Chapter Eleven

3.9K 184 6
                                    

"Nandito ka lang pala."

Nanatili lang akong nakaupo at nakatanaw sa ilog. Hindi na ako nag abalang lingunin kung sino ang nasa likuran ko. Ang daming gumugulo sa aking isip. Ang daming tanong na nabubuo.

"Bakit ba bigla ka nalang tumakbo? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Silk. Sobrang nag aalala na sa'yo yung tao." Lumingon ako kay Pablo saglit saka tumingin ulit sa ilog. Naramdaman kong humakbang siya palapit sa akin at saka umupo sa tabi ko. "Ano bang problema? Pwedi mo namang sabihin sa akin."

"Kapag ba sinabi ko sa'yo, may magbabago? Kapag ba sinabi ko sa'yo, mawawala na ba yung problema ko? Hindi diba?" Ang walang siglang sabi ko. Humarap ako sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Ngumiti siya sa akin sabay gulo sa buhok ko.

"Napakabata mo pa nga." Ang nakangiting sabi niya. "Siguro nga hindi ko mababago kung ano man yang problema mo pero alam ko na sa oras na sabihin mo yan sa akin, gagaan ang pakiramdam mo. Kaya sige na sabihin mo na." Pangungulit niya. Umiling lang ako. "Sasabihin na niya yan sa akin" Pangugulit ulit niya sa akin. Kiniliti niya pa ako sa tagiliran. At dahil sa wala akong laban sa pangungulit niya kaya sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

"Akala ko kasi, na ako lang. Na kami lang. Na may kami. Pero wala pala. Umasa lang pala ako."

"Sshh. Hindi ka aasa kung hindi ka niya pinaasa. Nakikita ko naman sa mga mata ni Sir ang lungkot at pagsisisi. Baka may malalim siyang dahilan kung bakit niya 'to nagawa sa'yo. Diba ramdam mo na mahal ka niya? Magtiwala ka sa pagmamahal niya. Magtiwala ka sa kanya. Ako kasi, malakas ang loob ko na ginagawa niya 'to para sa'yo."

Tumingin ako sa mga mata niya. Para akong nakakita ng kuya sa katauhan ni Pablo. Ang sarap niyang kausap. Na waring pinapaintindi niya sa akin na hindi ako dapat malungkot dahil lahat ng mga nangyayari may dahilan. Tumayo siya at inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"Tara na? Baka mawalan pa ako ng trabaho dahil sa'yo, Haha!" Pabirong sabi niya pero alam ko may halong katotohanan yun.

"Ha?"

"Pinapahanap ka kasi ni Sir Silk, kapag hindi raw kita kasamang umuwi sa mansiyon wag na rin daw akong magpapakita sa kanya at pati raw si Tatay tatanggalan niya ng trabaho. Mahal ka talaga ni Sir kasi sa harapan mismo ng babae niya pinagsasabi ang mga bagay na 'yan. Bakas nga sa mukha ng babae ang pagtataka."

Hindi ko maiwasang matuwa sa aking narinig. Pero nandun pa rin ang mga katanungan na gumugulo sa akin. Kung mahal niya talaga ako, bakit nagsinungaling siya sa totoo niyang pagkatao? At kung mahal niya talaga ako bakit may iba siya?

"Hey! Natulala ka na dyan. Tayo na nga, dumidilim na oh." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila.

**

"Bakit ngayon lang kayo?"

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng mansiyon. Tumayo sa pagkakaupo si Pedro at lumapit sa amin. Ang sama ng tingin niya kay Pablo. Ako naman, nakayuko lang. Hindi ko siya matingnan sa kanyang mga mata. Kay lakas na rin nang tibok ng puso ko at pinipigilan ko na rin ang sarili kong wag maiyak.

"Pasensiya na Sir. Nagkwentuhan pa kasi kami. Gusto ko lang din siyang aliwin." Inakbayan ako ni Pablo na ikinabigla ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Magpahinga kana." Napatingin ako kay Silk at sa kamay kong hinawakan niya. Hinila niya ako palayo kay Pablo na ikinabigla ko rin. "Makakaalis ka na." Ang maawturidad niyang sabi kay Pablo. Tumango na naman ito bilang pag sang-ayon. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Wag ka ng umiyak ha? Pumapangit ka kasi, ang cute-cute mo pa naman." Ang nakangiti niyang sabi bago siya tumalikod at umalis.

Naiwan kaming dalawa ni Pedro, ay hindi pala. Silk pala. Na nanatiling nakatayo at hawak niya pa rin ang kamay ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang lakas nang kabog ng aking dibdib. Wala akong ibang nararamdaman kundi lungkot na bumabalot sa buo kong pagkatao. At pakiramdam ko niyayakap ako ng hangin dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Unti-unti kong hinihila ang aking kamay subalit mas lalo lang humihigpit ang kanyang pagkakahawak dito. Pinaharap niya ako sa kanya pero nanatili lang akong nakayuko. Ayaw ko siyang tingnan sa kanyang mga mata. Hindi pala. Dahil ang totoo ayaw ko muna siyang makita. Hindi ko kayang makita ang unang lalaking pinagkatiwalaan ko subalit niloloko lang pala ako.

"Galit ka ba sa akin?" Pagbasag niya sa sobrang katahimikan. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. "Im sorry... Please tumingin ka sa akin. Tingnan mo naman ako sa mga mata."

Napalunok ako. Alam ko umiiyak na rin siya dahil pumapaos na yung boses niya. Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Nagtama ang aming mga mata at dun ko nakita ang mga luha niyang tumutulo. Ang unang pagkakataon na umiyak siya. Parang may kung ano sa puso ko kaya napayakap nalang ako sa kanya. Gusto ko magalit sa kanya pero hindi ko pala kaya.

Hindi ko kaya magalit sa unang taong tumanggap sa akin ng buo.

Sa unang taong hindi nandiri sa akin.

Sa unang taong nirespeto ako at

Sa unang taong alam kong minahal ako ng totoo.

Humahagulgol ako ng iyak habang yakap siya. Iyak lang ako nang iyak na para bang sa paraang yun mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Bigyan mo lang ako ng konting pagkakataon at aayusin ko 'to. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." Ang sabi niya habang hinahalikan ako sa ulo. "Alam ko nasaktan kita pero babawi ako. Aayusin ko lang 'tong mga nangyayari." Pinakawalan niya ako sa pagkakayakap at tumingin siya sa'king mga mata. "Magtiwala ka lang sa akin." Tumango naman ako.

Mahal ko siya. Mahal ko siya kaya dapat magtiwala ako. Mahal ko siya kaya naniniwala ako sa kanya. Alam ko lahat ng mga tanong ko ay masasagot din kapag maayos na ang lahat.

Napapikit ako ng biglang lumalapit ang mukha niya sa mukha ako. Alam ko hahalikan niya ako. Matagal na rin niya akong hindi nahahalikan ng may biglang magsalita.

"Anong nangyayari dito?"

Naitulak ko siya at sabay kaming napatingin sa babaeng nasa harapan namin.

"Anong nangyayari?"

---

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon