Chapter 6

5.8K 244 26
                                    

"Ma, meet Juan.

My Boyfriend."

Nanlaki ang aking mga matang tumingin sa kapatid ko. Kanina lang nagtatanong siya kay Juan kung pwede ba siya manligaw tapos ngayon--what the fuck! Boyfriend na niya agad?

Napatingin ako kay Juan nang maramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Nakita ko rin ang pagkabigla sa kanyang mga mata.

Nalilito ako!

Alam ko bago palang kami nagkakilala. Pero may kung ano sa pagkatao ko na gusto siyang angkinin. Gusto ko akin lang siya. Gusto ko ako lang ang nasa tabi niya.

Shit! Ano bang nangyayari sa akin?

"P-pedro?" Mahinang bulong niya.

Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkalito. Ningitian ko siya saka inakbayan. Lumunok muna ako at huminga nang malalim bago humarap kina mama at sa kapatid ko.

"Hindi mo siya pweding ligawan..

Hindi mo siya pweding maging boyfriend..

dahil..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
---

***

Kanina pa kami naghuhulihan ng tingin pero sat'wing nagtatama ang mga mata namin ay sabay din kaming nag-iiwasan.

Shit! Bakit ba kasi yun ang sinabi ko? Bakit ba kasi kailangan kong protektahan ang binatilyong 'to?

Pakiramdam ko tuloy nagmumukha akong sugar daddy niya! NINE YEARS ang gap namin. 17 years old palang siya samantalang 26 naman ako. Wala pa siya sa tamang edad.

"Are you two really a hmmp--you know--alam niyo na?"

Napansin ko ang pamumula ng pisngi ni mama. Pati siya parang hindi makapaniwala sa nasabi ko kanina. Nahihirapan nga siyang buuin ang tanong niya.

"Mukhang babae nga naman ang batang 'to. P-pero alam mo na anak na lalaki ka..lalaki kayo pareho kaya..alam niyo na..."

Paano niya ba naman mabubuo ang tanong niya kung hindi naman niya alam na bakla ako. Kung hindi naman niya alam na ang panganay niyang anak na lalaki--ang taga pagmana ng mga negosyo nila--ang inaasahan nilang papalit kay papa sa pagiging politician ay isang bakla.

Paano nga ba naman nila malalaman kung hindi naman talaga ako sa kanila lumaki.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Kailangan kong panindigan ang mga nasabi ko. And I think it is the right time to let them know na ang panganay nilang anak--ang inaasahan nilang magbibigay ng taga pagmana sa kanila ay katulad din ng bunso nilang anak--isang bakla!

"Hindi mo siya pweding ligawan..

Hindi mo siya pweding maging boyfriend..

dahil..

His already mine..

His my fiancee!

Shit! Saan ko ba nakuha ang mga salitang yun.

Magsasalita na sana ako ng biglang tumayo si Juan at malungkot na tumingin sa akin.

"I-im sorry.."

Pagkasabi niya ay agad siyang nagmamadaling umalis.

Tumingin lang ako kay mama at sa kapatid ko saka nagmamadaling sinundan si Juan.

Hindi ko alam kung bakit natataranta at natatakot ako. Ang alam ko lang ayaw ko siyang mapahamak kaya sinundan ko siya agad habang hindi pa siya nakakalabas ng mansiyon. Hindi siya taga dito. Wala siyang kakilala dito. At yung taong hinahanap niya. Yung pangalan ng taong hinahanap niya ng taong akala niya ay ama niya ay ako! Kaya hindi ko siya pweding pabayaan.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon