Unedited! Sorry for the typo error and for grammatically wrong
Enjoy!
----
"Welcome home Apo."
She hug me tight with love. I know she really miss me. It's been years ng huli kaming magkita ni Lola kaya alam kong sabik na sabik siya saakin. Niyakap ko rin siya at pati narin si Lolo na nasa tabi lang din niya.
Kasalukuyan kaming nasa garden ng mansiyon ni Silk. Nagtataka nga ako kung bakit dito kami dumeretso at hindi sa bahay nila lola at lolo.
"Na miss ko po kayo" Ang nakangiting sabi ko.
"Mas na miss kita apo." Niyakap niya ulit ako. Bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at nakangiting tumingin sa lalaking nasa likuran ko. "Salamat Paulo sa pag aalaga sa apo ko."
"Ako po ang dapat magpasalamat sainyo Lola at isa pa po hindi ko po naalagaan si Brix dahil siya po ang nag-aalaga saakin" Sinabayan niya pa ng tawa ang huling sinabi. Tumawa naman si Lola samantalang ako ay sumimangot.
"Kapal talaga ng mukha!" Nakanguso kong sabi. Tumawa naman sila na mas lalong isinimangot ko.
"Ang cute mo talagang bata ka" Ang natatawang sabi ni Kuya Paulo. Ginulo niya pa ang buhok ko na mas lalong ikainis ko. Napansin ko naman ang hindi maipintang mukha ni Silk. Nakatayo lang siya sa may gilid at magkasalubong ang mga kilay.
"Papa!"
Sabay kaming napatingin sa isang batang lalaking patakbong lumapit kay Silk. Hindi pa man nakakalapit yung bata pero namumukhaan ko na. Napatitig ako sa mukha niya. Sa mukha niyang kamukha ko.
Sinalubong agad siya ng yakap ni Silk at kinarga. Ako naman ay nakasunod ang tingin sakanilang dalawa. Alam kong anak siya ni Silk pero bakit kamukha ko siya? Bakit kamukha ko ang bata? Habang nakatitig parin ako sa mukha ng bata may kung anong kaba akong naramdaman. Ang hugis ng kanyang mukha. Ang kanyang labi. Ang kanyang ngiti. Alam kong katulad ng saakin. Biglang lumingon saakin ang bata at nagtama ang aming mga mata. Para lang akong nakatingin sa batang ako. Nakita ko rin ang pagguhit ng pagtataka sakanyang mukha.
"Hello" Ang nakangiti niyang bati saakin. "Are you my kuya? Are we brothers?" Nanatili lang akong nakatingin sa mukha ng bata. Tumingin naman ulit ito sakanyang ama. "Papa. Why do I look like him. Who is he?"
Nakita ko ang pagpakawala ng isang buntong hininga ni Silk. Tumingin siya saakin ng diretso. Tumingin siya saakin ng seryoso. Bigla na naman tuloy akong kinabahan. Nakita ko ang pagbuka ng kanyang bibig hudyat na magsasalita na sana siya pero nahunahan siya ni Lolo Fernan.
"Blake apo, he is your Tito Brix." Ang nakangiting sabi ni Lolo. Tumingin naman saakin si Lolo at nakangiting ipinakilala saakin ang bata. "Brix, anak siya ng pinsan mong si Silk. Natural lang siguro na magkamukha kayo because you share the same blood. Hernandez ang dugong dumadaloy sa katawan niyo."
Oo nga naman. Natural lang na magkamukha kami. Natural lang. Pero bakit di parin ako kumbinsido? Bakit pakiramdam ko may itinatago sila saakin?.
-----
Kinagabihan ay nagkaroon kami ng simpleng salo-salo sa mansiyon mismo ni Silk. Nalaman ko na kaya pala dito kami dumiretso sa mansiyon niya ay dahil pina-renovate nila lolo yung mansiyon nila. Dito kami mag s-stay ni Kuya Paulo samantalang sila lolo ay kailangan bumalik sa pinapaayos nilang mansiyon para mabantayan mabuti ang pagpapaayos dito. Tatanggi sana ako. Mas gusto ko mag stay sa hotel kaysa mag stay sa isang bahay na kasama siya. Pero di ko yun ginawa, dahil kapag ginawa ko yun baka iisipin niyang may nararamdaman parin ako sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/55267918-288-k42768.jpg)