Twenty Three

3.5K 154 30
                                    

Unedited! Pls. Bear with the typogratical and grammatical errors. Thank You!

Enjoy!

-----------

"Why are you crying?"

Napatingin ako sa batang lalaki na tumabi saakin sa pagkakaupo sa gilid ng pool, habang ang mga paa ko naman ay naglalaro sa tubig. Ganun din ang ginawa niya.

"Im not crying" Maiksing sabi ko at ibinalik ko ang tingin sa mga paang naglalaro sa tubig.

"Nah! Liar!" Nakangusong sabi pa nito.

"Why would I lie?" Tanong ko.

"It's obvious that you're crying. Oh! Look, there's tears in your face." Hinawakan niya pa ang mukha ko. Kay lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pinag aralan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Nakikita ko talaga ang batang ako sakanya.

Bakit nga ba magkamukha kami? Bakit pakiramdam ko may iba pang dahilan kung bakit magkamukha kami ng batang ito. Kung bakit magkamukha kami ng anak ni Silk.

"You're such a crying baby. You're weak. Crying won't make you feel better." Dagdag pa niya. Kumunot pa ang noo nito at tumitig saakin ng seryoso. "Stop crying. Be a man" Ang nakangiti na niyang sabi.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa kadaldalan niya. Pati pag iyak ko pinapakialaman pa.

"How old are you?" Tanong ko na hindi na tumingin pa sa mukha ng bata.

"Seven, but see? I'm not weak" May pagmamalaki pang sabi nito.

Napangiti na lang ako. Napakadaldal niya. Halatang matalino at maraming alam.

"Crying doesn't mean you are weak. It means, you're strong enough to know na minsan kailangan nating umiyak para mailabas yung totoong nararamdaman natin. Kaya 'wag kang mahiyang umiyak." Ang nakangiti kong sabi. Ginulo ko pa ang buhok niya dahilan para sumimangot siya. Mas lalo tuloy siyang naging cute sa paningin ko. Chubby cheeks plus naka pout na lips. Nakakagigil lang.

"I saw you" Ang biglang sabi niya. Nagtatakang napatitig naman ako sa kanyang mukha. "I saw you and Papa kissing." Ang seryoso niyang sabi. "Mama told me that papa was inlove with someone else. Kaya hindi sila pweding magpakasal kasi hindi daw siya ang mahal ni Papa." Titig na titig siya saaking mga mata. Di naman ako makatingin sa mata ng bata ng deretso.

Napakabata niya pa. Napakabata niya pa para makita kami ni Silk na naghahalikan. Napakabata niya pa para malaman ang tungkol saamin ni Silk. Napakabata niya pa para sa mga ganitong bagay.

Hindi pa pala kasal si Silk at si ate Dianna. Dapat ba ako matuwa? Dapat ba ako mag saya kasi ako ang totoong mahal ni Silk? Kasi hanggang ngayon ako parin pala ang nag mamay-ari ng puso niya. Dapat ko bang samantalahin ang pagkakataon?

Hindi. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensiya ko ang agawin siya kay ate Dianna at sa batang nasa harapan ko ngayon. Hindi kaya ng konsensiya ko ang agawin siya sa Pamilya niya. Hindi ko kayang makita na masaya nga ako sa piling ni Silk pero merong nasasaktan. Merong umaasa na papakasalan niya. Hindi ako ganun ka selfish. Hindi ako makasarili para yung kaligayahan ko lang ang iisipin ko. Siguro nga hindi talaga sapat na mahal mo yung tao.

Talaga ngang minsan, hindi sapat ang pagmamahal. Kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't isa kung alam mo namang hindi talaga pweding maging kayo, wala parin. Tama na ang sumuko at magpaubaya. Nakakapagod na kasi. Pa ulit ulit nalang ang nangyayari saamin ni Silk.

Akala ko napalaya ko na ang sarili ko mula sa nakaraan namin. Akala ko kapag nakita ko siya ulit, wala na akong mararamdaman pa. Akala ko tuluyan na akong nakatakas sa pagmamahal niya noon na walang kasiguraduhan. Pero hindi pala. Puro lang pala ako akala. Hanggang ngayon, si Silk parin. Siya parin ang nagpapatibok ng puso ko.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon