Unedited. Enjoy!
---------
"Hi, Sweetheart, Tatlong buwan ka nang nakahiga sa hospital bed na ito, hindi ka ba napapagod? Tatlong buwan nang nakapikit ang iyong mga mata. Sweetie, gising na oh. Gusto ko nang makita ang 'yong mga mata, gusto ko nang masilayan ang 'yong magagandang ngiti, gusto ko nang marinig ang maskulado mong boses, gusto ko nang mayakap mo nang napakahigpit at higit sa lahat gusto ko nang mahalikan mo."
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi naman ako napapagod na araw-araw nandito sa hospital at binabantayan siya. Hindi ako mapapagod. Pero sabik na sabik na akong magising siya. Hindi na ako makapaghintay sa araw na mayakap niya ako ulit ng napakahigpit.
Ang sabi ng doktor 50-50 ang pag-asa niyang magising. Posibleng magising siya para mabuhay o posibleng magising siya para tuluyan nang mawalan ng buhay. Andaming nakakabit sa kanya na mga aparatus na hindi ko maintindihan. Nahihirapan akong makita siya sa ganyang kalagayan. Alam kong nahihirapan na rin siya pero mas alam ko na kinakaya niya dahil sa akin. Lumalaban siya dahil sa akin.
Bakit siya pa? Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ako yung naaksidente? Bakit hindi nalang ako ang nasa kalagayan niya?
"Sweetie, hindi pa pala tayo nagda-date? Andami ko nang gustong gawin sa paggising mo. Una na doon ang magpropose sa'yo. Gising na oh, magpakasal na tayo. Hindi na ako aalis, hindi na kita iiwan at hindi na kita pakakawalan. Akin ka lang. Hindi na ako magpapatanga para lumayo na naman. Sweetie, Silk, Pedro ko... I really miss you. I miss our sweet conversations no'ng mga panahong ako pa yung Juan mo. I miss your sweet actions. I miss your kisses that makes me high. I miss your sweet tight hug. I miss everything about you. Nandito ka nga sa harapan ko pero natutulog ka naman, pero okay na rin yun atleast nakikita kita. Pero sweetie, gumising ka pa rin ha?.
Wag kang mag-alala, di naman kita pinipilit na gumising ka ngayon, maghihintay ako sweetie, kahit gaano katagal. Hindi ako napapagod o mapapagod na bantayan at alagaan ka. Di ako mapapagod na tabihan ka dito gabi-gabi. Mahal na mahal kita."
Hinalikan ko ang kamay niya na hawak ko. Basa na rin pala yun ng aking mga luha. Tiningnan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Napakagwapo talaga ng lalaking 'to. Hindi ako nagsasawang titigan siya. Hinalikan ko siya sa noo.
"Sweetie, ang gwapo mo. Nakakaadik titigan ang mukha mo." Hinaplos ko ang kabuuan ng kanyang mukha. "Thank you for loving me. Thank you for the unconditional love. Andami mong isinakripisyo para sa akin pero hindi ko man lang yun napansin. Hindi ko man lang yun binigyan halaga. Sorry kung humantong tayo sa ganito ha? dahil sa katangahan ko. Alam ko hindi pa huli ang lahat. Gigising ka at sisingilin mo ako diba? Kailangan mong gumising dahil kailangan kong makabawi sayo. Kung hindi ka magigising, sige ka susundan kita." Hindi ko maiwasang mapangiti, naririnig niya kaya yung pananakot ko?
"Let me pay you with my love, sweetie. Let me love you for the rest of your life. Let me be your partner in crime. Let me the one who take care of you when your sick. Let me be the one who hug you tight when your cold. Let me hold your hand in every step we take. Let me be the one who greet you 'Good morning' and 'Good night' every morning and every night. Let me kiss you every morning even if we have our morning breath. Let me kiss you every night at sabihin sayo na 'isang araw na naman ang nagdaan at magkasama pa rin tayo at magkatabi pa rin sa kamang 'to'. Let me be your husband for the rest of your life, sweetheart, Silk, Pedro ko. Hayaan mo akong pakasalan ka at habang buhay kang paglingkuran. Ang gisingin ka sa umaga at sabay nating salubungin ang pag sikat ng araw at sabay din nating pagmamasdan ang pag lubog nito. Hayaan mo akong gawin ang mga bagay na'to habang nabubuhay tayo"
Sunod-sunod na ang pagtulo ng aking mga luha. Oo hindi ako napapagod na maghintay na magising siya pero nawawalan na ako ng pag-asa. Naitatanong ko na rin sa sarili ko kung magigising pa kaya siya? Pero hindi ako dapat sumuko. Hindi nga niya ako sinukuan. Kaya wala akong karapatan na sumuko.
![](https://img.wattpad.com/cover/55267918-288-k42768.jpg)