Chapter Three

6.7K 307 35
                                    

"Anong pangalan ng papa mo?" Hindi ko alam kung bakit itinanong ko pa. Yung totoo hindi naman ako interesado sa taong hinahanap niya.

"Hindi ko pa siya nakita kahit minsan. Wala din akong hawak na larawan niya. Pero ang sabi ni mama ang pangalan daw niya ay..

ay..

Silk Rude Hernandez."

"Silk Rude Hernandez?" Pag-uulit ko.

Hindi ako makapaniwala sa narinig. At hindi ako maniniwala.

"Kilala niyo po siya?" Hindi rin makapaniwalang tanong niya. Lumaki pa ang mga singkit niyang mga mata.

Oo naman. Kilalang-kilala!

Kilalang-kilala ko ang sarili ko.

"Sigurado ka ba na yan nga ang pangalan ng papa mo?" Tanong ko na naman.

Kailan pa ako nagkaroon ng anak? Tsk tsk!

"Sigurado ako. Siguradong-sigurado. Sa'n ko siya makikita?" Nakikita ko ang pananabik sa kanyang mga mata.

Sasabihin ko ba sa kanya na ang taong hinahanap niya ay ako?

Pero marami pa akong gustong malaman. Pakiramdam ko marami pa akong dapat malaman.

"Pumasok ka muna." Sabi ko sa kanya. Itinulak ko pa siya papasok sa kotse. Narinig ko pa ang pag-angal niya pero hindi ko na yun pinansin.

***

"Ikaw lang ba ang nakatira dito?"

Namamanghang tanong niya. "Ang laki naman ng bahay na'to." Dagdag pa niya. Nang makita niya ang sofa bed ay bigla siyang umupo dito. "Ang sarap upuan." Para siyang bata sa itsura niya. Napapasunod nalang ako nang tingin sa bawat ginagawa niya.

Napapangiti nalang ako sa mga ikinikilos niya. Uupo. Hihiga. At lumulundag siya sa sofa.

Magsasalita sana ako ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko.

"Where are you baby? Naghanda pa naman kami sa pagdating mo. Gusto na kita makita. Gusto ka na namin makita ng daddy mo. We missed you."

Napahinga nalang ako nang malalim. Si mama. Kaya hindi ako sa amin dumeretso dahil alam kong buong angkan namin nandon. At isa pa hindi nila pweding makita ang lalaking kasama ko.

"Nandito po ako sa bahay. Gusto ko pong magpahinga. Promise pupunta po ako dyan at kakainin lahat nang niluto ng pinakamaganda at pinakamabait na ina sa mundo. I miss you too mama. Namimiss ko na rin kayo ni papa."

Nakangiti ako na para bang nasa harap ko lang ang kausap ko. Narinig ko ang paghinga nito.

"Okay. Gustong-gusto ko na makita ang baby ko."

"Bye ma. I miss you. I love you" Pagkasabi ko ay pinatay ko na ang phone.

Napatingin nalang ako sa binatilyong nasa harapan ko. Nakangiti siya sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.

"Bakit?" Tanong ko.

"Namimiss ko lang yung mama ko. Sampung taong gulang pa lang ako nang mamatay siya. At kahit hindi ko nakikita ang papa ko.. Namimiss ko rin siya. Dahil alam ko mahal niya ako."

"Ilang taon ka na?" Seryosong tanong ko.

"Seventeen.."

Seventeen? Nah! Im twenty six. Kaya imposible talagang anak ko siya. Nine years ang gap namin. Kaya paano ako makakabuntis kung nine years old palang ako?

"Mag ka-college na sana ako. Pero tumakas ako sa tiya ko. Ayaw niya akong pag-aralin ng college. Kaya naisipan kong hanapin ang tunay kong ama. Sabi nila sa Davao daw siya nakatira.

Gusto ko siyang makita. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Hindi naman ako galit sa kanya at hindi rin ako magagalit. Gusto ko lang naman itanong sa kanya kung bakit niya kami iniwan ni mama? Kung alam niya lang sana ang buhay na dinanas namin ni mama. Kung alam niya lang sana.."

Napahagulgol na siya nang iyak. Napayakap pa siya sa sarili niya na para bang ayaw niyang hawakan siya.

Nakaramdam ako nang awa. Hindi ko man alam ang buong kwento ng buhay niya pero pakiramdam ko ang dami na niyang pinagdaanan.

"Kung alam niya lang sana... Kung alam niya lang sana.." Pagpatuloy niya. Umiiyak pa rin siya.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinagod ko ang likuran niya.

"Sshhh.. Tahan na. Mahahanap mo rin siya. Makikita mo rin ang papa mo." Sabi ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Parang may nag-uutos sa akin na yakapin siya. Niyakap ko siya. Yakap na nagpapahiwatig na hindi siya nag iisa. Na may karamay siya. Na may kasama siya.

Napaangat ang ulo niya at tumingin sa akin. Ang singkit niyang mga mata ay kumikislap. Para bang natutuwa na hindi siya nag-iisa.

"Hindi mo ako iiwan diba? Sabi mo hindi mo ako iiwan. Hwag mo akong iwan.." Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Sobrang higpit na para bang natatakot siyang mawala ako.

"Papa.. Hwag mo po akong iwan. Magpapakabait ako. Basta wag mo lang po akong iiwan.." Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakasubsob siya sa dibdib ko. Pero alam kong umiiyak na naman siya.

Papa? Paano niya namimiss ang isang taong hindi naman niya nakita at nakasama?

"Papa.. natatakot ako. Natatakot ako. Hwag niyo po akong iwan. Ayaw ko na po sa kanila..

Ang dumi dumi ko na po.. Ang dumi ko na. Sobrang dumi!

Papa. Tulungan niyo ako. Ilayo niyo ako sa kanila. 'Wag nyo po akong ibalik sa kanila."

Bawat salitang binibitiwan niya kasabay ang paghigpit nang yakap niya sa akin. Nakikitaan ko siya nang takot sa mga ikinikilos niya. Namalayan ko nalang na tumulo na rin pala ang mga luha ko.

Hinahaplos ko ang buhok niya. Hinalikan ko pa ang ulo niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na ligtas siya. Na nandito lang ako para sa kanya.

"Sshhh.. Hangga't nandito ako. Hangga't nasa tabi mo ako. Walang makakasakit sa'yo. Hindi kita ibibigay sa kanila.

Dito ka lang..

Akin ka lang.."

Naramdaman ko ang pagluwag nang pagkakayakap niya sa akin. Narinig ko pa ang mahinang pag hilik niya. Napangiti nalang ako dahil alam kong nakatulog na siya.

Iniayos ko ang paghiga niya. Hihiwalay ko na sana ang kamay niyang nakayakap sa akin ng bigla siyang magsalita.

"Dito ka lang sa tabi ko.. Wag mo akong iwan, papa." Nakapikit na sabi niya. Napangiti na naman ako.

Pati rin ako ay humiga nalang. Nakaunan siya sa braso ko habang nakayakap siya sa bewang ko. Mabuti nalang malaki ang sofa bed kaya nagkasya kaming dalawa. Mabuti nalang din may kapayatan siya.

"Matulog ka lang nang mahimbing..

Pag gising mo nasa tabi mo pa rin ako."

Sabi ko sabay halik sa noo niya bago ko ipinikit ang aking mga mata.

--------

Twisted Fate (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon