Twelve

4.1K 194 19
                                    

"Anong nangyayari?"

Ang nakangiting tanong ng babae. Humakbang siyang palapit sa amin. Tiningnan niya ako. Tinitigan niya ako at biglang kumunot ang kanyang noo.

"You look familiar. Nagkita na ba tayo dati?" Ang nakangiti niya pa ring tanong. Umiling ako. Alam ko na ito palang ang unang pagkikita namin. "Ganon ba. Baka kamukha mo lang. Hmm, kumain ka na ba?" Sasagot sana ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa kusina. Nagtataka akong napatingin kay Silk. Pati rin siya ay nagtataka sa ikinikilos ng babae. "Umupo ka dyan." Pina upo niya ako at naghanda siya ng pagkain. Pagkatapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ay umupo siya sa harapan ko at nakangiting nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang at makaramdam ng guilt dahil sa kabaitang ipinapakita niya. "Kumain ka na." Ang nakangiti niya pa ring sabi. Tumango nalang ako at kumain kahit na naiilang pa rin ako. "Gusto kitang yakapin." Bigla akong napatigil sa pagkain at napatingin sa napakaganda niyang mukha. Napatingin din ako kay Silk na kasalukuyang nakatayo sa tagiliran niya. Halata rin sa mukha nito ang pagka bigla at pagtataka. "Hahaha! ang cute-cute mo. Ilang taon kana?"

"Se-seventeen.." Ang mahinang sagot ko.

"May kamukha ka talaga." Bigla siyang napahawak sa ulo niya at sumigaw "Ahhh--ahh" Dali-dali naman siyang inalalayan ni Silk. Napatayo ako dahil sa gulat pero hindi naman ako makakilos. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Nakahawak lang siya sa kanyang ulo at patuloy na sumisigaw.

"Kumuha ka ng tubig. Kunin mo rin yung gamot niya na nasa kwarto. Nasa kama lang yun."

Dali-dali ko naman sinunod si Silk. Patakbo akong pumunta sa kwarto. Agad ko naman nakita yung gamot. Hindi ko man alam kung ano ang nangyayari sa babae pero naaawa ako sa kanya. Pagbaba ko ng hagdan, agad ko silang nakita sa sofa. Mahinahon na ang babae habang nakayakap siya kay Silk. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso. Nagseselos ba ako? Siguro. Oo, nagseselos ako. Lumapit ako sa kanila at binigay ko kay Silk ang gamot.

"K-kumusta na siya?"

"Okay na siya. Magpahinga ka na."

"Ililigpit ko lang yung pinagkainan ko." Hinawakan ko sa kamay si Silk at tumitig sa kanyang mga mata. "Magiging okay din siya." Ngumiti ako. Pagkatapos ay pumunta na ako ng kusina.

**

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang tungkol sa amin ni Silk. Ilang beses din akong nagigising dahil sa masamang panaginip ko. Napapanaginipan ko na naman yung mga masamang nangyari sa akin sa Manila. Muli na naman akong binabalikan ng mga ala-alang yun. Mga ala-alang pinilit kung kalimutan dahil sa tulong ni Silk. Pero ngayon na hindi ko siya nakatabi matulog. Ngayon na pakiramdam ko nag-iisa nalang ako. Binabalikan na naman nila ako. Sa paniginip ko pinipilit nila akong kunin. At ilang ulit nila akong inaangkin.

Alam ko naman na mahal ako ni Silk. Ramdam ko naman yun. Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Alam ko marami na ang magbabago. May kahati na ako sa kanya. Hindi, dahil pakiramdam ko ako yung nakikihati. Ako yung nang agaw. Hindi ko alam kung sino sa amin ang nauna, pero mukhang ako yata yung pangalawa.

Nagising ako ng maramdaman kong may humahawi sa buhok ko at may humahaplos sa'king mukha. Pagdilat ko ng mga mata ang malungkot na mukha ni Silk ang aking nakita. Ngumiti siya sa akin ng pilit ng mapansin niyang gising na ako.

"K-kanina ka pa ba? Pasensiya na kung ngayon lang ako nagising. Kumain ka na ba? Sandali lang, magluluto ako." Babangon na sana ako pero bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit kaya napahiga ako ulit habang nakayakap siya sa akin.

"Kumain na ako." Ang mahina niyang sabi habang nasa leeg ko pa rin ang mukha niya.

Tama, bakit ko ba nakalimutan na may iba na palang mag aalaga sa kanya. Na may babae na palang araw-araw ipaghahanda siya ng almusal. Ipagtitimpla siya ng kape. Na may mag aasikaso na sa kanya. Maghahanda ng damit niya sa t'wing pupunta siya sa opisina. Bakit ko ba nakalimutan na may pumalit na pala sa akin? Bakit ko ba nakalimutan na wala na pala akong lugar sa bahay na 'to.. Sa buhay niya.

Napahikbi ako. Hindi ko mapigilang maiyak sa mga naisip ko. Ano na ang gagawin ko? Paano kung papaalisin na niya ako? Sa'n ako pupunta? Makakaya ko bang mag-isa kung nasanay na ako sa tabi niya?

"Sorry.." Tumitig siya sa'king mga mata at pinunasan ang aking luha. "Sorry.. Kung dito ka natulog. Sorry kung hindi kita natabihan. Sorry kung nasasaktan kita. Sorry.. Sorry, alam kung binabangungot ka pero wal-" Pinigilan ko ng daliri ko ang mga sasabihin pa sana niya.

"Ssshhh.. Kailangan kung masanay na hindi na kita makakatabi tuwing gabi. Alam ko mahirap kasi nasanay na ako na nandyan ka lang sa tabi ko. Na sa t'wing binabangungot ako, nandyan ka para gisingin ako. Halikan at pinapawi mo yung takot na nararamdaman ko. Masasanay din ako... Masasanay din ako.." Unti-unti na naman tumulo yung luha ko. "Sabihin mo lang sa akin--sabihin mo lang sa akin kung kailangan ko ng.. umalis dahil aal-"

Bigla niya akong hinalikan sa labi. Halik na may halong galit. Halos hindi na nga ako makahinga.

"Hindi ka aalis! Hindi mo ako iiwan! Sa ngayon hindi ko pa masabi sa'yo ang mga dahilan kung bakit nangyayari 'to. Pero darating din tayo dyan, magtiwala ka lang sa akin." Ang seryoso niyang sabi. Itinulak ko siya at bumangon ako. Tumingin ako sa kanyang mga mata.

"May tiwala naman ako sa'yo. Nagtitiwala naman ako eh! Pero masisisi mo ba ako kung nakakaramdam na ako ng takot. Takot na baka ayaw mo na sa akin, na baka paalisin mo na ako. Masisisi mo ba ako kung nakakaramdam na ako ng pagdududa dahil pati tunay mong pangalan di ko alam! Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw lang pala ang taong hinahanap ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin na yung Silk na inakala kong pangalan ng ama ko ay hindi pala totoo! Sana sinabi mo nalang sa akin na kahit anong gawin ko hindi ko matatagpuan ang aking ama! Alam mo ba kung anong tumatakbo ngayon sa isip ko? Sinasabi na nito na katulad ka rin ng iba. Papaniwalain ako, Sasabihing tutulungan ako pero sa huli 'tong katawan ko lang pala ang habol. Natatakot na ako! Natatakot na ako Pedro, ay hindi, Silk! Natatakot na ako sa mga nangyayari. Natatakot na ako kasi sobrang mahal na mahal kita. Mahal na mahal na kita."

Hinila niya ako at niyakap ng pagkahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Patuloy pa rin ako sa pag iyak at sinusuntok-suntok ko ang dibdib niya na para bang sa ganong paraan nailalabas ko ang sakit na nararandaman ko.

"Sobrang mahal din kita. Mahal na mahal kaya ko 'to ginagawa." Pinakawalan niya ako at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tumitig siya sa'king mga mata. "Mahal kita. Sa t'wing nagdududa ka at natatakot lagi mong isipin na mahal kita. Mahal na mahal. Lagi mong iisipin na ginagawa ko 'to dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Maaring nagsinungaling ako sa totoo kong pangalan pero kung ano yung ipinapakita ko sa'yo at kung gaano kita kamahal, lahat yun totoo."

Hinalikan niya ako sa labi kaya napapikit nalang ako. May pag iingat na ang halik niya ngayon. Namimiss ko na rin ang mga labi niya. Tumugon ako sa halik niya ngunit naitulak ko siya ng konti ng may naalala ako.

"Sandali, baka makita tayo ni-?"

"Dianna.. Wala siya may pinuntahan. Makikipagkita raw sa kaibigan niya. Hindi na nga ako pumasok sa opisina para makasama ka. Namimiss na kita. Namimiss ko na yung halik mo. Yung yakap mo." Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko. Tumayo ang mga balahibo ko sa huling mga salitang sinabi niya. "Namimiss ko na rin ang mga ungol mo." Sabi niya sabay kagat sa'king tenga.

-----

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon