Chapter 4

6.3K 254 7
                                    

"Matulog ka lang nang mahimbing..

Pag gising mo nasa tabi mo pa rin ako."

Sabi ko sabay halik sa noo niya bago ko ipinikit ang aking mga mata.

**

"Aray!"

Daing ko nang mahulog ako. Mabuti nalang yung pwet ko ang mas nasaktan hindi yung ulo ko.

Bakit ako nahulog? Sinipa lang naman ako ng binatilyong katabi ko.

"S-sorry." Mahinang sabi niya. Nakayakap siya sa sarili niya na para bang may ginawa ako sa kanya. Nakita ko rin ang pamumula ng mukha niya na para bang nahihiya siya sa nagawa.

"Hwag kang hihingi ng sorry kung kusa mo namang ginawa ang isang bagay." Magkadikit kilay na sabi ko. Tumayo ako. Tiningnan ko siya nang masama.

Ano bang akala ng lalaking 'to? Na magiging buhay prinsipe siya dito? Pwes hindi libre ang pagtira niya sa mansiyon ko.

"Ano pang ginagawa mo?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. Tumingin naman siya sa akin nang nagtatanong ang mga mata. Napailing nalang ako. Tinitigan ko ulit siya nang naguusig ang aking mga mata. "Tumayo ka na dyan. Maglinis ka. Magluto ka. Kung inaakala mo libre ang pagtira mo dito pwes nagkakamali ka. Dahil araw-araw mong pagtratrabahuan ang pagtira mo sa bahay ko." Nakangising sabi ko.

Nakita ko ang paglunok niya. Na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig.

"Ayaw mo? Okay lang naman sa akin. Kaya lumabas ka na at hanapin mong mag-isa ang papa mo. Ah! nakalimutan kong sabihin... Marami palang gangster ang bayan na'to. Sa oras na nakakakita sila ng hindi taga dito, pinapatay at pinapahirapan nila." Nag-uuyam kong sabi. Mas lalo ko siyang nakitaan nang takot at pagkasindak.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. "Hindi ko naman sinabing hindi ako magtatrabaho. Kahit anong iutos niyo mahal na kamahalan susundin ko." Ngumiti siya sabay yuko na para bang nagbibigay respeto sa isang hari.

Napailing nalang ako. Ang kulit ng batang 'to.

**

"Sunog! Sunog! Sunog!"

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang sigaw na'yun. Nasa kalagitnaan pa naman ako ng isang masarap na tulog.

Dali-dali akong bumaba. Halos liparin ko na nga ang mga baitang ng hagdan mapuntahan lang ang kanina pang sumisigaw.

"Asan ang sunog?! nasa'n? Nasaktan ka ba?"

Natatarantang tanong ko. Nakatulala lang siyang nakatingin sa stove na lumalaki na ang apoy. Pero hindi masyadong malaki. Napatitig na rin ako sa stove at sa niluluto niya.

"Yan ba ang sinasabi mong sunog?!" Inis. Galit. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung magagalit ba ako sa kanya, maiinis o matatawa?

Lumapit ako sa stove at pinatay ito. Napailing nalang din ako nang makita ang sunog na sunog at itim na itim na pritong itlog. Tumingin ako sa kanya nang naniningkit ang aking mga mata.

Lumunok siya at tumingin sa akin na parang maiiyak na. Bakas din sa mukha niya ang takot. Nang kagatin niya ang lower lips niya at sumigok siya dun ko napagtantong umiiyak na pala siya. Nag-uunahan na sa pagtulo ang kanyang mga luha. Nakikita ko rin ang panginginig ng buong katawan niya. Napaisip tuloy ako kung nakakatakot ba ang itsura ko para panginigan siya ng katawan.

"S-sorry.. Sorry.. Hindi ko sina-sa-dya.. wag mo akong sa-sa-saktan." Putol -putol ang pagsasalita niya dahil sa pag iyak niya. Nababakas ang sobrang takot sa kanyang mukha. "H-hindi k-ka katulad nila diba? Please.. sorry.. Hindi ko sinasadya."

Sino bang 'sila' ang tinutukoy niya? Sino ba ang mga nanakit sa kanya? Ano bang ginawa sa kanya?

Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko tungkol sa pagkatao ng binatilyong umiiyak sa harapan ko.

Heto na naman yung pakiramdam na gusto ko siyang yakapin. Na gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako.

Humakbang ako palapit sa kanya at niyakap siya. Napayakap naman siya. Bigla akong nakaramdam ng kuryente sa pagyakap niya.

"Im sorry.. Hindi ko naman sinasadya." Umiiyak pa rin na sabi niya habang nakayakap sa akin. Nakangiti akong hinahaplos ang ulo niya na para bang nakikita niya ako. "Takot ako sa apoy... Sinubukan ko namang wag matakot eh.."

Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin na ipinagtaka ko. Tumingin siya sa aking mga mata na para bang may gusto siyang sabihin. Mas lalo pa akong nagtaka sa sinunod na ginawa niya.

Hinubad niya ang damit niya. Tahimik lang akong nakatitig sa kanya. At hindi ko rin maiwasang mapatitig sa tiyan niya. Sa tiyan niyang maputi ngunit maraming peklat. Mga peklat ng paso. Tahi. Saksak. Tumalikod siya. Nakita ko ang malaking peklat ng paso sa likuran niya.

Napalunok ako sa mga nakita sa katawan niya. Sa mura niyang edad pinagdaanan na niya ang mga masasakit na bagay na yun. Sa bata niyang katawan naranasan na niya ang iba't-ibang klase nang paghihirap.

Ano pa ba ang ibang naranasan ng batang 'to maliban sa pananakit?

Humarap siya sa akin nang tumutulo ang kanyang mga luha.

"Ang malaking peklat sa likuran ko ay gawa ng isang apoy. Kaya takot ako sa apoy.. Kaya natatakot ako sa apoy."

Hinila ko siya at niyakap ulit. Niyakap nang mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na kapag nasa aking mga bisig siya ay walang kahit na ano o kahit na sino ang makakapanakit sa kanya. Sa akin ay ligtas siya.

"S-salamat..Papa." Humihikbi pa ring sabi niya.

Napailing nalang ako nang marinig ang mahihinang paghilik niya.

Nakatulog na naman siya!

**

Napapangiti at napapailiwng nalang ako habang tinatanaw ang binatilyong masayang naliligo. Naglalaro. Nagtatampisaw sa pool. Para siyang isang batang ngayon lang nakakita ng tubig.

Kasalukuyan akong nasa bintana ng kwarto ko. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Hindi ko maiwasang titigan siya. Ang mukha niyang napaka inosente. Ang mukha niyang masayahin. Sa likod ng bawat ngiting ipinapakita niya nakatago ang madilim na nakaraan niya. Ang malungkot na pagkatao niya.

Tama nga sila. Hindi lahat nang nakangiti ay masaya. At hindi lahat nang nakikita nating nakangiti ay walang problema.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti nalang ako nang makita ang naka registered na pangalan.

"Baby.. Asan ka na ba? Kagabi pa kita hinihintay dito sa bahay." Ang nagtatampong sabi ng aking ina.

"Pupunta po ako dyan mamaya.. Pero ma.. Do me a favor.

Wag niyo po akong tawaging Silk Rude Hernandez. Pagsabihan niyo rin po ang lahat ng mga tao dyan sa bahay. Mga kasambahay, security, si bunso at si papa."

"Okay." Ang masaya pa nitong sagot.

Napailing nalang ako. Hindi na ako nagtaka kung bakit pumayag agad si mama.

-----------

Sorry for the typo error.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon