Glams pov;
"A-anu bang pinag-sasasabi mo?"kinakabahang tanong ko sa kanya.
"I know everything about you genric,so wag ka ng magpanggap pa."kalmadong sagot niya sa akin.
I composed my self then face him.
"Then,okay...what if ako nga si genric?does it change everything?"medyo may tapang ng tanong.
"Alam ko na marami akong naga..."
"Stop it! I dont wanna go back to the past again."saway ko rito saka mabilis kung ini-scan ang card sa pinto.ng bumukas ito ay nagmadali akong pumasok ngunit mabilis din siyang kumilos at iniharang ang kanyang mga kamay upang di ko yun maisara.naitulak niya ang pinto dahil mas malakas naman talaga siza akin.anu bang laban ko sa malaki nitong katawan.
"Anu bang problema mo?"inis na turan ko rito at iniwan ko siya roon...nagtungo ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig.
"Genric,please talk to me."sumamo niya.
"I...am...not...genric!,my name is glam...glam!malinaw ba yun sayo?"galit ko ng sagot dito....
"Glam or genric or jr. Or whatever...ang importante sa akin ngayon ay ang nagbalik ka....nais kong humingi sayo ng kapatawaran,pero alam kong di yun basta basta,malaki ang naging..."
"Buti alam mo,dahil kahit dumugo pa yang tuhod mo kakaluhod sa harapan ko,kahit mawala lahat ng tubig diyan sa katawan kakaiyak,kahit maubusan ka pa ng laway kakasabi ng sorry ay wala ng mababago!"nameywang ako sa harapan niya."ikaw sampu ng mga del mundo ay pagbabayarin ko.tandaan mo yan."gigil na turan ko.
"Ako ang may kasalanan sayo glam,kayat ako na lang.mahal ka ng mga magulang mo at kailangan ka nila ngayon....ikaw lang ang maaring makatulong sa kanila ngayon....mabuti silang tao glam....mab.."
"Mabuti!kelan pa?haha..nagpapatawa ka ba?kung mabuti sila marahil sayo lang!dahil itinuring nila akong basahan...basura...at ang pinakamasakit ay ang pinatay nila ako at tuluyang tinuldukan ang relasyon sa pagitan namin."di ko hinayaang lumuha sa harapan niya...immune na ako sa sakit.
"Gen..."tawag niya sa pangalan ko.
"No!...this is me now jarred....binalot niyo ng napaka-kapal na bakal ang puso ko at tuluyan na itong namanhid hanggang sa hindi ko na maramdaman ang maawa sa mga taong nagkasala sa akin....titigan mo ako.,"tinitgan ko siya ng sagad sa kanyang kalooban,ngunit nanatili siyang nakayuko."titigan mo ako!"bulyaw ko rito.at dahan dahan ay nagtama ang mga mata namin."tandaan mong mabuti ang mukhang ito,dahil sisiguraduhin kong ipaparamdam ko sa inyo ang lahat ng sakit na naramdaman ko sa mga kamay ninyo....patawarin sana ako ng maykapal dahil isinanla ko na ang kaluluwa ko sa demonyo....wala ng kwenta ang buhay ko jarred,dahil simula noong araw na yun,pinatay niyo na ako!"kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata,pero gaya ng sabi ko ay wala ng kwenta pa yun.
"Patawad.....patawad gen...I love you."yumuko siya muli at napadapa na sa sahig at tuluyan na siyang humagulgol.
"Kung wala ka ng sasabihin ay maari ka ng umalis...."tumalikod na ako sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa silid ko.doon ko pinakawalan ang sakit na nararamdaman ko.
Sinampal ko ang sarili ko dahil naiinis ako sa mga luhang naglalandas sa pisngi ko....ayuko ng umiyak pa....sawang sawa na ako.
"Ahhhhhhhhh.....mga wala kayong kwentaaaaa.!!!!"sigaw ko upang mabawasan ang galit na nararamdaman ko.
Jarred's pov.
Galit siya...yun ang alam ko....inaasahan ko naman na,na mangyayari to,pero ang sakit pala...sobra.sana noon pa noong gabing hinalikan niya ako ay inamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya.at sakali mang itakwil siya ng mga magulang niya ay ako ang naroon sa tabi niya upang tulingan siyang bumangon.pero hindi eh,dahil sa katangahan ko kaya nangyari lahat ng ito.
"Ahhhhhhhhhh......mga wala kayong kwentaaaaa........"dinig kong sigaw niya sa loob ng silid niya.
Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang muna siya ngayon...sana dumating yung araw na mapatawad na niya ako.
Tinawagan ko si sir winston na kailangan siya ni glam ngayon...siya lang siguro ang maaring magpakalma kay glam sa mga oras na ito...sinabi ko sa kanya na ako na pang muna ang bahala sa mga aayusin sa gallery.
Hinintay ko na muna siya dito sa loob ng silid nila bago ko iwan si glam dahil baka kung anu ang gawin niya.
"What happen?"agad bungad sa akin ni winston.yumuko lang ako dahil di ko alam kung anu ang isasagot ko.
"Where is glam?"tanong nito muli.tinignan ko ang pinto ng silid na glam at marahil ay nakuha agad nito na doon naroon si glam.kumatok ito sa pinto na agad namang binuksan ni glam.
Masakit sa aking makita na ganoon na kalalim ang samahan nila.may tiwala soya kay winston at ito lang ang bukod tanging nakakapagpakalma sa kanya at nakakapagpangiti ng totoo sa mganda nitong mukha.
Nakayuko akong nilisan ang lugar.naiinis ako sa sarili ko.dapat ay ako ang nakakaramdam ng nararamdaman niya ngayon,dahil ako ang totoong walang kwenta...paglabas ko ng silid nila ay sinuntok ang pader dahilan upang magdugo ang mga kamao ko.
Napaluhod pa ako at doon ko iniyak,wala na akong pakialam kung may makakita sa akin...
"Sana ay magawa mo pa akong patawarin mahal ko....tanggap ko na sa sarili ko na ikaw lang talaga ang mahal ko,at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mapatawad mo lang ako ...di ako susuko tandaan mo yan..."mga katagang binitawan ko bago ko tuluyang nilisan ang lugar
Back to glam
"Shhhh....please baby dont cry."alo sa akin ni win ng pagbuksan ko siya ng pinto.
"He already know who I am win,and its hurt for me to say those words to him,but I dont have a choice,I am who I am right now because of them."
"You know what...I cant take this anymore....I'm hurt seeing you like this baby...broken."seryusong turan nito."where goin back to italy as early as possible."dugtong niya saka ako niyakap.
"But what about the concert,what about the project?"tanong ko rito.
"I'll call someone who will handle this."sagot niya.
"Sorry baby,but I cant leave now."
"But..."iniharang ko sa labi niya ang hintuturo ko.
"I promised I'll be more stronger... and this will be the last time you'll see me crying."turan ko saka dahan dahang lumapit ako at unti unting naglapat ang aming mga labi.