"Umusod ka! Uupo ako!"
Napatingin ako sa binatang nakatayo sa harapan ko. Sa tingin ko ay labing pito o labing walong taong gulang palang ito.
Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. Maputi. Mapupula ang mga labi. Matangkad ngunit may kapayatan ito. Gwapo ngunit halatang pasaway ito.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Umusod ka na! Uupo na po ako manong." Walang prenong sabi nito.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Sino ba siya sa inaakala niya? At isa pa gusto ko mapag-isa. Gustong-gusto.
Kakalabas pa lang ni Rhett sa eroplanong 'to. Kakalabas pa lang ng lalaking matagal ko nang minamahal. Nang lalaking akala ko ako ang pipiliin.
"Alam ko brokenhearted ka. But please manong gusto ko na pong umupo bago tuluyang lumipad ang eroplanong 'to." Naiinis na sabi nito.
"Who do you think you are?" Naiiritang tanong ko. "And oh! Are you blind?" Nakangising tanong ko ulit. Hindi ba niya napapansin ang loob ng eroplano? Tssk tssk!
Napatingin sa paligid ang binata saka ngumiti sa akin.
"Alam ko pong tayo lang dalawa ang narito sa loob. Pero first time ko pa lang po makasakay ng eroplano. Natatakot ako. Gusto ko may makatabi." Nagpapacute na sabi nito.
Napailing nalang ako saka sinigawan siya "Out!"
Pero parang wala lang sa kanya ang pagsigaw ko.
"Hindi lahat nang happy ending nagsisimula rin sa happy beginning.
Malay mo yang sad ending na yan sa buhay mo ay maging daan para magkaroon ka nang happy ending." Sabi niya sabay pilit upo sa tabi ko.
Wala akong ibang nagawa kundi sundan siya nang tingin.
"Hindi lahat nang happy ending nagsisimula rin sa happy beginning.
Malay mo yang sad ending na yan sa buhay mo ay maging daan para magkaroon ka nang happy ending."
Sabi na naman nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
Isang ngiting inosente. Isang ngiting nagpapaalala sa akin kay Rhett.
Shit! Gusto kong bumaba ng eroplano para habulin siya. Pero alam ko na kahit habang buhay ko siyang habulin at kahit habang buhay ko siyang hintayin kung hindi naman ako ang nasa puso niya....
habang buhay din akong maghihintay sa wala.
"Nasusuka ako." Mahinang sabi ng katabi ko.
Tumingin ako sa kanya. Namumutla at mukhang takot siya. Mga kalahating oras na mula nang lumipad ang eroplano. Napailing ako. Ang napaka inosente niyang mukha ay nababalutan nang takot. Nakikita ko sa kanya si Rhett.
Tatayo na sana ako para lumipat ng upuan ng bigla niya akong hawakan sa kamay.
"H'wag mo akong iwan please." Paos na sabi nito. "N-natatakot ako."
Napatingin ako sa kamay niyang nanginginig na nakahawak sa akin. Napatingin din ako sa mga mata niya. Ang mga mata niyang nakikiusap. Ang mga mata niyang may pagka singkit. Ang mga mata niyang may luhang namumuo.
Napatingin ako sa labi niyang nanginginig din. Ang mapupula niyang labi na kay sarap halikan.
Shit!
"D-dito ka lang.." Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. "Natatakot ako.."
Ang mga mata niyang nakikiusap sa akin ay humahaplos sa puso ko.
Hinawakan ko ang kamay niya. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at saka bumulong.
"Nandito lang ako." Hinawakan ko ang ulo niya at isinandal sa dibdib ko. "Hindi kita iiwan."
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga salitang yun. Ang alam ko lang kailangan ko siyang pakalmahin. Kailangan kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako. Na hindi siya nag-iisa.
Napansin ko ang paghinto nang panginginig niya. Naaamoy ko ang mabango niyang buhok. Parang may sariling pag iisip ang aking mga kamay dahil kusa itong humaplos sa buhok niya. Naririnig ko ang mahinang paghilik niya. Halatang nakatulog na ito sa dibdib ko.
"Wag mo akong iiwan..."
Hindi ko alam kung tulog ba ito na nagsasalita o gising ito. At mas lalong hindi ko alam kung bakit sumagot pa ako sa kanya.
"Hindi kita iiwan..."
----------------