Chapter 10

4.6K 183 19
                                    

Sorry sa typo error.

--------------------

Juan's P.O.V

"Good Morning. Nagluto ako, kumain kana."

Ang nakangiti at masigla kong bati sa kanya. Inilagay ko sa mesa ang niluto kong Scrambled eggs with a side of bacon. Gumawa rin ako ng Millet porridge na paborito niyang almusal. Siya pa nga ang nagturo sa akin na natutunan ko naman agad.

Hinintay ko na tingnan niya ako sa mukha. Sa aking mga mata. Na dalawang linggo na niyang di nagagawa. Lumapit siya sa lamesa at umupo. Kinuha niya ang newspaper na nasa ibabaw at binasa niya. Nagtimpla ako ng kape na lagi ko ng ginagawa tuwing umaga.

"Ang pinaka masarap at pinaka special na kape para sa pinaka special na lalaki sa mundo." Pilit kong pinapasigla ang boses ko. Ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako sa pambabalewalang ginagawa niya.

Inilagay ko sa mesa ang kape. Nilagyan ko rin ang plato niya ng pagkain. Nakatayo lang ako sa harapan niya at hinihintay na kumain siya. Ilang ulit din akong napapalunok dahil sa kabang nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko may nagbago?

Tumayo siya at humarap sa akin. Nakatingin siya sa'king mukha ngunit hindi sa'king mga mata.

"Ikaw yung dapat na kumain para tumaba ka naman kahit kunti." Pinaupo niya ako sa upuan na inupuan niya kanina. Nakaharap ako sa pagkain habang nasa likuran ko siya at ang dalawang kamay niya ay nasa aking balikat. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Im sorry." Mahina at paos na sabi niya.

Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang salitang yan para hindi ako makakilos. Para makaramdam ako ng sakit. Gusto ko siyang lingunin. Gusto ko makita ang mukha niya pero nauunahan na naman ako ng takot. Nanatili lang akong nakaupo hanggang sa maramdaman kong wala na siya sa likuran ko.

"Ano ba ang nangyari? May nagawa ba ako? Nagsawa ka na ba? Nandidiri ka na ba sa akin? Gusto ko sana yang itanong sa'yo pero natatakot ako sa sagot mo. Natatakot ako na baka isagot mo ay oo. Oo nagsawa ka na sa akin at Oo nandidiri kana sa akin." Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa'king mga mata. Umiyak lang ako. Umiyak nang umiyak. "Juan.. Marami lang siguro siyang iniisip kaya siya ganyan. May problema lang siguro sa kompanya nila." Pagpapakalma ko sa'king sarili.

**

"Pssstt.."

Lumingon ako kung saan nagmula ang tunog na 'yun pero wala naman akong taong nakita. Nandito ako ngayon sa hardin. Nakaharap sa mga bulaklak. Nakakagaan sa pakiramdam ang pagmasdan sila.

"Psstt.."

Lumingon ulit ako pero wala pa rin akong nakita sa halip mga bulaklak lang ang naroon. Hindi ko tuloy maiwasang pagtayuan ng mga balahibo. Malawak ang hardin. Malaki ang mansiyon at ako lang mag isa! Kaya hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano-ano. Posibleng may multo lalo pat napakatahimik ng paligid.

"Mga bulaklak wag niyo naman akong takutin. Ayaw niyo na rin ba sa akin kaya niyo ako tinatakot? Gusto niyo na bang umalis na ako?" Ang tanong ko sa mga ito.

"Gusto ka kaya namin. Natutuwa nga kaming makita ka."

Mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at nanginginig na rin ako sa takot. Ngayon lang ako nakarinig ng mga bulaklak na nagsasalita. Natatakot na talaga ako, wala pa naman si Pedro.

"N-n-nag-sasa-li-ta kayo?" Pati boses ko nanginginig na rin. Gusto kong tumakbo pero parang biglang nawala lahat ng lakas ko sa katawan. Napatigil ako sa pag iisip ng may biglang tumawa at lumabas sa likod ng mga bulaklak.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon