Chapter 9

5.3K 195 5
                                    

"GoodMorning."

Ang nakangiting mukha agad ni Juan ang bumungad sa akin. Sa loob ng tatlong buwan na pagsasama namin halos araw-araw maaga siyang nagigising para lang hintayin akong imulat ang aking mga mata at batiin ng 'good morning'. Nauunahan ko lang siya ng gising kapag sobrang pinagod ko siya sa magdamagang pagtatalik namin.

Tatlong buwan na ang lumipas. Tatlong buwan ko na ring palihim na ipinapahanap ang kanyang ama. Ilang ulit na rin akong nagpabalik-balik sa Manila para kumustahin ang naiwang negosyo at para hanapin ang tiya niya. Nagtagumpay ako sa paghahanap sa kanyang kinikilalang tiya at mga pinsan. Nagtagumpay din ako sa paniningil sa mga ito. Ang lahat ng paghihirap at sakit na ginawa nila kay Juan ay dapat may kabayaran. Pinadukot ko ang tatlong pinsan na lalaki niya at saka pinadala sa isang kulangan na napupuno ng mga barakong lalaki. Hindi ako naghirap kung paano sila maipapasok dahil sa Tito ko na heneral. Binayaran ko rin ang mga nakakulong sa seldang yun para gahasahin at paulit-ulit na baboyin ang tatlong lalaki. Kulang pa nga ang mga iyun sa paghihirap na ginawa nila kay Juan. Pagkatapos ng gabing yun, pinalabas ko na sila at nabalitaan ko nalang na sa hospital na sila dinala. Wala naman akong balak na ipapatay sila. Gusto ko lang maramdaman din nila ang pangbababoy na ginawa nila kay Juan. Isinunod ko naman ang tiya niya. Kumuha muna ako ng ilang inpormasyon tungkol sa pagkatao ni Juan. Pero wala rin itong masyadong alam. May ibinigay lang siyang isang larawan sa akin. Larawan daw ito ng totoong ina niya. Pagkatapos kong makakuha ng inpormasyon, ito naman ang pinadala ko sa isang seldang may mga matatandang nakakulong. Dapat niya rin maramdaman at maranasan ang mga kababuyang naranasan ni Juan sa kamay niya. Sa kamay nila! Dapat niya ring pagbayaran ang mga pananakit at paghihirap niya dito. Pinasara ko rin ang kanilang bar para mas lalo silang maghirap.

"May dumi ba ako sa mukha?" Ang nakangiting tanong niya. Kanina pa pala ako nakatitig lang sa kanyang napaka-among mukha. Umiling ako. Ngumiti at saka hinalikan siya sa noo.

"Wala. Nakakaadik ka kasing pagmasdan." Ang nakangiti kong sagot. Ngumiti rin siya sa akin at yumakap.

"Sana.. Sana mananatili kang akin."  Ang mahinang sabi niya na nagpangiti naman sa akin.

***

"Hindi po ako makakapayag sa gusto n'yo!"

Napatayo ako at hindi ko mapigilang pagtaasan ng boses ang aking ama. Ngayon na nga lang kami nagkita sa loob ng mahabang panahon tapos hindi pa magandang balita ang maririnig ko sa kanya. Sana hindi nalang siya nagpunta dito. Sana hindi nalang siya nagpakita kung hindi niya rin pala tanggap ang totoong ako.

"Be a man son! Be a man! Hindi ako naniniwalang bakla ka katulad ng sinasabi ng iyong ina." May namumuong galit sa boses niya. Pero kahit ano pa mang sabihin niya hindi na mababago ang totoong ako at hindi na rin mababago ang desisyon ko.

Nagpapasalamat ako dahil wala si Juan. Nagpapasalamat ako dahil hindi niya naririnig ang mga sinabi ng aking ama. Mabuti nalang talaga at pinayagan ko siyang mamasyal kasama ang anak na babae ni Mang Cannor.

"kung bakla ang tawag sa lalaking nagmamahal din sa kapwa lalaki. Siguro nga bakla ako! Kaya umalis na kayo kung ipipilit n'yo lang yung gusto n'yo."

"Kailangan mo siyang pakasalan anak." Ngayon ay nakikiusap na ang boses ni papa.

Magpapakasal? Ako magpapakasal sa babaeng ni minsan ay hindi ko naman nakita.

"Buo na po ang desisyon ko, pa. Umalis na po kayo bago pa dumating yung fiancee ko."

Lihim akong napangiti nang mabanggit ko ang salitang 'fiancee'. Pinaninindigan ko na talaga ang pagiging fiancee ko kay Juan.

"Okay" Ang pagsuko nito. Huminga pa ito nang malalim bago ulit nagsalita. "Hindi kita pipilitin na magpakasal sa kanya. Pero may isang bagay lang akong hihilingin sa'yo. Kahit ito lang sana mapagbigyan mo ako anak." Ang seryosong turan niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon