Twenty

3.5K 186 32
                                    

Unedited

Enjoy! :)

------------

Silk's P.O.V

"Give me one good reason why I shouldn't object you to marrying him?"

Ang seryosong tanong ni Lolo Fernan saakinNakatingin lang kami sa mata ng isa't-isa. Ngayon niya pa ako hinarang. Ngayon pa kung kailan nagmamadali ako. Kahit na anong mangyari kailangan kong maabutan sa airport si Juan. Hindi siya pweding umalis. Hindi niya ako pweding iwanan.

"Dahil mahal ko siya at mahal niya ako." Buong seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Lolo... Hindi niya ako pweding iwanan. Hindi sa ganitong paraan. Nakikiusap po ako, kailangan ko siyang maabutan. Kailangan ko siya." Tuluyan ng tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka tuluyan na siyang mawala saakin. Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag umalis siya ngayon hindi na kami muli pang magkikita. Hindi ko na matatama ang mga maling akala niya.

"Kung talagang mahal mo siya, hahayaan mo siyang umalis."

Napailing ako sa sinabi ni lolo. Hindi! Hindi ako makakapayag na tuluyan siyang malayo saakin. Hindi niya kaya ang mag isa. Hindi niya kaya kung wala ako katulad ng hindi ko kaya pag tuluyan siyang mawala sa buhay ko.

"Hayaan mo muna siya Silk. Hayaan mo muna siyang harapin ang totoong buhay na meron siya. Pinili niya ang layuan ka kasi yun ang inaakala niyang tama. Napakabata niya pa para ikulong mo sa pagmamahal mo.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon