Shirley Pov
Ilang araw ang lumipas ay bumalik na rin ang friendship namin ni Nash. Nakakasabay na ako sa kanila at wala nang gap sa pagitan naming dalawa.
Pero hindi parin maiiwasan ang ilangan sa paligid namin dahil alam nga nilang naging kami ni Nash. Si Lexi nga lang ang hindi naiilang dahil alam niya ag totoong reason kung bakit naging kami.
"Okay guys! May gig kami mamaya. Punta kayo ah." si Sabrina na katabi ko ngayon.
"Sige ba." sang-ayon naman nilang lahat.
Kasama namin ang Gimme 5, Mika, Lexi at Jai. Kumpleto nga kami eh. Ang saya lang.
"Ah. Sorry. Hindi ako makakasama." sabi ko. Hindi pa kasi nila alam na ako si Paige. Ewan ko nga sa mga ito eh. Mga hindi man lang nagtataka kung bakit hawig kami ni Paige? Ganun ba kalayo ang itsura ko sa natural sa may make-up? hmmm.
"Bakit na naman? Pansin ko lang. Hindi ka sumasama samin kapag maggigig sila Sab at Jai." si Grae.
"Ah.. Ano kasii..." wala akong maisip na dahilan. Help me..
Napatigil naman ako nang may umakbay kami.
"Eh kasi nga kailagan niyang magpart time job kasi siya nalang ang nagpapaaral sa sarili niya.Diba Shirley?." si Nash pala ang nakaakbay sakin. Nakatingin naman siya sakin.
Okay. Kahit naman ayos na kami ay hindi ko parin maikakaila na mahal ko parin tong lalaking to. Martyr na kung martyr pero mas ayos na sakin to. Wala namang masasaktang tao kung ililihim ko nalang tong nararamdaman ko diba?
"Ah. Oo! Sorry talaga. kailangan ko kasing magtrabaho eh. Pero try kong humabol." half lie na sagot ko. Dahil totoo naman na nagraracket ako eh at yun ay yung gig na pupuntahan nilang lahat.
"Uhmm. Babe can you fetch me later? " singit ni Lexi. Tinanggal naman ni Nash ang paglakaakbay niya sakin.
Alam kong masakit na alam mong sa sarili mo na meron na siyang iba. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ang alam niya ay wala akong nararamdaman sa kanya.
I tried to be dense to him. To don't express my true feelings towards him and no one will be hurt. It's just only me.
"Oo naman Lexi. Girlfriend kita eh." sabi ni Nash.
I know that he don't want to hit me using those words but it really shoot me and I'm hurt.
"Okay. Punta nalang kayo dun sa restau ah." singit ni Sab.
Pagkatapos na pag-uusap ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming room. Hinatid naman ako ni Jai kahit na magkatabi pang ang room namin. Parang sira.
"Sige na Jai. Pasok ka na." nakangiting sabi ko aa kanya.
"Pumasok ka na muna." sabi niya naman.
"Oo na po." sabi ko pero bago yun ay pansin kong nakatingin samin sila Nash. Silang lahat ay may ngiting alam kong panunukso. At si Nash..
"Tara pasok na tayo." walang ganang sabi niya. Sumunod naman ang mga ito.
Si Sab naman napailing nalang. Siguro may alam tong babaitang ito.
"Sige. Bye." pilit na ngiti ko kay Jai at tuluyan nang pumasok.
"Oy. Anong mukha yan?" singit ni Jade sakin. Naging mas lalong close na kami dahil ako lang yata ang friend nito maliban sa boyfriend niyang si David at si Ran na friend naman ni David.
"Ah. Wala to." tipid na sagot ko. Ayoko kasing magkwento. Nahihiya ako. Tsaka wala naman maitutulong kung ikukwento ko pa diba?
"Hindi na kita pipilitin. Wala naman akong paki." sabi niya at bumalik na ng upuan niya. Kahit kailan talaga tong babaeng to. haha. Sanay na ako sa kanya. Alam ko naman concern talaga yan babaeng yan. Magmamaldita kunwari pero worried lang talaga yan sayo. Kaya siguro siya nagustuhan ni David.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?