"Maligayang pagbabalik po, Sir."
Ang sabay na bati sa akin ng mga security guard at mga katulong. Kakabukas palang ng malaking gate at kakapasok palang ng sasakyan ay agad na nila kaming sinalubong. Sinalubong nila ako na may ngiti sa mga labi.
Nabaling ang atensyon ko sa isang matandang katulong at sa magandang babaeng katabi nito. Hindi ko maiwasang mas mapangiti nang makita ko silang dalawa.
Si Nanay Lissa. Ang aking yaya na siyang nag-alaga sa akin hanggang sa nagkaisip ako. Tinuturing ko siyang pangalawang ina. Siyam na taong gulang palang ako ng huli ko siyang makita. Kaya ganito ako kasaya ngayon dahil nakita ko ulit siya. Nahahalata na ang pagkunot ng balat nito. May puti na rin na mga buhok sa ulo niya.
Si Naureen. Ang anak ni Nanay Lissa. Ang aking kababata. Pinakamatalik na kaibigan. Naaalala ko pa na minsan nagtatabi rin kami sa pagtulog. Namimiss ko na rin siya. At hindi ako makapaniwala na ang ganda at dalagang-dalaga na siya.
Nagbabago nga talaga ang tao sa paglipas ng panahon.
Lalabas na sana ako ng sasakyan nang maalala ko ang binatang katabi ko. Tumingin ako dito at nakita ko sa mukha nito ang pagkamangha. Nakanganga pa nga itong nakatingin sa mansiyon namin. Nakalabas ang ulo nito at tuwang-tuwang nakatingin sa paligid.
"Talaga bang bahay mo ang mansiyong 'to?" Tanong niya na hindi man lang tumingin sa akin.
"Sa parents ko 'to. Wala ka bang balak lumabas?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti saka masayang bumaba sa sasakyan. Napailing nalang ako bago lumabas.
"Magandang araw sa inyo." Ang masayang bati niya sa mga ito. Isa-isa niyang nilapitan at niyakap ang mga katulong pati na rin ang tatlong guard.
Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Napa face palm nalang ako bago siya hinila.
"Magtino ka nga!" Ang naiinis kong sabi sa kanya.
"Ano bang ginawa ko? Binati ko lang naman sila ha? Diba?" Nakangiting ibinaling niya ang atensiyon sa mga katulong.
Sabay naman na tumango ang mga ito.
"Kumusta ka na Pedro?" Ang bati sa akin ni Naureen.
Pedro?
Nagdikit ang kilay ko nang marinig ang pangalang itinawag sa akin. Nakita ko rin sa mukha ni Naureen na pinipigilan niyang tumawa.
Pedro? Kailan pa ako naging si Pedro? Kailan pa ako naging apostoles ng Diyos?
"Hindi mo ba ako yayakapin, Pedro? My long lost boyfriend?"
Ibinuka niya ang dalawang kamay. Ngumiti ako at yumakap sa kanya.
"I miss you, girlfriend." Ang nakangiti kong sabi. Ginulo ko pa ang buhok niya.
Napabitaw ako sa pagyakap kay Naureen nang maramdaman kong may humawak sa'king kamay. Nagtatanong ang aking mga matang nakatingin sa binatang nakahawak saking kamay.
"Pedro palang pangalan mo?" Ang natatawa niyang tanong. Kinunutan ko lang siya ng noo at tiningnan ng may pag-uusig saking mga mata.
Hindi sana ako si Pedro kung hindi dahil sayo!
"Akala ko ako lang ang may lumang pangalan." Ang natatawa pa rin niyang sabi. Tumigil siya sa pagtawa at biglang nagseryoso. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Im Juan." Ang nakangiti niyang sabi. Tiningnan ko lang siya at ang kamay niya na naniningkit ang aking mga mata.
"Sa bibliya, magkasunod ang Pedro at Juan. Sa mga jokes lagi rin ginagamit ang pangalan na yan. Kaya nga nakakatuwa dahil kahit luma na ang pangalan natin, madalas pa rin itong gamitin, dagrado pa." Kinuha niya ang kamay ko at kusang idinikit sa kamay niya. Pinagsaklop niya ang mga ito.
Babawiin ko sana ang aking kamay dahil sa kakaibang kuryenteng dumaloy dito nang maidikit ito sa kanya kaso mahigpit ang pagkakahawak niya.
"Oh, diba? destiny tayo. Kasya yung kamay ko sa malaking kamay mo." Ang natutuwa niyang sabi. "Pinagtagpo talaga tayo ng tadhana kasi alam niya na ikaw ang makakatulong sa akin." Binawi ko ang kamay ko at tumingin sa kanya nang masama.
Tadhana?
May tadhana ba?
Hindi ako naniniwala sa tadhana. Paano ako maniniwala sa bagay na'yan gayong alam ko naman na ang tadhana ay isang desisyon lamang.
Desisyon na tayo ang gumagawa.
"WALANG TADHANA AT HINDI TAYO PINAGTAGPO!"
Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Ang masayang mukha niya ay napalitan nang pagkabigla at lungkot. Bigla akong nakonsensiya. Huli na para bawiin ang mga salitang nabitawan ko.
"Tama. Wala naman talagang tadhana." Ang nakayuko niyang sabi. Shit! Pakiramdam ko tuloy nasaktan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Para akong natataranta, na ewan!
Bigla ko siyang hinawakan sa kamay na ipinagtaka niya. Pinagsaklop ko ang mga palad namin. Tumingin siya sa akin na may pagtatanong sa kanyang mga mata.
"What? Papasok na tayo. Naghihintay sa loob ang mga magulang ko." Ang sabi ko sabay lakad na hawak pa rin ang kamay niya.
Alam kong nakatingin sa magkahawak naming mga kamay ang mga kasambahay pero hindi ko na yun alintana. Naramdaman ko rin na babawiin niya ang kamay niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang paghawak. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong nakatingin siya sa akin.
Pakiramdam ko kasi sa paghawak ng kamay niya ang paraan para mapawi ang lungkot na dulot ng mga salitang nabitawan ko.
Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit ganon ang mga salitang nabitawan ko, hindi ko pa rin siya iiwan. Hindi man ako naniniwala sa tadhana. Hindi man ako naniniwala na pinagtagpo kami. Gusto kong malaman niya na kahit hindi ako naniniwala sa mga bagay na'yun, nandito pa rin ako. Kasama niya. Hangga't kasama niya ako hinding-hindi ko siya pababayaan.
"Kuuyyaa.."
Ang sabik na sabik na salubong sa akin ng bunso kong kapatid. Mas matanda lang ako rito ng anim na taon. Agad niya akong niyakap pero agad din siyang napabitaw nang mapansin niya ang binatang kasama ko.
Sa klase ng tingin niya, alam ko sinusuri niya ang kasama ko. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
Napansin ko rin na napahigpit ang paghawak sa akin ni 'Juan' kung Juan nga ang totoong pangalan niya. Napansin ko na parang hindi siya mapakali. Kaya ningitian ko siya.
"Juan..." Para akong matatawa nang banggitin ko ang pangalan niya. "Si Jeric, kapatid ko." Tumingin ulit ako sa kapatid ko. "Siya naman si Juan."
"Kumusta ka Juan?" Ang magiliw na tanong ni Jeric sa kanya. Ngumiti naman si Juan pero may pag aalinlangan pa rin akong napansin.
"O-okay lang." Ang napipilitan niyang sagot dito.
"I like you."
Sabay na lumaki ang mga mata namin dahil sa sinabi ng kapatid ko. Nakangiti at titig na titig lang siya kay Juan na para bang natutuwa siyang makita ito.
Napatingin ako kay Juan na kasalukuyan nang namumula ang mukha.
Shit! Kinikilig ba siya?!
"I like you Juan. Pwedi ba kitang ligawan?" Ang sabi ulit ni Jeric. Hahawakan sana niya ang kamay ni Juan ng bigla ko siyang pigilan.
"Hindi pwedi bunso." Ang seryoso kong sabi.
Bigla nalang uminit yung ulo ko. Ewan ko, pero hindi ko gustong makita na may ibang humahawak sa kanya. Nawala rin ang ngiti sa mukha ng kapatid ko. Ang mga mata niya ay waring nagtatanong.
"Oh! Nandito na pala ang baby ko."
Sabay kaming napatingin sa babaeng may edad na pero maganda pa rin na kasalukuyang bumababa sa hagdan. Bakas sa mukha nito ang pananabik.
Nang tuluyan na itong makababa ay agad niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya nang pagkahigpit. Bumitaw lang kami sa pagyayakapan ng biglang magsalita si Jeric.
"Ma, meet Juan.
My Boyfriend."
-----------------------