Twenty Four

3.1K 154 17
                                    

Unedited! Enjoy reading!

SPG!! Hahaha

---------

Have you ever just stopped and realized that if you hadn't met a certain person in your life, your life would be completely different?

Tama ang nabasa ko. Katulad ng nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko maiwasang isipin ang nakaraan ko no'ng hindi ko pa nakilala si Silk at ang buhay ko ngayon. Ang laki ng pinagbago.

What my life would be if I had never met him?

Siguro, pambayad utang parin ang katawan ko ngayon sa mga pinag-uutangan ng mga inaakala kong kadugo. Siguro, isa pa rin akong payat at mahina. Siguro, isa pa rin akong walang pinag-aralan at walang alam sa mundo. At siguro, matagal na akong namatay. Matagal ng nagpakamatay dahil sa mga kalupitang dinanas ko noon.

But I met him. I met Silk in the most unexpected day in my life. And my life changed because of him.

Sometimes, All we need is someone to change our lives.

Napatitig ako kay Silk na papalapit sa akin. Wala na siyang pantaas na damit at kasalukuyan naman niyang tinatanggal ang sinturon ng kanyang pantalon. Nakangiti siya sa akin. Ngiting nang-aakit na ginantihan ko naman ng isang matamis na ngiti.

"Satisfied?" Tanong niya ng tuluyan ng walang natirang saplot sa kanyang katawan. Nakatayo na rin siya sa harapan ko at halos magkadikit na ang aming mga katawan.

Napalunok ako at iniiwasan kong mapatingin sa ibaba niya. Pero ewan ko ba, parang may bumubulong sa akin na tingnan ang ipinag-mamalaki niyang pagkalalaki.

Magpigil ka Brix! Alam kong namimiss mo na pero hindi pa oras! Hindi pa pwedi!

"Hindi ka ba maghuhubad?" Pabulong ngunit preskong sabi niya. "Wala tayong dalang damit. Kung maliligo tayo sa ilog wala tayong choice kundi hubarin tong mga suot natin."

Oo, kasalukuyan kaming nasa ilog. Ang isa sa mga espesyal na lugar sa akin.

Dahan-dahang itinaas ni Silk ang suot kong damit. Itinaas ko rin ang mga kamay ko para tuloy-tuloy ang paghubad niya sa damit ko. Nagkatitigan pa kami ng tuluyan na itong natanggal. Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata habang nakatingin sa aking hubad na katawan. Di ko maiwasang mailang at makaramdam ng init.

"Hmmp, hindi mo rin ba ako tutulungang hubarin tong pantalon ko?" Ang nakangiti kong sabi. Mas lalo pang kumislap ang kanyang mga mata.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang aking sinturon. Pagkatapos niyang tanggalin, ay dahan-dahan naman niyang ibinaba ang aking pantalon kasabay ng aking boxer short na suot. Napakislot ako ng tumama ang kamay niya sa aking pagkalalaki. Napatigil siya at napatitig sa aking pagkalalaki. Mas lalo tuloy nag-iinit ang aking pakiramdam. Mas lalo tuloy akong di mapakali.

"Hmp!" Nagkunwari akong umubo. Tumayo siya at ginulo ang aking buhok.

"I can't fight this feeling anymore." Ang paos at pabulong niyang sabi. Niyakap niya ako at kasabay no'n ang pagtalon namin sa ilog.

Hindi ko maiwasang matawa. Tawa lang ako ng tawa habang nakakapit ako sa leeg niya at ang kanyang mga kamay ay nasa bewang ko. Ang saya ko. Ang saya-saya. Pero gusto kong umiyak. Baliw na ba ako? Masaya ako pero gusto kong umiyak.

Hanggang sa napansin kong nakayakap na sa akin si Silk at pinapatahan ako. Umiiyak na pala ako.

"Sshh.. What's wrong?" Ang tanong niya. Nakatingin siya sa aking mga mata at pinupunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang mga daliri.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon