46

2.2K 95 1
                                    

Genric's pov;

"Teka,wala sa usapan natin ang anak ko."nahihintakutang turan ni almerna pero parang di siya naririnig ni alfred.

"hindi ako natatakot sayo."pagtatapang tapangan ko.

"Tapang naman,mukhang di ka naniniwala sa kaya kong gawin."nilabas nito ang hawak na baril at hinimas himas pa nito baril.

"Ako na lang,wag ka ng mandamay."turan ko pa.

"Teka,ayoko namang mawalan ng minamahal...bunos ka nalang sa kumpanyang nais ko."sagot nito.

"Teka,anu ba....alfred,wag mong isali ang anak ko rito."singit muli ni almerna.

"Manahimik ka!di ba sinabi kong manahimik ka lang!"sigaw rito ni alfred.

"Pero alfred,walang kinalaman ang anak ko rito."patuloY napagpigil ni almerna.

"Alam mo makulit ka talaga eh,alam mo bang rinding rindi na ako sayo dati pa,nagtiis lang ako dahil makakatulong ka sa plano ko,pero ngayon tapos na ang trabaho mo."nanginginig na ang katawan ko dahil habang nagsasalita si alfred ay itinutok pa nito ang hawak na baril kay almerna.

"Baka makalabit mo yan alfred,magkakampi tayo rito."turan ni almerna.

"Pasensiya ka na pero di ako marunong makinig eh,saka salamat pala sa tulong."pagkasabi noon ay umalingawngaw ang putok ng baril kasabay ng pagbagsak ni almerna.

"Almerna!"sigaw ko."nababaliw ka na alfred."baling ko naman kay alfred.

"Oo baliw na ako,ngayon ikaw naman ang pakikiusapan nitong baril ko."baling din nito sa akin.di ko magawang gumalaw dito sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

"Wag alfred,maghunos dili kA."pagmamakaawa ko rito.

"Shhh,wag kang umiyak,di naman kita sasaktan eh,basta makikinig ka kay baby mo okay."turan nito,tumango lang ako habang hinahaplos nito ang mukha ko.

Nilabas nito ang cellphone nito."Tawagan mo ang kahit na sino sa pamilya mo,sabihin mong wag ka nang hanapin at nasa mabuting kamay ka,sabihin mo ring uuwi kA rin."utos nito sa Kin.

Nanginginig ang kamay na dinial ko ang number ni jarred.

Phone convo

"Hello,sino to?"boses ni jarred.

Tumingin muna ako kay alfred at pinanlisikan ako nito ng mata.

"I-I'm okay,ahm....sabihin mo kila papa,okay lang ako,ahmm.....uuwi rin ako diyan,may inaasikaso lang ako."pagsunod ko sa utos ni alfred.

"Asan ka ba talaga,susunduin kita."

"Wag na uuwi rin ako okay."sagot ko.

"Si almerna,siya yung nananakot sa atin,at kung makita mo siya ay umiwas ka na agad,nababaliw na ang babaeng yun."dama ko ang takot sa boses ni jarred."nagsumbong na ako sa mga pulis at sa mga oras na ito ay hinahanap ang babaeng yun."dagdag pa niya

"I'm okay,kaya ko sarili ko."sagot ko lang.

"Nasaan ka na ba kasi."inis ng tanong nito.

"Ah,ibaba ko na to,uuwi rin ako okay."turan ko ng senyasan ako ni alfred na ibaba ko na ang tawag.

"Madali ka palang kausap eh.at ngayon naman,susunod ka sa lahat ng iuutos ko sayo.at wag na wag kang magkakamali dahil kaya kong ubusin ang mga taong mahal mo.naiintindihan mo ba?"pananakot nito sa akin.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo alfred,pakiusap ko lang na wag ka ng mandamay."pakiusap ko rito.

"Depende Sa ikikilos mo.kung susunod ka,buhay sila,pag nagkamali ka,sorry sila."tumango ako sa tinuran niya upang di na madamay ang pamilya ko.

"Ngayon,sasabayan mo akong kumain,at bukas ay uuwi tayo sa inyo,sa bahay ninyo....at syempre kasama mo ako,dahil doon na ako titira sa inyo bilang kasintahan mo."di ako naka imik sa tinuran nito.natatakot kasi ako,natatakot akong masaktan si jarred at pati na rin si gin.ayoko silang saktan,pero gagawin ko naman ito para sa kaligtasan nila.

"Oo,kung yan ang gusto mo."

Jarred's pov;

Bakit ganun,kahit tumawag na si genric at sabibin nitong okay lang siya ay ramdam ko ang takot niya.

"Asan na daw siya?"tanong ni tito,nandito na kasi ako sa bahay sa pagbabakasakaling nauna ng ng umuwi sa akin si genric.

"Di niya sinabi pa,pero okay lang naman daw siya."sagot ko rito.

"Ang lakas ng kaba ko ijo.pero sana ay okay talaga siya."turan pa ni tito

"Why dont we call the police again para sa safety ng kapatid ko,"suhestiyon ni ate yam.

"Sige ate."sagot ko.

"Daddy,matagal pa ba si papa?I miss him na."naiiyak na tanong ng anak ko sa akin.

"He will be back soon baby,may inaasikaso lang siya okay?"sagot ko rito.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakatulog na kami lahat lahat,pero walang genric na umuwi,nasaan na ba siya,sobra na ang kabang nararamdaman ko.pagtingin ko sa aking orasan ay 15 minutos na lang at alas 10 na ng umaga.lahit mabigat ang katawan at antok pa ang mga mata dahil sa puyat kakahintay ko sa kanya kagabi ay bumangon na ako.

"Daddy,wala pa si papa."malungkot na bungad sa akin ng anak ko.

"Ayaw kumain jarred,hinahanap si genric."turan naman ni ate yam na nagpapakain kay gin.

"Sige ate,ako na lang."naupo ako sa katabing upuan ni gin."kain ka na ha,para pagdating ni papa,masigla ka na ulit,magagalit yun pag nalaman niyang di ka kumain sige ka."pagpapaamo ko rito.kumain naman ito at nakinig sa sinabi ko.
.
.
.
.
.
.
"Pa,hahanapin ko siya."turan ko dahil ang lakas na talaga ng kaba ko.

"Sige ijo,mag iingat ka."sagot ni papa.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may kumatok kaya tinuloy ko na ang pagbubukas rito.at laking tuwa ko ng tumambad sa harapan ko si genric.

"Babe,thank you at okay ka."masayang turan ko at niyakap ko siya,pero laking pagtataka ko ng di man lang ito gumanti ng yakap sa akin.at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya."babe are you okay?"tanong ko pa rito.

"I'm okay jarred."walang buhay na sagot nito sabay tanggal ng mga kamay ko na nakahawak sa balikat niya.

"Honey,pasensiya na pinark ko pa kasi yung sasakyan."biglang litaw ni alfred.and what did he say?honey?si genric?

"Anong ibig."di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng sumingit na muli si alfred.

"Lets go inside honey,alam kong pagod ka pa."nakangisi pa ang gago habang sinasabi ang mga yun.

lalagpasan na nila ako ng hawakan ko muli sa kamay si genric.pero muli nitong tinanggal ang hawak sa akin.

"Sorry jarred,but I fell out of love with you,a-alfred is my new boyfriend now."doon ay kumawala ang luha sa mata ko.wala na akong paki alam kong makita pa ng gagong alfred na to na umiiyak ako.

BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon