Happy Reading!
----
"Ang gwapo talaga ng sweetheart ko."
Haharap na sana ako kung saan nagmumula ang boses ngunit agad akong pinigilan ng dalawang bisig na yumakap sa akin mula sa aking likuran. Hindi ko na kailangan pang humarap at alamin kung sino dahil sa boses palang at amoy nito alam na alam ko na pagmamay-ari ito ng lalaking mahal na mahal ko.
"Ang bango naman ng niluluto ng mahal ko.." Ang pabulong na sabi ni Silk. Nagsitayuan ang mga balahibo sa 'king katawan dahil sa kakaibang sensasyong aking nadarama. Kinagat niya pa ang dulo ng aking tenga kaya napahawak ako sa bisig niyang nakayakap saakin. Alam kong may ibang ipinapahiwatig ang sinabi niya base narin sa ginagawa niya.
"Hmmpp--S-sandali lang.. ahh hmmp" Kinagat niya ang leeg ko kaya hindi ko napigilang umungol. Kailangan ko siyang pigilan sa gusto niyang gawin. Kailangan kong pigilan ang katawan kong naeengganyo narin sa ginagawa niya. Kailangan naming magpigil dahil yun ang alam kong tama at dapat.
Binitiwan ko ang hawak kong kutsara at humarap ako kay Silk. Sakto namang pagharap ko ay agad niya akong hinalikan sa mga labi. Halik na nasasabik. Halik na puno ng pagmamahal. Tumugon ako sa halik niya dahil alam kong sa pagbabalik ni Dianna hindi ko na naman siya mahahalikan. Hindi na naman ako yung 'Sweetheart' niya. Ilang sandali lang tumagal yung paghahalikan namin dahil ako mismo ang kusang tumapos. Tumitig ako sakanyang mga mata at pilit na ngumiti.
"Alam mo namang hindi pa pwedi diba? Kailangan nating magtiis. Bakit kasi ayaw mo pa sabihin saakin ang totoo. Kahit lagi mong sinasabi na ako yung mahal mo. Na ako yung totoong nagmamay-ari sa'yo, hindi ko talaga maiwasang isipin na ako yung parang nang aagaw, na ako yung parang kabit."
Napabuntong hininga siya at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko sa mga yakap niya ang lungkot at bigat na kanyang nararamdaman.
"Kung pwedi lang sana..-"
Naputol ang iba pang sasabihin ni Silk dahil sa biglang pagtunog ng doorbell. Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at pinatay ko ang stove bago ulit ako humarap sakanya.
"Ako na ang magbubukas. Alam kong si Dianna na yan." Ngumiti ako ng pilit sakanya para pagaanin ang bigat na nararamdaman namin. Humakbang na ako papunta sa pinto ng bigla siyang nagsalita.
"Lagi mong tatandaan....I.KAW lang yung mahal ko."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya pero hindi na ako humarap. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa pintuan.
**
"It's been a long time.."
Ang seryosong sabi ng isa sa dalawang lalaking gwapo na nasa harapan namin ni Silk. Yung inaakala ko na si Dianna na yung dumating pero ang dalawang lalaking ito ang napagbuksan ko.
Nakita ko ang pagpakawala ng isang buntong hininga ni Silk bago siya nagsalita.
"Yeah, it's been a long time." Pagkatapos sabihin yun ni Silk ay ngumiti siya sa isang lalaki. Sa isang lalaki na may kapayatan pero ang gwapo. Ang ganda din ng mga mata nito na kapag tinitingnan mo mapapangiti ka kasi para itong ngumingiti. "Namiss kita.. na miss kita rhetta ko." Lumapit siya sa lalaki at niyakap ito ng pagkahigpit.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Ewan! Ang alam ko ang lalaking nagngangalang rhett ang dahilan kung bakit siya bumalik dito sa davao. Kung bakit napakalungkot niya no'ng una ko siyang nakita.
Ang lalaking nasa harapan ko..
Ang lalaking kayakap niya ngayon.. ay
Ang lalaking una niyang minahal bago ako.
Bakit pakiramdam ko ang dami kong kaagaw sakanya. Bakit pakiramdam ko hindi ako bagay kay Silk. Ibang iba ako sa Rhett na nasa harapan ko. Hindi ko rin kayang mapantayan si Dianna. Nanliliit ako sa sarili ko. Wala akong pinag-aralan. Ang pangit pa ng nakaraan ko. Paano ako maipagmamalaki ni Silk kung ako mismo ikanakahiya ko ang sarili ko.
"Salamat Silk. I owe you a lot." Ang nakangiting sabi nong isang lalaki. Nakaakbay na ito sa lalaking kayakap kanina ni Silk. "And congrats, ikakasal ka na pala." Dagdag pa nito na hindi mawala ang mga ngiti sa labi.
Parang may kung ano ang sumaksak sa puso ko.
Si Silk, ikakasal?
Bakit wala siyang nababanggit saakin? Pinaglalaruan lang ba niya ako?
Tumingin ako sakanya ng may pagtatanong saking mga mata. Nakatingin din siya saakin na parang sinasabi niyang wala siyang alam. Nakikita ko ang pagkabigla at pagkalito sakanyang mga mata.
Dapat pa ba akong maniwala sa'yo Silk?
Gusto ko sanang itanong sakanya yan. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya kasi natatakot ako sa magiging sagot niya.
"Hey, what's the matter?" Ang nagtatakang tanong ng lalaki na rhett ang pangalan kay Silk. Nang mapatingin ito saakin ay ningitian ako nito. "And oh! Anyway, who are you little cutie?" Ang nakangiti niyang tanong saakin.
Little cutie? Psshhh! Hindi na ako bata!
Gusto ko sanang sabih pero ng mapatingin ako sa mga mata nito para namang may kung anong humaplos sa puso ko.
"Siya si Juan..
My Fiancee."
Napatingin ako kay Silk na nakangiting nakatingin na pala saakin. Hindi ako makapaniwalang ipapakilala niya ako bilang fiancee niya sa harapan ng iba. Napatingin din ako sa dalawang lalaki. Halata sakanilang mga mukha ang pagkabigla.
"Are you kidding?" Ang seryosong tanong naman nong isa.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Ang seryosong sagot naman ni Silk. Nakita ko ang pag buntong hininga ng lalaki na para bang naniniwala na ito sakanya.
"Ok, but what about the news?" Ang nagtatakang tanong ng rhett sakanya. Napatingin naman ako kay Silk. Nag hihintay ng sagot niya.
"What about the news?" Nakakunot noong tanong niya kay rhett.
"Hindi ka ba nanood ng t.v? Kaya kami lumuwas dito sa davao para personal na batiin ka. Napanood kasi ni rhett sa t.v na ikakasal ka na sa isang babae."
"Silk.." Ang mahinang tawag ko sa pangalan niya. Napatingin naman siya saakin. Nakita ko ang paglungkot ng kanyang mga mata. Hahakbang sana siya palapit saakin pero pinigilan ko siya. "Wag... dyan ka lang. Gusto ko ng magpahinga." Tumingin ako sa dalawang lalaki at pilit na ngumiti sakanila. "Magpapahinga na ako." Pagkasabi ko ay tinalikuran ko na sila.
Magpapakasal na sila ni Dianna? Bakit ganon? Ako yung Fiancee pero sa iba siya magpapakasal.
Mahal mo ba talaga ako Silk? Siguro, pero alam ko kapag ako yung pinili mo magugulo lang yung buhay mo. Kapag ako yung pinili mo may masasaktan.
Kung hindi lang sana naging pangit yung nakaraan ko. Kung may pinag-aralan lang sana ako at Kung alam ko lang sana yung totoo kong pagkatao. Hindi siguro ako makakaramdam ng hiya at panliliit sa sarili ko.
Sorry.. Sorry Silk.
Pero kailangan ko nang umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/55267918-288-k42768.jpg)