata ng mabubully.
"Ang sama talaga ng ugali ni red noh,lahat nalang yata pinagtitripan niya."saad ni shai habang kumakain kami sa canteen.
"Naku ganyan lang yata talaga yan."sagot ko.
"Hay naku,wag mong pagtakpan yang crush mo."pang aasar nito.
"Hoy!"nabitawan ko pa ang hawak kong kutsara dahil sa panggugulat ni red sa amin.napamura naman si shai.
"Wala ka talagang magawa."pagsusungit ni shai dito.
"Ang seryuso kasi ninyo,yong totoo,may relasyon kayo noh?"pangungulit ni red.
"Hindi kaya...alam mo naman..ikaw lang ang gusto ko."syempre bulong lang yung sa dulo.
"Anu yon pre?"tanong niya.nakangisi naman si shai.
"Wala,kumain ka na rin pre."sagot ko.
Hay,hanggang kailan kaya matatapos ang pagpapanggap na to.
#patago/palihim