Fifteen

3.8K 220 13
                                    

No proofread and unedited. Saka ko na eedit pag may time ako. SALAMAT.

Happy Reading!

----

"S-sorry.."

"Kunin mo nalang yung walis, ako na bahala dito."

Ang seryosong sabi ni Pablo saakin. Hindi ko siya matingnan sa mga mata dahil nahihiya ako. Hindi ko rin mabaling sa iba ang aking mga mata dahil alam ko na saakin na nakatingin ang mga taong na sa loob ng restau. Mula ng nagtrabaho ako dito sa Brix Restaurant halos araw-araw nakakabasag ako. Nagagalit na rin yung iba kong kasamahan dahil ang tanga ko daw.

Silk..

Satuwing nakakaramdam ako ng lungkot, binabanggit ko nalang yung pangalan niya sa isipan ko. Alam ko kasalanan ko naman kung bakit ako naghihirap ng ganito. Kung hindi ako umalis hindi ko 'to mararanasan pero ayaw ko pang bumalik sakanya. Wala pa akong napapatunayan. Wala pa akong maipagmamalaki.

"Hey!"

Napalingon ako sa lalaking tumapik sa balikat ko. Bigla kong naalala na inutusan niya pala ako na kumuha ng walis. Napasabunot ako sa ulo ko dahil simpleng utos lang nakalimutan ko na naman. Do'n ko lang din napansin na nasa kusina pala kami.

"Shit! Sorry pablo. Kukunin ko muna yung walis." Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong pinaharap. Tinitigan niya ako sa mata saka siya ngumiti. "Bakit?" Takang tanong ko sakanya.

"'wag na. Nalinis at naitapon ko na yung mga basag na plato. Namimiss mo na ba siya?" Tumango ako sa tanong niya.

Oo! Sobrang namimiss ko na siya. Dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita.

Silk? Hinahanap mo ba ako? O baka naman tuluyan na kayong nagpakasal ng babaeng 'yun.

"Bumalik ka nalang kaya sakanya?"

"Hindi pa pwedi" Ang nakangiti kong iling sakanya. "Pablo.. Gusto kong mag-aral."

"Ano? Kahit gusto kitang tulungan, wala akong magagawa. Ikaw narin ang nagsabi hindi mo kilala kung sino ka talaga. Maliban sa mga damit, wala ka ng ibang mga dala diba? Kung magpapagawa naman tayo ng mga pekeng dokumento, ang mahal ng bayad at 'kaw narin ang nagsabi na gusto mo ng totoong ikaw. Yung wala kang ginagamit na pangalan."

Napabuntong hininga nalang ako. Ang hirap pala ng ganito. Yung wala kang alam tungkol sa pagkatao mo.

"Excuse me, Marco pakihatid mo nga ito sa table 7" Singit ng isang waiter na kasama ko.

"Ok." Kinuha ko ang wine na iniabot niya. Ngumiti akong bumaling kay Pablo. Ngumiti naman siya saakin at tinalikuran na niya ako.

"Mahal ang wine na yan kaya ingatan. Kahit ilang buwan ka pang mag trabaho dito hindi mo kayang bayaran yan. Sana iwanan ka na ng katangahan mo" Ang seryosong sabi saakin ng waiter na katrabaho ko. Ngumiti nalang ako at tumango.

Oo na tanga ako.!

Naglakad ako papunta sa table 7. Kinabahan ako habang naglalakad. Ewan ko ba, baka dahil narin ito sa dala ko na wine. Ilang ulit ko naidasal na sana hindi ko 'to mabitawan at mabasag. Habang papalapit ako sa table, nakikita ko narin ang mga nakaupo doon. Isang matandang babae at isang matandang lalaki. Ngunit kahit matatanda na sila makikita mo parin yung taglay na kagandahan at kagwapuhan nila.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon