No proofread and unedited
Enjoy!
-------
"Alam ko. I love you too."
Hinalikan ko siya sa labi. Isang halik na puno ng pagmamahal. Halik na alam kong yun na ang huli.
Tumayo siya at naglakad patungo sa cabinet na nandon sa loob ng kwarto. Hindi talaga nakakasawang pag masdan ang napaka-hubog niyang katawan. Binuksan niya ang cabinet at may kinuha siya doon. Isang maliit na box. Lumapit siya sa akin at umupo sa kama. Magkaharap kami. Tumingin siya sa aking mga mata ng seryoso. Hinawakan niya ang kamay ko. Binuksan niya ang maliit na box. Kahit alam ko na kung ano ang laman nun hindi ko pa rin maiwasang mamangha, kabahan at mabigla sa dalawang maliit na bagay na nasa loob ng maliit na box.
Two Silver rings. Two precious things.
Kinuha ni Silk ang isang kamay ko. Hinawakan niya ito at tumitig siya sa aking mga mata.
"When you look at this ring, I hope it reminds you of my promise to never stop loving you." Sinabi niya nang dahan-dahan. Puno ng emosyon at pagmamahal.
Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o dapat ko bang tanggapin ang singsing na hawak niya.
"I loved you and no matter what, I still love you. This ring holds a promise that my heart will be true. And I'm gonna marry you. Sweetheart, Please accept this ring as a symbol of my lo--"
"I don't need rings and vows..." Putol ko sa iba niya pa sanang sasabihin. Nabasa ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. Ngumiti ako. "We don't need rings and vows para lang patunayan na mahal mo ako at mahal kita, na mahal natin yung isa't isa. Silk, alam ko naman na mahal mo ako. Mahal na mahal. Sapat na yung ipinaparamdam at ipinapakita mo yung pagmamahal mo sa akin. Maaaring tanggapin ko 'tong singsing pero hindi ko matatanggap ang kasal na inaalok mo."
"Juan.. I want to marry you. To prove how much I love you. Kaya kitang hiharap sa altar at sa mga tao. Gusto kong ipagsigawan sa kanila kung gaano kita kamahal. Gusto kong ipakita sa kanila na akin ka. Gusto kong ipakita sa kanila na kahit kapwa tayo lalaki ay kaya natin bumuo ng isang happy ending."
Paano ba magkakaroon ng happy ending ang love story natin kung sa simula palang ay mali na?
Paano ba magkakaroon ng happy ending kung may mga taong masasaktan?
"Silk... Hindi mo naman kailangan patunayan yun sa kanila. Hindi natin kailangan ipakita o patunayan sa kanila na mahal natin ang isa't isa. Sapat na yung alam ng Diyos kung gaano mo ako kamahal. Silk... Mahal kita.
Hindi ko kailangan ng kapirasong papel. Mga sumpaan. Ang kailangan ko ay yung pagmamahal mo. At kaya mo yung ibigay sa akin ng buong-buo kahit hindi tayo ikasal." Ang nakangiti kong sabi. "Isuot mo na sa akin ang singsing."
Ngumiti siya at tumango. Hinalikan niya muna ako sa noo bago niya isinuot sa akin ang singsing. "Mahal kita." Pagkasabi niya ay hinalikan niya ako sa labi.
"Akin na yang isa, isusuot ko sayo." Ang nakangiti kong sabi. Pero imbes na singsing ang ibigay niya sa akin ay yung maliit na box at nasa loob pa nito ang singsing ang iniabot niya sa akin. Nagtatakang tiningnan ko siya pero ningitian niya lang ako.
"Gusto ko isuot mo yan sa akin kapag nagbago ang desisyon mo. Kapag ready ka nang pakasalan ako." Ang nakangiti niyang sabi. Magsasalita pa sana ako pero agad na niya akong pinigilan gamit ang kanyang mga labi.
Sorry Silk.. Sorry Pedro.. Pero hindi na yun mangyayari pa.
--------
"What are you doing here?"