"Are you really sure hijo? Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa."
Ngumiti ako kay lolo. Isang pilit na ngiti. Handa man ako o hindi, pero ito lang ang alam kong paran para maging maayos ang lahat. Masakit man pero alam kong ito yung tama.
Akala ko pagkatapos ng gabing yun magiging maayos ang lahat saamin ni Silk. Oo, parang ni-rape niya ako ng gabing yun pero kahit ganun paman hindi ako makaramdam ng galit sakanya. Akala ko pipiliin na niya ako. Akala ko ginawa niya yun para may dahilan siyang maitakas ako. Pero wala paring nangyari.
Nagising ako na natutulog sa kama niya. Nagising ako na mag-isa. Nagising ako na para sampalin ng katotohanang kahit kailan hindi na magiging kami.
*flashback*
"Saan po si Silk, ate?"
Tanong ko sa may edad na katulong na kasalukuyang nagluluto.
"Nasa hospital po sir. Nagmamadali nga yun kasi isinugod pala kagabi sa hospital si maam dianna."
"Bakit? Ano bang nangyari kay ate dianna?"
"Bigla daw dinugo. Mabuti nalang at ligtas yung sanggol sa sinapupunan niya."
Sanggol
Sanggol
Sanggol
Sanggol
Sanggol
Sanggol
Sanggol
Paulit ulit. Masakit. Sanggol? Ibig sabihin buntis si Dianna at si Silk ang ama.
Kaya ba di niya ako mapili? Kaya ba kahit ako ang mahal niya hindi niya ako mapanindigan kasi kailangan siya ni Dianna. Kailangan siya ng magiging anak nila.
Tama lang ang naging desisyon niya. Tama lang na hindi ako yung pinili niya. Minsan talaga, Kung ano pa yung tama yun pa ang masakit at mahirap gawin. Hindi ko rin gustong maranasan ng magiging anak niya ang naranasan ko. Ang lumaki ng walang ama.
"Sir, san ka po pupunta?" Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa katulong na nagtatakang nakatingin pala saakin. Do'n ko lang napansin na malapit na pala ako sa may pinto. "Hindi pa po kayo nag aalmusal at isa pa ibinilin saakin ni sir Silk na hindi daw kayo pweding lumabas ng mansiyon hanggat hindi pa siya nakakabalik."