"What are you doing?"
Napakunot nalang ang aking noo habang sinusundan ng tingin si Juan. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon ko. Magagalit ba ako kasi ang kalat ng kusina. Nagkalat ang balat ng mga gulay, may basag din na baso. O, matatawa dahil nakasuot siya ng helmet habang nag piprito.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. Tinanggal niya ang helmet na suot at ngumiti.
"Good Morning. Nagluto ako ng almusal. Nag prito rin ako ng isda. Teka lang, tatapusin ko lang 'to." Bumalik siya sa pagprito. "Ouch! aray!" dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Tumabi ka nga. Ako na ang tatapos nito. Takot ka sa apoy diba? Sa susunod gisingin mo ako." Sabi ko habang tinatapos ang pag prito.
"Sorry.. Ang gusto ko lang naman pagsilbihan ka. Ayaw ko naman maging pabigat at palamunin sa'yo."
Napaharap ako sa kanya. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa kanyang mga labi. Napailing nalang ako bago lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang nakayuko niyang mukha at pinaharap sa akin.
"Hindi ka pabigat sa akin, Okay? Gusto ko lang ilayo ka sa mga bagay na kinakatakutan mo. Takot ka sa apoy, takot ka rin sa patalim. Walang masama kung gusto mong harapin yung mga bagay na kinakatakutan mo pero gusto ko yung nakikita kita."
Napangiti siya sa akin. "Bakit ang bait mo sa akin? Bakit hindi mo pa rin ako pinapaalis hanggang ngayon? Bakit hindi mo pa rin ako sinisingil?"
Bakit nga ba ang bait ko sa'yo? Bakit ba gusto ko nakikita kang nakangiti? Bakit ba gusto ko alagaan ka?
"Kailangan ba may dahilan para maging mabait ang isang tao? Hindi mo rin ako kailangan bayaran dahil wala ka namang utang sa akin."
Nakita ko ang pag aliwalas ng mukha niya at ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Salamat."
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at nakangiting tumingin sa kanyang mukha. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. May kung ano sa akin ang tumutulak na halikan ang mga labi niya. Bago pa ako mawala sa sarili ay tumingin ako sa kanyang mga mata. Nakangiti rin sa akin.
Shit!
Bumalik ulit ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. Sa pagkakataong ito hindi na ako nakapagpigil pa. Unti -unti kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya habang ang mga mata namin ay nakatingin lang sa isa't-isa. Napansin ko rin ang makailang ulit na paglunok niya. Mukhang kinakabahan siya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente nang magdampi ang mga labi namin. Hindi muna agad ako gumalaw. Nakatingin lamang ako sa kanya na ngayon ay kasalukuyan nang nakapikit. Napakainosente niyang tingnan. Nagsimula akong gumalaw. Nagsimula akong palalimin ang halik ko sa kanya. Nagsimula na rin akong madala sa kakaibang sensasyon na bumabalot sa pagkalalaki ko.
Palalim nang palalim ang halik ko sa kanya. Palalim nang palalim ang halikan namin. Pilit kong binubuksan ang bibig niya. Nang bumukas ito agad kong pinasok ang dila ko at hinanap ang sa kanya. Narinig ko pa ang mahinang pag ungol niya nang kagatin ko ang pang ibaba niyang labi. Mas lalo akong nakaramdam ng pananabik dahil sa kanyang ungol. Nagsimula na ring maglakbay ang mga kamay ko sa katawan niya. Napasinghap siya nang pumasok ang isang kamay ko sa loob ng damit niya. Napahawak siya sa'king batok. Unti -unti ring bumaba ang halik ko sa leeg niya. Napapaliyad siya at mas lalong humihigpit ang paghawak niya sa batok ko nang kagat-kagatin ko ang kanyang leeg. Dahil sa magkadikit na magkadikit na ang katawan namin kaya nararamdaman ko rin ang paggalaw ng kahabaan niya. Mas lalo akong natuksong pagapangin pababa ang kamay ko habang abala naman ako sa paghalik sa kanyang labi at leeg. Nang ipapasok ko na sana ang kamay ko sa loob ng short niya ay bigla akong napatigil. Naitulak niya rin ako. Dahil lamang sa isang ingay. Sa boses ng isang pusa.
Parang may bumuhos naman na isang baldeng malamig na tubig sa akin. Napatingin ako kay Juan na kasalukuyan ng nakayuko. Napabuntong hininga nalang ako bago nagsalita.
"Im sorry.."
Napaangat siya at napatingin sa akin."Hindi.. Hindi mo naman kailangan mag sorry." Ang nakangiti niyang sabi. "Kain na tayo."
Napangiti na rin ako at tumango. Kumain kami na parang walang nangyari. Minsan na huhuli niya akong nakatingin sa kanya. Bigla naman siyang mag blu-blush at yuyuko na mas lalong nagpapa cute sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti at kiligin. Nakakatawa, kinikilig ako dahil lang sa simpleng ginagawa niya. Sheetah!! Nakakabakla.
**
"Ang ganda naman dito."
Namamanghang sabi niya. Kasalukuyan kaming nasa hacienda namin. Kung saan marami kang makikitang mga hayop, mga pananim na halaman at mga gulay. Nandito kami sa tuktok ng bundok kung saan makikita ang buong hacienda. Nakaupo at magkatabi. Isa ang hacienda namin sa pinagkukunan ng araw-araw na pagkain ng mga mamamayan dito sa aming bayan. Isa ang bayan na ito sa mga papaunlad na bayan dito sa Davao.
"Totoo pala talagang may mga hacienda. Akala ko kasi sa tv lang meron. Alam mo pangarap kong makapunta sa ganitong lugar. Ang ganda ng paligid. Napaka presko ng hangin. Napakatahimik. Nakakawala ng problema." Napapikit pa siya habang nilalanghap ang simoy ng hangin. Nakangiting napatingin nalang ako sa kanya. Masaya akong nakikita siyang masaya.
Kalimutan mo na lahat ng mga nangyari sayo noon. Kalimutan mo na ang mga masasakit at hirap na pinagdaanan mo. Dito ka lang. Sa akin ka lang.
"May dumi ba sa mukha ko?" Ang nagtataka niyang tanong. Kung hindi pa siya nagsalita hindi ko rin mamamalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Ngumiti ako at umiling sa kanya. Pero nanatili pa rin akong nakatitig sa kanyang mga mata. Naramdaman ko ang kanyang pagkailang. Ibabaling na sana niya ang paningin niya sa ibang direksiyon ng bigla kong hawakan ang magkabilang pisngi niya. Tumingin siya sa akin ng may pagtataka sa mga mata. May kung ano na naman sa akin ang natutuksong halikan siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Napapalunok na naman siya na ikinangiti ko naman. Napapikit siya ng tuluyang magdikit ang aming mga labi.
Bakit ba nakakaadik kang halikan? Bakit ba gustong-gusto ko ang halikan ka?
Wala akong napansing pagtanggi sa kanya. Sa halip, tinugon niya pa ang halik ko. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay tiningnan ko siya nang nakangiti gumanti rin siya ng ngiti. Hinalikan ko siya sa noo. Pagkatapos ay inakbayan ko siya. Ang ulo niya ay nakasandal sa aking dibdib habang sabay namin pinagmasdan ang papalubog na araw.
"Sa akin ka lang." Bulong ko sa kanya.
Minsan, hindi na natin kailangan pa ng maraming salita. Dahil minsan sapat na ang pagkilos na nagpapakita na mahalaga sa atin ang isang tao.
Oo, Mahalaga na sa akin si Juan.
------