Shirley Pov
"Hey! How was the trip?" bungad ni Lexie sakin nang makauwi ako sa bahay. Bahagya akong kinabahan sa tanong niya.
"I-It was fun. M-Madami kaming pinasyalan." tipid na sagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na si Nash ang kasama ko sa buong trip na iyon. Ayokong mag-isip siya ng kung anu-ano, hahayaan ko nalang na si Nash na ang mismong magsabi sa kanya.
Mabuti naman at tinantanan niya rin ako ng tanong tungkol sa weekend vacation namin. Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong inayos ang mga gamit na dinala ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang magtext si Nash sakin.
---
From: NashGot home. Nakauwi ka na?
---
Nagreplay ako na nakauwi na. Naghiwalay kami sa bahay nila Kuya Dj. Kahit na pinilit niya akong ihatid ay hindi na ako pumayag. Alam ko namang pagod narin sila sa byahe.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko, nagreplay agad siya.
---
From: NashGood. Magpahinga ka na, alam kong pagod ka. See you tommorow!
---
Hindi narin ako nakapagreplay dahil talagang inaantok na ako. Masyado akong napagod dahil nagswimming pa kami kahapon.
Kinabukasan ay sabay na kaming pumasok ni Lexi. Sa paglabas palang ng bahay ay nadatnan namin ang pamilyar na sasakyan. Natigilan ako nang makita si Nash na nakasandal dito. Agad kong inayos ang salamin sa sobrang kaba.
"Hey." sabay lapit ni Lexie kay Nash para humalik sa pisngi nito. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hindi maipaliwanag na naramdaman.
"Ah... Lexie, sabay na kayo." paanyaya ni Nash at binuksan na ang pinto sa backseat. Mabilis na pumasok si Lexie sa loob at ako nalang ang hinihintay. Si Nash naman ay nakatingin sakin na akala mo ay may nagawa siyang masama.
Bakit pa? Alam ko namang wala akong karapatang masaktan. Mahal niya lang ako at hindi ko kakayaning masaktan ang kapatid ko.
"D-Doon nalang ako sa harap. Ikaw nalang sa likod Nash." Bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Yun naman ang nararapat diba? Thirdwheel lang ako sa relasyon nila.
"No, you at the backseat. Wag mo na akong pahirapan." Sandaling lumamlam ang mata niya nang sabihin niya ang huling pangungusap. Bahagya akong napayuko dahil ayokong makita niya ang sakit na nadarama ko ngayon.
"Hayaan mo na si Shirley, Nash. Siguro ay binibigyan niya lang tayo ng quality time sa isa't-isa. Mahigit tatlong araw ka ding nawala and I missed you." rinig kong sabi ni Lexie sa loob kaya hindi na ako nag-atubiling pumasok sa harap. I'm sorry Nash.
Nginitian ko nalang si Manong na mukhang alam ang nangyayari at bumaling sa bintana. Hindi ko na sila tiningnan pa dahil sapat ng maging martyr ako na hayaan siya sa kapatid ko. Ayoko nang makita pa ang pagmamahal na ibinibigay ni Lexie sa kanya. Lalo lang akong nagi-guilty at nasasaktan para sa aming tatlo.
Nang makarating kami ay lumabas agad ako. Pagkalabas nila sa likod ay nakasimangot na si Nash. Nang tumingin siya sakin ay lalong tumalim ang tingin niya. Napangiti na lamang ako dahil umiiral na naman ang pagkachildish niya. Naalala ko na naman ang pagpipilit ko na kumain siya ng streetfoods.
Agad namang itong napawi nang lumabas na si Lexie at kumapit sa braso niya. Hindi ko maalis ang tingin ko doon kaya nagsalita na ako.
"Mauna na ako sa inyo. M-May gagawin pa kasi ako sa room." sabi ko at tumingin na kay Lexie.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?