Eighteen

3.5K 173 69
                                    

Pasensiya sa mga typo error. Di ko na na edit.

Enjoy reading! :)

-----

"So, desidido ka na bang bumalik ng Pilipinas?"

Umangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko sabay tingin sa lalaking nasa harapan ko. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin saakin ngunit nakangisi naman ng nakakaloko ang kanyang labi. Minsan, napapatanong pa ako sa sarili ko kung paano niya napagsasabay ang kanyang emosyon.

Isang buwan. Oo, isang buwan kong pinag isipan kung babalik ba ako ng Pilipinas o habang buhay nalang mananatili dito sa Santa Clara, California.

Santa Clara. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag binabanggit ko ang lugar na ito. Ang lugar kung saan ko binuo muli ang aking pagkatao. Sa lugar na ito ko natutunan na kaya kong mabuhay mag-isa. Na matapang pala ako. Di ko nga alam kong kaya ko bang iwanan ang lugar na ito. Bukod sa nandito ang kabuhayan ko. Oo, may sarili na akong mga negosyo dito. Nandito din ang taong bumuo ulit sa puso ko. Ang taong siyang naging dahilan kung ano ako ngayon.

"Hey! Sa'n na naman ba napadpad yang utak mo at ng mapuntahan ko para maibalik dyan sa ulo mo"

Napatingin ulit ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakakunot na ang kanyang noo habang may pagtatanong sakanyang mga mata. Napangiti nalang ako sakanya na ikinasimangot naman niya. Yung ngiti ko ay naging tawa kasi napaka cute niyang tingnan habang nakanguso.

"Ano na? Di mo pa sinasagot ang tanong ko. Handa ka na ba talagang bumalik sa Pilipinas?" Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya, ganun din ako. Ngumiti ako ulit sabay tango.

"Oo naman. Matagal na akong handa" Ang nakangiti kong sabi. Tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang sinasabi niyang hindi siya naniniwala saakin. "Di kita pinipilit na paniwalaan ako." Dagdag ko.

"Okay, Handa ka na ngang bumalik ng pilipinas." Huminga siya sandali bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero ang tanong, handa ka bang makita siya ulit?" Nagkatitigan kami dahil sa naging tanong niya.

Hindi ko na kailangan pang magtanong sakanya kung sino ang tinutukoy niya dahil kahit di man niya sabihin alam kong si Silk ang taong yun.

Handa na akong bumalik sa lugar kung saan nasira ang aking pagkatao. Handa na akong bumalik sa lugar kung saan natuto akong magmahal. Handa na akong bumalik sa lugar kung saan din nawasak ang puso ko. Pero handa na ba akong makita siya? Handa na ba akong makita ang lalaking naging dahilan ng aking pag-alis? Handa na ba akong makita si Silk?

"Kung talagang handa ka nang bumalik ng Pilipinas dapat handa ka rin na makita siya. Kaya mo na bang harapin si Silk Rude Hernandez, Mr. Brix Marco Hernandez?" Tinitigan ko siya sa mga mata sabay ngiti at tango. Oo, handa na yata ako.

"Its been Seven years kuya Paulo at oo, Im still have feelings for him. Im still missing him a lot pero hindi na kasi ako yung Juan na mahina. I am stronger. Wiser. And better than before. Kaya kong magkakaharap kami, asahan mong ngingiti ako. Ngingiti ako na parang walang nangyari sa pagitan namin. Ngingiti ako na parang hindi ko siya minahal. Ngingiti ako bilang pinsan niya." Ang seryoso kong sabi.

"What will you do if he still have feelings for you?"

Napatawa ako sa tanong ni kuya Paulo na mukhang ipinagtaka naman niya.

"Imposible." Ang maikling sabi ko.

Napaka imposible naman talaga. No'ng makita ko siya noon na masayang nilalaro ang baby niya, alam kong wala na siyang nararamdaman saakin. Masaya na siya sa pamilyang meron siya. Masaya na siya sa buhay niya. Siguro nga ipinagpapasalamat niya pa ang paglayo ko. Siguro nga nagpapasalamat pa siyang nawala ako sa buhay niya.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon