Genric's pov;
Nagising ako kinaumagahan na parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.nakatulog na pala ako dahil sa sobrang kaiiyak kagabi.
Umupo ako at tumingin sa taong katabi ko na banayad paring natutulog.muli ay tumulo ang luha ko ng maalala ko ang nangyaring pag uusap namin ni jarred kagabi.
Dahan dahan akong bumaba mula sa kama,at nagtungo sa banyo upang makapag hilamos.tinitigan ko ang sarili ko sa salamin,namumugto ang aking mga mata.at doon ay muling tumulo ang luha.
"Bakla ka na nga,wala ka pang kwenta."pagkausap ko sa sarili sa salamin.
Pinagpatuloy ko na ang paghihilamos saka ako lumabas ng aking silid at nagtungo sa hapag.palapit pa lang ako ay dinig ko na ang kalansing ng kutsara at pinggan.doon ay naabutan ko si papa at ate na nag aalmusal.
"gising ka na pala,halika na at ng makakain ka na."pag aya sa akin ni papa.di naman umiimik si ate,alam kong may lihim na tampo yan sa akin.
"Sige po,magtitimpla lang ako ng kape pa."sagot ko,habang nagtitimpla."di pa po ba gising ang bata at si jarred?"tanong ko dahil lagi naman maaga gumigising ang mga yun.walang umimik sa kanila kaya pinagpatuloy ko na ang pagtitimpla.
"Maagang umalis ang mag ama."natigil ako sa paglalagay ng asukal sa kape ko at tumingin kay papa.
"pumasok na ba si jarred pa?ang aga naman,saka bakit di na lang niya iniwan si gin."turan ko.
"Doon na sila titira sa magulang niya anak.di na siya nagpaalam sayo,dahil nakapag paalam naman na daw siya kagabi."sagot ni papa.sa narinig ko ay nabitawan ko ang kutsarita namay lamang asukal na naglikha ng ingay sa kusina.
"B-bakit po?"utal na tanong ko.
"Wala naman siyang sinabi,basta ang bilin lang niya ay alagaan mo ang sarili mo."sagot muli ni paPa,nanginginig ang mga kamay na pinulot ko ang kutsara saka ko nilinisan ang nagkalat na asukal sa sahig.
"Okay ka lang ba anak?maupo ka rito,yam ikaw na magpatuloy sa ginagawa ng kapatid mo."utos ni papa kay ate,walang imik itong ginawa ang utos ni papa.
"Anu ba talaga ang nangyayari anak,bakit di mo sabihin sa amin.pamilya mo kami."tanong ni papa sa akin ng makaupo ako sa harap ng hapag.
Ngumiti ako upang pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko.
"Mas makakabuti na...na rin siguro yun pa,upang wag na siyang masaktan pa lalo."muli akong ngumiti saka humawak sa kamay ni papa."okay lang ako pa,wag na kayong mag alala,masaya na ako sa piling ni alfred."pagsisinungaling ko.
"Masaya pero halos singkit na ang mata mo kakaiyak?bat ba kasi sinasarili mo?umpisa pa lang may mali na eh,paanu ka namin matutulungan kung ganyan ka."singit na ni ate sa usapan.
"Ate,kilala mo naman ako di ba?kung may problema ako di sana kanina pa ako umiyak sa harapan mo.ikaw kaya sumbungan ko dati pa."pagpapagaan ko sa usapan.
"Pero bakit nagbago gen?bakit naglilihim ka na ngayon?"tanong muli ni ate.
"Ate wala akong nililihim."sagot ko.
"Fine!bahala kang malugmok diyan."pagsuko ni ate at tumayo na."pa alis na ako.may mga tatapusin pa ako sa school."paalam nito kay papa.parang di ako makahinga sa sakit nanaramdaman ko.pero natatakot ako na baka pag nagsabi ako sa kanila ay may mapahamak.mas okay na ng ganito,kaya kung magsakripisyo...para sa kanila.
"Anak..."tawag pansin sa akin ni papa pero di na nito natuloy ang sasabihin ng dumating si alfred at halatang kakagising lang nito.
"Goodmorning pa,goodmorning honey."bati nito at humalik pa sa pisngi ko.