Ngayon ko lang ginawa ang chapter na 'to. No proofread.
Enjoy! :)
---
Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog na. Naramdaman ko ang pag upo niya sa kama at ang paghawi niya sa buhok ko na nakatabon sa'king mga mata. Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya. Alam ko nahihirapan na siya sa sitwasyon namin. At alam ko ako lang yung iniisip niya. Kaya buo na yung desisyon ko. Kailangan kong umalis. Kailangan ko munang umalis sa bahay na 'to at lumayo kay Silk.
Sorry Silk.. Sorry. Hindi ko na kayang nakikita kang nahihirapan at naguguluhan.
"Para kang isang anghel." Ang mahinang sabi niya habang hinahaplos niya ang mukha ko. Nakapikit pa rin ako. Nakikiramdam sa paligid at lihim na nakikinig sa kanya. "Hindi ako magsasawang titigan ka. Tulog man o gising. Hindi ako mapapagod na maging tagapangtanggol mo. Hindi ako mapapagod na mahalin ka."
Mahal din naman kita. Mahal na mahal. Pero alam kong nahihirapan ka na.
"Binuo mo yung puso ko. Binuo mo yung pagkatao ko. Nakakatuwang isipin na isang bata. Isang pasaway na bata nung una kong makita ang magpapatibok ulit sa puso ko. Nine years yung age gap natin pero minsan mas matanda ka pa mag-isip kesa sa akin. Sa araw-araw na nakikita kita. Sa araw-araw na magkasama tayo mas lalo kitang minamahal. Hindi ko siguro kakayanin kapag nawala ka sa akin Juan." Tumigil siya sandali. Naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko kaya nakaramdam ako ng kakaibang kuryente na dumaloy sa'king katawan. "Juan... Mahal kita. Mahal na mahal kita aking Marco."
Marco??
Posible kayang Marco ang totoo kong pangalan? Alam mo na ba ang totoo kong pagkatao Silk? Alam mo na ba kung sino talaga ako? Kaya mo ba ginagawa ang lahat ng ito. Kaya mo ba pinapahirapan ang sarili mo dahil sa akin?
"Mahal na mahal kita.." Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Sa ilong ko. Sa labi ko bago siya humiga at niyakap ako ng pagkahigpit. Gumalaw ako ng kunti at isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. Ayaw kong makita niya ang luha sa'king mga mata.
Ilang oras kami sa ganoong sitwasyon ng naririnig ko na ang mahihinang paghilik niya. Alam kong tulog na siya. Gumalaw ako at bumangon. Tumitig ako sa napakapayapa niyang mukha na para bang iginuguhit ko yun sa'king isip. Gusto kong itatak sa isip ko ang mukha niya.
"Sorry... Patawarin mo ako pero kailangan ko pa ring umalis. Alam ko kapag mananatili ako sa tabi mo mas lalo ka lang mahihirapan. Ginagawa mo 'to para sa akin hindi ba? Kaya gagawin ko din 'to para sa'yo. Kailangan kitang bigyan ng pagkakataon na sabihin ang lahat kay Dianna at sa mga taong nakapaligid sa'yo ang tungkol sa atin. Sorry, kung may maipagmamalaki lang sana ako. Kung hindi lang sana ako nanliliit sa sarili ko, ako mismo ang magsasabi sa kanila na ako yung mahal mo. Na ako yung gusto mong pakasalan.
Silk... Mahal na mahal kita. Salamat sa lahat. Hihintayin kita. Maghihintay ako na maging maayos na ang lahat. Kung sa paggising mo, wala na ako sa tabi mo. Pwedi bang---pwedi bang wag mo muna akong hanapin?" Natawa ako nang mahina. Dahil imposible yung hinihiling ko. Dahil alam kong sa paggising niya hahanapin niya ako. "Mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal na mahal kita." Hinalikan ko siya sa noo bago ako tumayo at lumabas ng kwarto dala ang aking bag na ang laman ay ang aking mga damit.